Crazy Girl

1177 Words
"I'm not perfect I'm not skinny. I'm not drop dead gorgeous. I'm not always the happiest girl. I'm not that funny. I'm not that outgoing. I'm not talented. I'm not special. I can't pull off short skirts & low tops. I haven't dated many guys. I don't turn heads. I don't have much to offer but I'm me." ❣❣❣ 'BLAG' "Aray!..." Talsik sa malayo si Xylie ng may makabangga sa kanyang biglang pagliko patungong bus stop. Sabog ang mga bitbit nyang paper bag kung saan saan lang. Hindi kaagad sya nakagalaw sa malakas na impact ng kanyang pagtama sa pader. "A -- araayy... Susme, parang nagtanggalan yatang mga buto ko sa katawan ah, huhu tsakiiittt..." Hindi nya malaman kung sang parte ng katawan nyang unang hihimasin dahil pati kamay nya namamanhid din. Kagatlabing pinipigilan nyang wag mapaiyak dahil sa totoo lang nakakahiya ang kalagayan nya ngayon. Naramdaman nyang may masuyong nakahawak sa kanyang braro at nagsasalita ito pero hindi nya masyado maunawaan, pati yata tenga nya nagkadiperensya na rin. "Miss, okay ka lang ba? I'm very sorry di kasi ako nakailag ng bigla kang sumulpot saking harapan." Nakapikit pa rin si Xylie, hinihintay nyang mawala ang pamamanhid ng kanyang katawan para maikilos na nya. Pero laking gulat nya ng biglang umangat ang kanyang katawan na tila may nagbuhat sa kanya kaya napadilat bigla ang kanyang mga mata, napaawang ang kanyang labi ng tumambad sa kanya ang mukha ng isang lalaking naka dark shades. Deretso lang ang tingin nito habang naglalakad, kung saan ito patungo yun ang higit nyang ikinabahala. "Ahm.. Excuse me, ok nako Mr. kaya pwede mo nakong ibaba.!" "No! I'll take you to the Hospital." "Ha! H -- hospital? Dina kelangan, ibaba mo na lang ako ngayon din." Yumoko ang lalaki tiningnan lang sya nito, tuloy pa rin ang paglalakad nito. Maya maya huminto ito sa isang nakaparadang kotse sa gilid ng daan. Narinig pa nyang pagtunog ng unlock sa pintuan nito. At ng tuluyang mabuksan yun ng lalaki maingat syang pinaupo sa passengers seat at kinabitan ng seatbelt. At pagkatapos maisara ang pinto ng kotse binuksan naman nito ang backseat saka inilapag sa upuan ang ilang paper bag na bibit nya kanina bago mangyati ang aksidenteng banggaan nilang dalawa. Ng masiguro ang lahat umikot na ito at sumampa sa driver seat saka pinaharorot palayo sa lugar na yun. Nakasunod lang ang tingin ni Xylie sa bawat kilos ng lalaki, hindi na sya umimik pa mula ng huli nilang pag uusap. Ipinagpasalamat nya na lang ang hindi rin nito pag imik sa kanya, kaya nakarating sila ng hospital na peaceful. "Dito ka lang muna ha kukuha lang ako ng wheelchair para komportable kang makaupo papasok ng hospital." Tumango lang sya. Tinitingnan lang nya ang lahat ng kilos at ginagawa ng lalaki. asikasong asikaso sya nito, ito rin ang nakikipag usap sa doctor na nag check up sa kanya, lahat ng gastusin ito ang sumagot kasama ng gamot nya. Hanggang i discharge na sya ito pa rin ang kasama nya, ang umaasikaso sa kanya. ang nag aalaga sa kanya. Kagaya ngayon nakaalalay na naman ito sa kanya habang papasok sa kanilang bahay na ikinailang naman nya sa tuwing nagdidikit ang kanilang balat sa isa't isa. "Pwede mo na akong bitawan, kaya ko ng sarili ko. Salamat." "Hayaan mong tulungan muna kita, kasi nakikita kong hindi mo pa talaga kaya." 