Chapter 6
Hanna
Malayo ang iniisip ko habang naglalakad ako pauwi sa bahay alas-kwatro emedya pa lang ng hapon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Tita. Buntis ako at iyon ang masaklap na katotohanan na nangyari sa buong buhay ko.
Paano ko ipapaliwanag kay Tita na kinuha ang virginity ko ng taong hindi ko kilala. Kung sino kasing impakto ang nagdala sa akin sa silid na iyon. Nang malapit na ako sa bahay huminto ako.
Pnakikiramdaman ko kung nariyan ba si Tita. Nang nag-pregnancy test ako positive ang lumabas. Dalawang guhit kaya tiyak ako na nagbunga ang nangyari sa amin ng huklubang iyon na humila sa akin. Paano ko ipaliwanag kay Mama na hindi ko sinasadya ang pagbubuntis kong ito?
Narinig ko ang boses ni Tita sa puno ng mangga. Parang nag-o-orasyon ito doon.
"Mga kapre, mga nilalang na nakatira riyan. Layuan ninyo ang pamangkin ko. Mag-aalay ulit kami ng buong manok kapag pinagaling niyo ang pamangkin ko, pero kung hindi ipuputol ko ang punong ito."
Napakagat labi na lang ako nang marinig ang sinabing iyon ni Tita. Kinakausap niya ang punong mangga.
Paano ko sasabihin sa kanya na kaya ako nagsusuka sa umaga dahil natira ako ng lalaking iyon na humila sa akin sa bar. Iyon ang literal na kapre. Dahil matanggkad din iyon at anino lang yata niya ang nakita ko.
Sunod-sunod ang buntong hininga ko bago muling humakbang patungo sa bahay. Tumuloy ako sakinaroroonan ni Tita. "Magandang hapon po, Tita. Ano po ang ginagawa niyo rito?" tanong ko sa aking tiyahin.
"Nandito ka na pala, Hanna. Bibili ulit ako ng manok kay Domeng, para ialay dito sa mangga. Baka gusto ng kapre rito sa mangga buong manok ang iaalay sa kanya," sabi ni Tita sa akin.
"Hindi na po kailangan, Tita. Hindi naman po talaga ako na engkanto," nakayuko kung sabi kay Tita.
"Ayan ka na naman sa hindi-hindi mo! Kaya ka nagkakaganyan dahil sa katigasan ng ulo mo. Huwag kasing matigas ang ulo mo, Hanna. Sundin mo na lang ang gusto ko. Pinuntahan ko si Domeng, kanina. Sabi ko nagsusuka ka pa rin. Sinabi ko na inulam natin ang manok. Eh, kaya naman pala na hindi ka gumaling dahil kinain natin ang inaalay natin sa kapre dapat daw buo," sabi pa ni Tita sa akin.
"Tita, huwag na po kayong maniwala kay Manong Domeng. Pinipirahan niya lang tayo, eh!" sabi ko kay Tita.
Hindi ko agad masabi-sabi sa kanya na buntis ako baka kasi himatayin siya o baka ako pa ang mahimatay kapag sinampal niya ako.
"Hay, nako! Isa pa yan, hindi ka naniniwala kaya hindi ka gumagaling. Nilalabanan mo kasi ang pangontra. Sige na, magbihis ka na at babalik tayo doon kay Domeng, sabi ni Tita sa akin.
"Tita wala naman pong kapre na nagkakagusto sa akin, eh!" sabi ko sa kanya. tiningnan niya ako ng masama. "Nakita mo na sa tawas, hindi ba? May kapre na nagkakagusto sa'yo, kaya ayan nagkakasakit ka! Kailangan mapuksa kaagad iyan dahil kung hindi, baka kukunin ka nila," sabi pa nito sa akin. Pinapaniwalaan niya talaga na na engkanto ako.
"Tita, buntis po ako. Kaya po ako naduduwal sa umaga dahil po ako."
Parang walang narinig si Tita sa sinabi ko. "Ah, buntis ka? Mabuti iyan at magka-"
Natigil ang susunod niyang sasabihin at tumingin sa akin. "Ano? Buntis ka? At ang kapre sa puno ng mangga ang ama? a
Ayan na nga ang sinasabi ko sa'yo!" sigaw ni Tita sa akin.
"Tita, hindi po ang kapre diyan sa puno ng mangga ang ama."
Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Tita sa sinabi ko.
"Ano ang sabi mo? Buntis ka? At sinong maligno ang ama?" sigaw nito sa akin. Pakiramdam ko may pumutok na canyon sa tabi ng aking tainga sa lakas ng sigaw ni Tita.
Naghisterikal ito.
"Sino ang ama ng pinagbubuntis mo, Hanna" tanong nito at pinagsusuntok niya ako sa balikat.
"Hindi ko po alam," tipid kong sabi sa kanya habang nakayuko.
"Hindi mo alam kung kanino ka bumukaka? Pambihira kang babae ka! Sino ang ama niyan, si Xian ba?"
Nadamay pa tuloy si Xian.
"Hindi po si Xian,Tita. Hindi ko po talaga alam dahil lasing ako no'n," umiiyak kong sabi sa kaniya.
"Hay! Malandi kang bata ka!" Pagkasabi ni Tita, malakas na dumapo sa aking pisngi ko ang kaniyang palad.
Napahawak na lang ako sa aking pisngi.
"Paanong hindi mo alam kung sino ang binukakaan mo? Paano mo mabubuhay ang batang 'yan? Hindi ka pala na engkanto kundi na engkantot ka ng tete ng maligno na maitim ang ulo! Nakakahiya kang bata ka Disgrasyada! Napakalandi mo!" pagtatalak ni Tita sa akin.
Wala naman na akong magawa kundi ang tiisin ang pagtatalak niya sa akin.
Kahit ako hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tinalikuran ako ni Tita habang umiiyak rin ito. Para siyang namatayan dahil umaatungal pa siya sa iyak. Pumasok siya sa loob ng bahay, kaya sumunod naman ako sa kanya.
"Paano na iyan, ha! Ano ang gagawin mo diyan sa bata na pinapubuntis mo? Sino ang kilalaning ama niyan? Dagdag ka pa ng pasanin ng ina mo!" umiiyak na sabi ni Tita sa akin.
Hindi natigil-tigil ang pagbubunganga niya sa akin. "Ganyan ang napapala mo kakasama sa mga malalandi mong kaibigan! O ano ka ngayon? Nawasak na pala yang puday mo. Hindi ka talaga mapakali na hindi matusok 'yang tinggil mo! Bahala ka sa buhay mo! Bawiin mo ang 20$ ko doon kay Doming! Napakagaga mo talaga, Hanna! Napakahirap na nga ng buhay natin dumagdag ka pa ng alagain. Sinong maligno ang kumanthot sa'yo para maputol ko ang pisoth no'n?" galit na galit na sabi sa akin ni Tita.
"Tita, hindi ko po talaga alam. Kung pwede po sana, huwag mo munang sabihin kay Mama," pakiusap ko sa kaniya
"At gawin mo pa akong sinungaling sa nanay mo? Maghanap ka na ng malilipatan mo dahil ayaw ko may malas dito sa bahay!" pagtataboy ni Tita sa akin.
Umiyak na lang ako at nagtungo sa aking silid. Hawak ko ang aking cellphone at gusto kong tawagan si Mama. Subalit ayaw kong mag-alala siya, kaya minabuti ko na lamang na itago muna sa kanya ang aking pagbubuntis. Ayaw ko na maging pasanin niya pa ako at alalahanin. Matanda na kasi si Mama, kaya ayaw ko siyang bigyan ng sama ng loob at kahit anong paliwanag ko kay Tita tiyak ako na hindi naman niya ako papakinggan dahil ang nasa isip niya lang ang pinapaniwalaan niya. Walang tigil pa rin ang pagtatalak niya sa labas.
Kinabukasan ganoon pa rin ang aking nararamdaman. Suka pa rin ako ng suka. Hndi ako kumain kagabi dahil nawalan na ako ng gana sa pagtatalak ni Tita.
Sino ba naman ang hindi magalit na nabuntis ako at hindi alam kung sino ang ama? "Humm! Kaya pala duwal ka ng duwal sa umaga dahil may laman ng tiyanak ang tiyan mo. O ano masarap ba ang bumukaka, ha? Masarap ba tuhugin ng utin ng ingkanto, Hanna? Sino ang lintik na ama ng anak mo, ha? Sabihin mo sa akin!" muli na namang pangusisa ni Tita.
