Prologue:
Santiesteban
"WHAT?! Mom, Dad ano'ng nangyare?" Bagsak ang mga balikat kong sinalubong ang mga ito. Maaga akong umuwi galing school dahil maaga rin akong nasundo ng family driver namin.
Naabutan ko si Mommy na umiiyak habang ang Daddy ay tahimik na nakayuko sa sofa namin. Binaba ko ang Nike na bag ko at itinali ang basang buhok. Kagagaling lang din kasi sa practice for graduation.
"Rena may sasabihin kami ng Daddy mo." Pinunasan ng Mommy 'yung mga luha n'ya habang ako ay gulong-gulo pa rin.
"Rena simula ngayon ay hindi na natin kayang ma-afford ang tuition fee mo. Lilipat tayo ng matitirahan anak dahil kinukuha na nila ang lupain natin." Hindi ko pa lubusang maintindihan ang sinasabi ng Daddy. Ano'ng kinukuha nila? Amin ang mansion na ito. Peste namang buhay 'to!
"What are you saying dad? Atin ang Casa Mansion na ito. Sino bang sila?" Naiinis na ako. Sobrang pagod ako sa practice tapos ganito pa ang bubungad sa akin. Kakasampal ko pa nga lang sa siraulong Paolo na 'yon dahil nag-cheat ang gago tapos eto naman ang sunod? Grabeng pagpapahirap naman ito!
"Anak makinig kang mabuti. Hindi ka muna matutuloy sa kolehiyo dahil bankrupt na tayo. Kinuha na nila ang lahat ng yaman natin. Wala na tayong lupain sa Batangas dahil lahat iyon ay naisanla namin ng Daddy mo. Tatapusin mo lang ang last day mo sa highschool pero hindi na namin kaya ang pang-college mo anak."
"Mom pwede ba? Sino ba kasing sila?!" Hindi ko na rin mapigil ang mga luha ko. Bwiset kung sino man 'yang mga nagpapahirap sa amin ngayon!
"Ang mga Montealegre." Kumunot noo ako sa Daddy. Ang mga 'yon ang tinutukoy n'ya.
"Teka lang Dad. Di ba mortal na kaaway natin ang angkan nila? Papanong na bankrupt tayo at naisanla sa kanila lahat ng lupain natin ha? Papaano?!" Oh my wag naman! Sa dami rami ng pwedeng gumanito sa pamilya namin bakit ang mga Montealegre pa!
"Serena anak, patawarin mo sana ako dahil sa mga problema na hindi mo na dapat iniisip pa. Pero kailangan na natin lisanin ang lugar na ito. Pagkatapos nag graduation mo ay kailangan na natin maghanap ng matitirahan." Inis na inis ako sa estado ngayon ng buhay ko. Bakit ang isang prinsesang katulad ko ay nakakaranas ngayon ng ganito? Bakit? Bakit ang isang Serena Mariot Santiestaban pa?!