Chapter 27 Hindi pa rin makapaniwala si Sir Gabriel, na si Dexter, ang ama ng aking anak. "Inunahan mo pa ako bro ah. Hindi mo man lang ako in-invite sa kasal ninyo ni Hanna?" sabi ni Sir Gabriel kay Dexter. Akala niya siguro ikinasal kami ni Dexter. Tipid lang ako na ngumingiti habang nakayuko. Nahihiya kasi ako. "Hindi pa kami kasal ni Hannah, bro. Pero tingnan mo naman at may anak na ako," sabi ni Dexter kay Sir Gabriel. "Teka, paano nangyari at paano kayo nagkakilala ni Hanna?" muling tanong ni Sir Gabriel kay Dexter. "Mahabang kwento, bro. Hayaan mo iku-kwento ko sa'yo sa susunod. Nagulat nga rin si Manang Meding, noong malaman niya na ako ang ama nitong pogi na ito," sagot niya sa tanong ni Gabriel at hinalik halikan niya pa si Angelo. Napapainom lamang si Sir Gabriel, na hin