Montealegre University

1404 Words
DUMATING ang kinatatakutan ko. Ang lisanin ang Casa Mansion at lumipat ng apartment. Sobrang tirik ng araw na kinasusuklaman ko. Ultimo kotse namin naisanla pa! Pahirap sa buhay ko ang lahat ng 'to. Pati magagarang damit ko ay kailangan ko pang ibenta para may malamon kami. My God! Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat. Lumabas ako ng maliit na apartment nang makita si Gracia ang kaibigan ko. Nasa tapat ng maliit na apartment namin ang magara nilang sasakyan. Si Gracia Dela Merced ang pinaka-close ko sa lahat dahil maganda ito. Ayoko kasi sa mga panget kasi maganda ako. Maganda ang lahi namin. Maganda ang mommy at gwapo ang daddy. Oo, ako na nga siguro ang isang dakilang laitera pero wala akong pakialam. "Rena ngayon ang flight ko sa Canada." Doon siya mag aaral ng kolehiyo at maybe doon na rin mag tatrabaho dahil may kompanya sila roon. At ako? Eto nasa bahay-bahayan at hindi alam kung kailan aambunan ng Gracia. Mabuti pa nga 'tong kaibigan ko e, Gracia na nga inaambunan pa ng swerte! Niyakap niya ako at ganoon din sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil sa totoo ay aburido ang utak ko. Ayoko sa masikip na lugar na ito. Ayoko sa mainit dahil tiyak na papangit ang magandang balat ko. At umalis na nga si Gracia habang ako ay nasa labas at nagmumuni muni. Kung mag pokpok na lang kaya ako tapos kukunin ko ang lahat ng kayamanan ng mga Montealegre. Pero syempre malandi lang ako pero hindi pokpok. Sa pagkakaalam ko ay may anak sila na kaedaran ko. Never naman talaga akong nagkaroon ng pakialam sa mga Montealegre hanggang sa kinuha na lang nila ang yaman namin. Isang buwan ang lumipas at isang buwan pa akong mabubwiset sa bahay. Ilang tulog na lang at pasukan na ngunit eto, mukhang magtatrabaho na lang talaga ako. Naiwan kami ni mommy sa apartment habang naghahanap naman ng trabaho ang daddy. Nagwawalis lang si mommy sa likod ng bakuran at nakatambay ako sa labas nang dumating na si dad. Hindi maipinta ang mukha nito nang salubungin ko. Tinawag ko agad si mommy at kumuha ako ng tubig kasi mukhang pagod ito kaka-apply. "Rejected ang pangalan ko sa lahat ng kompanya." Iyon ang nagpagulat sa akin. How come, isang CEO ng Santiesteban Corp ang nireject ng mga pipitsuging kompanya na 'yan! Mataas ang pinag aralan ng ama ko at saksi ako sa lahat ng achievements n'ya. Papanong hindi siya pagkakaguluhan gayong isa ang kompanya namin sa pinaka mayaman sa buong Asia! "Pinahihirapan talaga tayo ng mga Montealegre." Malungkot na sabi ng Mommy. So sila pala ang nasa likod ng lahat ng ito. Napaka sama nila. Kung masama ang ugali ko mas masama sila! "Bakit kasi hindi na lang tayo umuwi ng Amerika. Doon na lang tayo sa Lola." Inis na sabi ko. Si Lola Florenda Amorsolo Santiesteban ang ina ng daddy. Mayaman ang lola at alam kong matutulungan n'ya kami. "Nagawa na naming humingi ng tulong sa lola mo anak pero hindi namin alam kung bakit kahit sa ibang bansa ay hindi makakilos ang lola mo." "Dad ano'ng ibig n'yong sabihin?" "Malakas ang kapit ng mga Montealegre sa gobyerno kaya pati ang mga mayayaman doon ay kaya nilang kontrolin." "What?!" Gusto kong mag wala nang mga oras na iyon. Para akong bata na nagpapapadyak. Ayoko na talaga! Ayoko sa lugar na ito! Hindi na ako nakatiis at pumasok na sa kwarto. Gusto kong sumigaw ng malakas pero paano? May mga kapitbahay kaming mga chismosa! Kinuha ko ang laptop ko at padabog na humiga sa kama. Bigla namang nag vibrate ang phone ko. Wala namang bago doon. Puro invitations lang lumabas at gumimik. Wala namang pera doon! Ibinuhos ko ang kalungkutan sa pakikinig ng music. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at huminga nang malalim. Hanggang kailan ba ako papahirapan ng tadhana? Bakit ba nangyayare ang mga ganitong bagay sa buhay ko? Ilang linggo ang lumipas nang samahan kong mamalengke ang mommy. Diring diri ako sa putek at amoy ng palengke! Ang makinis at maputing balat ko ay nadungisan na! Sobrang iritable ako nang mga oras na iyon habang enjoy na enjoy naman ang mommy sa pamimili. Hindi ko siya masisisi, sanay sa hirap ang mommy bago niya nakilala ang daddy. "Anak dito ka na muna ha bibili lang ako ng gulay. Masikip kasi doon at baka madumihan ka lalo." Tumango lang ako habang nakatingin sa kalsada. Maraming mga sasakyan nang mga oras na iyon. Umalis na ang mommy at nag hintay ako. May nakakuha ng atensiyon ko dahil isang matandang babae ang tatawid na sana ng kalsada. "Lola sandali lang po wag kayong tatawid!" Aligaga akong tumakbo sa matanda nang makita ko ang itim na sasakyan na papalapit dito. Masasagasaan ang matanda! Tumapon na nga sa ere ang pinamili naming malansang isda para lang maabutan ko si Lola. Mabilis ang pangyayare. Natagpuan ko ang sariling nakahiga sa kalsada habang pinagkakaguluhan ng mga tao. Lumingon ako sa gawi ng matandang babae at napangiti ako nang ligtas ko siyang naitulak. Bigla namang nanakit ang ulo ko hanggang sa makita ko si mommy na sumisigaw na lumapit sa akin. Amoy ng ospital. Iyon ang unang pumasok sa isip ko nang magkamalay. Si mommy at daddy ay naroon nang imulat ko ang mga mata ko. Masakit pa rin ang ulo ko dahil sa malakas na pagtama nito sa simento at naramdaman ko ang maliit na benda roon. "Anak mabuti at gising ka na. Nag alala ako sobra. Halos mamatay ang mommy nang makita kita sa kalsada!" Mangiyak ngiyak na sabi niya. Ganoon din ang daddy na tinatanong kung ano pa ba ang masakit sa akin. Umiiling lang ako kasi wala naman. Mabuti nga at hindi major injuries ang natamo ko at kaunting galos lang pati sugat sa ulo. Dumating naman ang doctor na nagpatigil sa pag uusap namin. "Mr. Santiesteban ayos na po ang pasyente. Mabuti at hindi malakas ang pagkakatama ng ulo n'ya. Bilhin niyo na lang po ang gamot na ito at pwede na siyang ma discharge." "Doc iyon kasi ang problema namin. Alam namin na private hospital ito kaya wala kaming sapat na pera-" naputol ang sasabihin sana ng daddy ng magsalita ang doctor. "Don't worry libre na lahat ng may-ari at wala na kayong gagastusin." Napanganga kaming tatlo. Bakit naman kami ililibre ng may ari ng hospital na ito? Ano'ng nangyayare sa mundo? Ilang araw nang makauwi na kami sa bahay. Balik lang sa normal at pinagpapahinga lang ako nila mommy. Ayaw nilang nagkikikilos ako na malaking benefit sa akin. Kumakain lang ako ng tanghalian at natupad ang wish kong ulam na fried chicken. Bigla namang nagsisisigaw ang mommy at nataranta ito sa pagtawag kay daddy. "Ang mga Montealegre nasa labas!" Nanlaki naman ang mga mata ko. Papanong nangyare na pupunta sila rito? Talaga bang hindi nila kami patatahimikin? Lumabas si daddy habang kami ni mommy ay nakasilip sa bintana. Lumaglag ang panga ko nang mamangha sa magarang sasakyan nila. Isang malaki at itim na sasakyan at may driver pa sa labas na naghihintay. Sumunod na si mom sa labas kasi sinenyasan siya ni dad. Naiwan akong nakasilip hanggang sa may bumaba sa magarang sasakyan. Isang babaeng maganda at lalaking gwapo na ka edaran ng mga magulang ko. "Labag man sa loob namin ngunit utang na loob naman namin sa anak mo ang pagligtas niya sa mama." Napahawak ako sa 'king bibig. Isang Montealegre ang matandang niligtas ko? Tinawag ako ni papa dahil gusto nila akong makita at mapasalamatan. Bumungad sa akin ang maaamong mukha ng mga Montealegre. Totoo nga ang mga bali-balita. Hindi sila tumatanda o baka dahil lang sa genes nila. Pero syempre ang OA ko naman masiyado para isipin pa iyon. "Salamat sa pag ligtas mo sa aking mama Hija." Malumanay na sabi ng babae. "Magbigay galang ka Serena." Yumuko ako. Sila pala ang magkapatid na Montealegre. Sina Micha Montealegre at Apolo Emilio Montealegre. "Balita ko ay magkokolehiyo ka na Serena." Nakangiting sabi ni Mr. Montealegre. "Opo. Turning college na po sa pasukan." Malapit na rin ang birthday ko at malapit na akong humantong sa 17. Tahimik ang mga magulang ko at nagkatinginan naman ang dalawang Montealegre sa harapan namin. "Ako ang magpapaaral sa 'yo. Mag aaral ka sa Montealegre University." At tumigil ang mundo ko nang malamang mag aaral ako sa isang sikat na unibersidad dito sa Manila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD