Chapter 25 Pasado alas-sais na ng hapon kami nakarating sa condo unit ni Dexter. Hindi pa nga ako nakapagpahinga nag-utos na naman ito sa akin. "Bihisan mo si Angelo dahil may dadaluhan tayong birthday party." Hindi na naman maipinta ang mukha ko na tumingin sa kanya. "Birthday party? Alam mo naman na pagod pa ako sa byahe. Isa pa gabi na, baka mamaya mahamugan ang bata at magkasakit," sabi ko sa kanya. Medyo paos nga ang boses ko at parang uubuhin pa ako. "May kotse naman. Saglit lang tayo roon. Ipakilala ko lang si Angelo, sa mga kamag-anak ko. Saka ito 'yong damit na isusuot mo," sabi niya sabay abot sa akin ng paper bag. Kunot ang noo ko na tinanggap ang paper bag na binigay niya sa akin. "Ano 'to?" nagtataka kong tanong sa kanya habang hawak-hawak ang paper bag na ibinigay