Chapter 26 Lumabas ako ng aking silid suot ang gown at sandals na binigay sa akin ni Dexter. Nasa sala sila ni Angelo. Kalalabas lang din ng mga makeup artist. Paglingon sa akin ni Dexter, nakaawang ang kanyang labi at hindi kumukurap ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Parang naiilang tuloy ako. "Bagay ba sa akin?" tanong ko kay Dexter. "Ha? Ahmmm... Bagay na bagay. Ang ganda mo lalo," seryoso nitong sabi sa akin na hindi kumukurap ang kanyang mga mata. Lumapit siya sa akin habang buhat-buhat si Angelo. "Sobrang ganda mo, Hanna," papuri pa nito sa akin na hindi umaalis ang tingin niya sa aking mukha. "Akin na si Angelo. Bibihisan ko na siya," sabi ko. Akmang kukunin ko si Angelo sa kanya subalit hindi niya naman ibinigay sa akin ang bata. "Ako na ang mag-aasikaso kay A