"I am stubborn
I lie sometimes
I can be immature
A little attention seeking
I can’t save up
I spend money like it grows on trees indeed
I have big dreams
I don’t exercise
But I run a lot in my dreams
I have nightmares usually
Not so scary, more of really creepy
I take a while to say goodbye
And even longer to mean it truly
I don’t use a lot of punctuation
I take overthinking to the next level
I stare at words and wonder if they exist
Sometimes I stare at myself and wonder if I really exist
Then I jump and dance
When I pant and gulp down water
I hear my breathing and know that I am trying.
❣❣❣
"Everytime we talk, I fall a little harder."
Umarko ang kilay ni Xylie sa sinabi ni Alexander.
'Wow, unbelievable! Parang nung nakaraang buwan lang kami nagkakilala tapos ngayon sasabihin na nya sakin na fall na sya. Da moves nya ha parang si flash lang, ganun sya kabilis.'
"I don’t know why. Ikaw lang ang nakakagawa sakin ng ganito, yung kapag kausap kita iba yung nararamdaman ko. Sa sobrang close na natin sa isa’t isa hindi ko maiwasan magkagusto sayo kasi napapasaya mo ako sa simpleng pag uusap natin. Hindi ko alam kung anong meron sayo o sa ginagawa mo pero iba talaga nararamdaman ko kapag ikaw na yung kumakausap. Sa simpleng text o chat mo sakin napapasaya mo ang buong araw ko. Sa oras na badtrip o wala sa mood ako napapa good vibes mo ako palagi. Sabi nga nila “Hindi mo maiiwasang ma attached sa isang taong sobrang close mo lalo na’t palagi mong nakakausap o nakaka-chismisan”. Hindi mo masisisi tong puso ko kung nahuhulog ako sa bawat pagiging sweet mo sakin, kalooban ko na ang may gustong mahulog sayo at nagpapadala ako. Pasensya na at hindi ko kayang iwasan. Kahit sa simpleng pangungumusta mo nagiging okey na agad ako. Anong meron sayo bakit ko ito nararamdaman?"
"Aba... Abay teka lang naman, super close na pala kami sa lagay na yun. Parang madalas lang naman kami mag chat pero minsan lang naman lumalabas. Napaka advance naman talagang mag isip ng lalaking ito.'
"I still remember the first day I saw you. I still remember how my heart skipped a beat when my eyes first caught your lovely smile and face. I still remember your first “Hi” and how your voice gave chills up to my spine. I still remember the feeling of being in love for the first time, up to now. We may have changed ways but please remember wherever you are, no matter how far you may be, you’re always here in my heart and I carry you wherever I go. This maybe not the right time for us to be together but be reminded, I loved you, I still love you. I love you, always. Time pass, people change but my feelings for you, maybe silent at time but always here just waiting, always."
'Teka nga sandali, baka na wrong chat lang itong si Alexander sakin ah, matawagan na nga para maliwanagan ng lahat.'
Tatawagan na sana nyang kachat sa Skype ng marinig nyang boses ni Maxim.
"Hi Besty, may dala akong meryenda, kain tayo."
Isinara nyang laptop, naisip nyang mayang gabi na lang tawagan ang binata kasi kapag nalaman ni Maxim na ka chat mate na nya itong si Alexander siguradong di sya tatatantanan kakatukso nito.
"Lam mo ba Besty, nakita ko si Alexander sa labas ng village, mukhang dito ang destinasyon ng mokong na yun. Nanliligaw na ba sayo yun ha?"
"Hindi"
Kaagad na sagot nya. Inabot nyang isang slice ng pizza saka kumagat dun, para makaiwas sa tanong ni Maxim.
"Yung sagot mo labas sa ilong ha! Nagsisinungaling ka sakin anoh? Naku, talande ka tapatin mo nga ako magsabi ka ng totoo at wag na wag kang magsisinungaling sakin."
'Hay... Ito na nga bang sinasabi ko eh, sa sobrang kakulitan nito, wala talaga syang ligtas dito.'
"Anuna Besty? Tagal magreply ah, busy bang isip mo ha?"
Napabuntong hininga na lang sya, nag isip bago magsalita..
"Besty, sa tingin mo ba eh, seryoso sakin si Alexander?"
"Eeee... Nanliligaw na ba sya sayo Besty?"
Tumango sya't kumagat ulit ng pizza.
"Hmm.. Ok ganito yun Besty, makinig kang mabuti sa sasabihin ko sayo ha! Masarap at masakit ang pakiramdam pag nagmamahal. Alam mo na naman yan at naranasan mo na rin."
Tumango na naman sya bilang sagot sa tanong ng kaibigan.
"Masarap magmahal lalo na kung minamahal din tayo ng taong minamahal natin, pero masakit magmahal ng taong hindi tayo kayang bigyan ng halaga o hindi kayang magmahal tulad ng pagmamahal natin sa kanila."
"Teka! Mukhang malabo yata ang opinyon mo ngayon ah? May konek ba yan sa topic natin ngayon?"
"Oo naman, swak ang ending ng usapan natin ngayon. Susuko ka ba pag nalaman mong ginugudtym ka lang nya ha?"
Napaisip naman sya bigla ng malalim kasi may point ang kaibigan nya.
"Nasa sayo ang desisyon, wala sa mga taong nagbibigay ng advice sayo. Ang gawin mo, timbangin mo ang nararamdaman mo. Timbangin mo kung ano ang mas nangingibabaw na pakiramdam pag minamahal mo ang taong iyon. Kung masaya kang minamahal siya kahit di ka niya totoong mahal, ipagpatuloy mo lang, walang pumipigil sayo dahil yan ang kasiyahan mo at kagustuhan. Pero kung mas mabigat ang nararamdaman mong sakit at hirap, palayain mo na siya diyan sa puso mo. Sabihin na nating magmu-move on ka para sa kaniya sa loob lang ng 3buwan, kinaya mo. Pero kung hindi ka nagmove on at patuloy mo siyang minamahal, sinasaktan mo lang ang sarili mo at lalo kang mahihirapan higit pa sa loob ng tatlong buwan. Gets mong point ko Besty?"
"Oo naman, gets na gets ko, kahit na dipa kami nag uumpisa ni Alexander at nasa panliligaw stage pa lang sya. Nakuha ko ng nais mong ipahiwatig sakin."
Nnapangiti ng malapad si Maxim. At nag thumbs up pa ito sa kanya.
"Good luck Besty. Kung san ka masaya susuportahan kita! Always remember that, ok!"
"Thanks"
Lalong gumaan ang loob ni Xylie dahil sa mga advice sa kanya ni Maxim. Ang swerte swerte nya talaga kasi may kaibigan syang katulad ng Besty nya.. Maunawain, mapagbigay, mapagmahal at masayahin. Apat na M. na malalim ang kahulugan para sa kanya. Nilapitan nya si Maxim at niyakap ng mahigpit.
"Lab you Besty."
"Hahaha.. So sweet, love you more Besty."
?MahikaNiAyana