'Aba! Makulet din pala 'tong bakulaw na'to ah! Teka nga muna masampolan para matauhan.' Dumestansya sya sa lalaki at mabilis na binawi ang braso nyang hawak hawak nito kanina pa. At yun ang malaking pagkakamali nya dahil sa ginawa nya nawalan sya ng panimbang at pabagsak na sa semento ng may malalakas na brasong pumulupot sa kanyang bewang kaya hindi sya tuluyang sumalampak sa lapag. "Tsk.. Crazy girl, sabi ng dipa kaya eh!" Kaagad syang binuhat ng lalaki. "Anong sinabi mo? Crazy ako, ha? Tadong 'to hmp." Nandidilat ang mga mata nyang tinampal sa dibdib ang lalaking may buhat buhat sa kanya. 'Wow tigas ng dibdib ha, siguradong may abs ito hihi' "Stop thinking mahalay crazy girl." "Anong?... Ikaw! Nakakainis kanaaa.. kanina kapa. Um... Um.." "Besty! Anong nangyari sayo? At sino naman sya?" Natigil sa kakasuntok si Xylie sa dibdib ng lalaki ng marinig ang boses ni Maxim. Pilit syang kumakawala sa lalaking may buhat sa kanya pero useless pa rin dahil sa higpit ng pagkakakapit nito sa katawan nya imposibleng makawala pa sya. "Hello I'm Alexander Juno, and you are..?" Nakatangang napakurap kurap ng mga mata si Maxim sabay ngiti na nagpakilala sa simpatikong adonis sa kanyang harapan. "Oh, Hi Alexander, I'm Maxim Arvilla, nice to meet you." Makikipagkamay sana ito pero ng makitang buhat nito si Xylie natatarantang iminwestra nitong daan papasok ng bahay. Ng mailapag na ni Juno sa sofa ang dalaga bumaling ito kay Maxim at binilin ang lahat ng dapat gawin para kay Xylie, pagkatapos umalis din ito agad. "Besty, anong nangyari sayo?" "Yung lalaking yun, binangga ako kaya ako nagkaganito. Araay.. letche sakit ng katawan ko Besty, parang nagkalasog lasog ang mga laman ko." "Ha! Bakit dimo sinabi kaagad, eh di sana naiganti man lang kita sa kanya. Besty namaaan." Napasimangot na lang sya sa sinabi ni Maxim, kilala nya kasi 'to eh, basta matsurang lalaki tiklop kagad 'to, eh mas marupok pa'to sa kanya eh. "Nais kong magpahinga Besty, pede mo bakong tulungan papunta sa room ko?" "Aysus, dapat dun na kita pinaderetso kanina sa poging yun eh, bigat bigat mo pa naman, halika na nga hmp." Iinot inot naman syang bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa. Bakit tila tumitindi ang sakit na nararamdaman ng kanyang katawan? Siguro wala ng bisa yung tinurok sa kanyang anesthesia kanina. Kaya sa bawat paggalaw nya kumikirot ang kanyang mga sugat. Kaya tuloy di malaman ni Maxim kung san sya hahawakan dahil panay ang pag aray nya. "Aaraayy... Parang diko yata kayang ihakbang ang mga paa ko Besty, ansakit talaga pramis." "Aba! aba.. Xylie, di kita kayang buhatin ha! Kaya tiisin mo munang sakit hanggang kwarto mo okay!" Tumango na lang sya bilang sagot sa kaibigan saka dahan dahang inihakbang ang paa, kaagad namang inalalayan sya ni Maxim. Mangiyak ngiyak sya habang sinisikap ihakbang ang mga paa. "Anuba namang kamalasan 'tong ibinagsak mo sakin ngayong araw Lord? Masakit... napakasakit talaga ahuhuhuy." "Heh! Leksyon mo yan kasi kulang ka sa pag iingat, kaya sa susunod focus ka naman sa mga ginagawa at kilos mo Besty!" "Opo Nay, bilisan na po natin kasi lalong sumasakit ang katawan ko." "Nay ka dyan! Eh kung itulak kaya kita para gumapang kana lang paakyat." "Hahaha dimu kayang gawin yun sakin Besty." "Ganun! Sige try nga natin hehe." Bigla syang binitawan ni Maxim na ikinagitla nya. "Maxiiimmmmm... Mapapatay talaga kitang bruha kaaa." Pikit matang sigaw nya dito, Pero bago bumagsak ang kanyang katawan sa semento may biglang sumagip sa kanya. Ramdam nyang hindi yun ang kanyang kaibigan kaya dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata. Napaawang ang kanyang bibig ng makita ang kanyang tagapagligtas. "I -- ikaw? Anong.. Panu?" "Hello again, crazy girl." ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD