"Anak narinig mo? Papasok at mag aaral ka pero alam mo na ang mga bawal." Tumango ako bago lisanin ang apartment. Ngayon ang unang araw ng klase. Kung saan makikipag sapalaran nanaman ako dahil bagong mga mukha ang makakasalamuha. Pumara agad ako ng jeep sa kanto. Sa tagal na rin kung kaya naman ay natutunan ko kung paano ang mag commute. Aarte pa ba ako e mahirap na nga kami!
"Manong bayad po sa 711 tayo sa may Del Carmen na simbahan." Doon ako bumababa kasi ayaw kong makita na nakasakay sa jeep. Syempre Nike pa rin ang bag ko na ginamit ko last year. Wala sa mukha ko ang mukhang walang pera kahit na ang totoo ay isang daan nga lang ang baon ko.
Pagkababa ko ng jeep ay inayos ko ang uniform ko. Hindi ako sanay sa longsleeve at mahabang palda. Pano ba naman? Mga madre pala ang nagtuturo sa Montealegre University. Diyos ko e makasalanan pa naman ako ewan ko lang kung di ako masunog dito.
Pagpasok sa loob ay dagsa na ang mga estudyante. Simula first year hanggang fourth year college. Napakalaking campus sa loob ng university na 'to. May malaki pang succer field na pa-oval type at tanaw mo naman ang tennis area. Maganda. Iyon ang nasabi ko sa isip ko kakalingon-lingon.
Maaga pa naman e try ko muna mag hagilap ng makakain. Nakaramdam na ako ng gutom nakalimutan ko kasi kumain kanina sa pagmamadali ko. Halos maligaw ligaw naman ako dahil sa laki nito. May chapel pa sa loob at nagmimisa ang ibang mga madre. Napa-sign of the cross na lang talaga ako at naglakad ulit. Hanggang sa matanaw ko na ang cafeteria. My gosh! Ang laki parang fast food sa mall ang laki niya. Dagsa agad ang mga estudiyante at kanya-kanya na sa pila. Pumila na rin ako at nagbibilang ng barya nakita ko kasi may isang slice ng chocolate cake. Sakto na siguro ang singkwenta do'n!
Pag sunod ko sa harapan ko ay nahagilap ng mga mata ko ang ilan sa mga estudiyante. To be honest lahat naman sila ay napatingin sa ganda ko. Oo sa ganda ko. Hindi naman kasi ako nag yayabang. Sadyang maganda lang talaga akong nilalang.
"Hi freshmen ka?" Malaki ang ngiti ng isang lalaki na sumingit sa pila. Nalaglag ang panga ko sa kagwapuhan niyang taglay. Tsinito e tapos maputi. Matangos pa ang ilong at makapal ang kilay. Matangkad din at kumukurba ang muscles sa katawan. Tumikhim ako dahil ayokong nag mumukhang tanga. Hindi kasi ako ang babae na naglalaway sa lalaki. Kahit gaano ka pa ka gwapo. Si Paolo Zamora nga na halos kinabaliwan sa pinanggalingan kong private school e halos patay na patay sa 'kin. E kaso iniwan ako. Gano'n na nga siguro kapag malandi. Malalandi naman kasi 'yang mga lalaki na 'yan. Tulad nito? Etont nasa harapan ko ngayon.
"Yes." Nakangiti kong sagot. Balik ulit sa cake 'yung mata ko kasi nakakagutom na talaga. Ikaw ba naman ang nag-fasting kahapon kasi diet ka tapos nakalimutan mo pang kumain kanina edi good luck na lang.
"Uhm hindi kasi kami gumagamit ng cash dito." Napanganga nanaman ako nang magsalita siya.
"By the way I'm Roy. Papahiramin na lang kita kung gusto mo ng gold card." Nilabas n'ya naman 'yung sinasabi n'yang gold card. Really? Ano'ng meron sa university na 'to ha?!
"Don't worry diretso na 'yan sa credit card ko." Wow! As in wow lang. Gano'n na ba talaga kayayaman ang mga tao dito? Kaya ba pinagbubulungan ako kasi mukha akong tangang nag bibilang ng barya? God Rena ang tanga mo!
"Thank you. Babayaran na lang kita." Sabi ko pagkatapos kong mabili 'yung cake.
"Next time na 'yung bayad. Pero hindi pera ang sisingilin ko." Sabi ni Roy at kumindat ito.
"Ano nga palang name mo?"
"Serena. Rena na lang for short."
"Wow kaya pala ang ganda mong nilalang. May lahi ka palang sirena." Halakhak niyang sabi. Aminado naman akong nakuha niya ang kiliti ko sa pagpapatawa. Napailang na lamang ako at nagtuloy sa kinakain. Nakaupo kami ni Roy sa isang table kung san malayo naman ang mga ibang estudyante.
"Bakit pala tayo lang ang naka pwesto rito?" Tanong ko dahil na rin sa pagtataka. Paano ka hindi mag tataka? Ikaw ba naman ang paulanan ng mga tingin at bulung-bulungan. Ano'ng problema nila?! My God people!
"Wag mo silang pansinin Rena. Kumain ka lang ng madami." At ngumiti nanaman ang gwapong si Roy with kindat pa. Edi wala nanaman akong pakialam sa paligid hanggang sa magtilian na lang ang mga babae sa daan. Ewan ko ba bakit sila bigla biglang nagkakaganon. Sisigaw tapos magtatago at kikiligin? Mga baliw?
Napailing ako sa reaksyon nila. Hindi ko pinansin kung sino man ang paparating at nag concentrate sa kinakain ko. Tapos no'n kumaway si Roy.
"Hey Montealegre!" Napatingin agad ako sa tinatawag n'ya. s**t! Siya ba 'yung dapat na iwasan ko rito? May kasama pa siyang limang lalaki tapos may dalawang babae sa likod. Isang maganda at isang magandang maganda at ako? Ako ang pinaka maganda sa kanila.
Hindi masiyadong klaro ang mukha niya dahil na rin sa dami ng umaaligid. Iyon naman ang chance kong umalis kaya kinuha ko ang plate na may lamang cake tsaka nag martsa. Pero tulad nga ng sinabi ko napaka lupit sa akin ng tadhana. Bigla na lang naging flying saucer 'yung chocolate cake ko dahil sa katangahan ko nang matisod kung san. Natahimik ang lahat ng dahan-dahang tumapon iyon sa puting long sleeve ng isang Montealegre!
Napanganga ako sa gulat. Doon ko nasilayan ang mukha n'ya na halatang banas na banas sa pagkakamantsa ng chocolate cake sa de ariel niyang uniform. Nagsitabihan ang mga estudiyante at doon nagtama ang mga mata namin. Holy moly s**t! Bakit merong anghel dito? Ay mali bakit merong alien? Alien kasi siya pa lang ang nakita kong lalaki na tatalo kay Paolo. Ang lalaking may makakapal na kilay at may konting shaved sa gilid nito. Matatalim ang mga mata, matangos ang ilong at moreno! Pero holy cow! Morenong mukhang koreano! Bakit ang perfect? And wait, there's more. Napatingin ako sa baba kung saan dumapo ang cake. Pababa lang ng pababa iyon hanggang sa gitna ng ano niya!
"Ohh my!" Parang mga hunghang na sabi ng mga kababaihan habang pinagmamasdan ang cake na pinagsasamantalahan ang birdie ni ano!
Ano ba Rena? Kung ano-ano ang pumasok sa isip mo! Ang dumi dumi mo! Banal ang damit mo pero ang dumi ng utak mo! Gusto ko ng sakalin ang sarili lalo na nang makuha ang atensiyon ng lahat. Lumapit sa akin ang lalaking iyon na may seryosong mukha at kinuha ang kamay kong tsaka niya inilapat sa dibdib niyang matigas na may cream ng cake. Tapos isinubo niya ang daliri ko!
Laglag ang panga ng lahat maging ako. s**t lang! Ano'ng ginagawa ng lalaking ito?! Ang init at lambot ng mga labi niya na siyang nagpainit ng buong sistema ko. Pati na yata pag kabog ng dibdib ko e siya ang may gawa.
"Gabriel!" Sigaw ng isang babaeng nakasuot pa ng pang cheerleader. Hindi niya pinansin ito at doon ay binitiwan na niya ang kamay ko tsaka ito nag salita.
"Serena Mariot Santiesteban huh." At may namuong ngiti sa mga labi.