Umagang-umaga pa ito nagtatalak.
"Hindi ko po talaga alam, Tita. Bigla na lang kasi ako binuhat ng lalaki. Lasing ako noon, kaya hindi ko siya namukhaan, Tita. Patawarin niyo po ako. Hindi po ako nag-ingat. Patawad po kung binigo ko kayo ni Mama," hingi ko sa kanya ng patawad.
"Eh, ano pa ba ang magagawa ko? Nariya na iyan. Pwede ka rito hanggang sa maipanganak mo ang bata, pero pagkatapos mong manganak lumayas ka rito. Isama mo ang anak mo at hindi ka uuwi rito hanggang walang ama 'yang anak mo! Dahil hindi ko kailangan ang alagain dito sa bahay! Siguro naman may karapatan akong palayasin ka dahil pamamahay ko ito," masakit na sabi sa akin ni Tita. Huwag po kayong mag-alala, Tita. Maghahanap po ako ng matutuluyan ko. Basta huwag niyo lang po munang sabihin kay Mama, ang tungkol sa pinagbubuntis ko," sabi ko kay Tita.
"Sinabi ko na sa Mama mo kagabi. Binibigyan mo lang ng sakit ng ulo ang iyong ina! Inuna mo 'yang kalandian mo! Hindi mo na nga mabuhay ang sarili mo dumagdag ka pa! Paninermon nito sa akin.
Lahat ng sermon ni Tita, tinanggap ko dahil totoo naman ang sinabi niya.
"Hindi ako nagkulang ng paalala sa'yo, Hanna. Ang tigas kasi ng ulo mo! Sinabi ko na sa'yo na huwag kang sumama-sama diyan kay Emerald dahil malandi ang tiyahin niyan, pero sumama ka pa rin! O, mali ba ako? Ano ka ngayon, nga nga! Alam mo kasi, Hanna hindi ka pang city, pang probinsya ka lang kaya tingnan mo ang nangyari sa'yo? Natuhog ka ng maligno sa City na wala sa oras dahil sa katigasan ng ulo mo. Nagkamali ba ako ng sinabi? Kung hindi ako nagkamali baka iba-ibang lalaki rin ang gumamit kay Emerald. Baka nagmana rin iyan sa tiyahin niyang malandi. At ikaw, panindigan ka ba ng tatay ng anak mo? Kung ako sa'yo sa club ka na lang magtrabaho. Doon ka mamukpok total bumukaka na rin lubos-lubusin mo na lang!" masakit na mga salita na binitiwan sa akin ni Tita. Pinamukha niya sa akin kung gaano na ako kababang uri ng babae sa paningin niya.
Hindi na lang ako umimik para hindi na humaba ang usapan. Pumasok ako sa trabaho. Habang naglalakad ako patungo sa highway tumutuli ang luha ko. Maga na ang aking mga mata.
Alam na pala ni Mama ang tungkol sa pinagbubuntis ko, kaya nahihiya ako na tumawag sa kanya. Subalit habang naghihintay ako ng bus patungo sa trabaho ko tinawagan ko si Mama.
"Hanna, kumusta ka na? Totoo ba ang sabi ng Tita mo na buntis ka?"
Humagulgol na ako nang marinig ang boses ni Mama sa kabilang linya. m
"Mama, sorry. Patawarin mo ako, Mama l. Hindi ko po sinasadya," umiiyak kong sabi sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may boyfriend ka na pala? Panindigan niya ba ang nangyari sa inyo?" malumanay na tanong ni Mama sa akin na walang kamalay-malay kung ano ang tunay na nangyari sa akin . Mahinahon ang boses niya, hindi katulad ni Tita na halos patayin na ako nito sa pagbubunganga niya. Kung nakakamatay lang ang bunganga ni Tita, siguro matagal na akong nakahimlay sa libingan.
"Mama, wala po akong boyfriend," wika ko sa kanya.
"Pero anak bakit ka nabuntis kung wala kang boyfriend?" nagtataka niyang tanong sa akin sa kabilang linya.
"Mama, lasing po kasi ako. Naalala niyo po noong pumunta ako sa'yo? Noong gabing iyon lasing ako, Mama. At hindi ko alam kung sino ang biglang humila sa akin at dinala ako sa isang silid. Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa isang silid at nakahubad," umiiyak kong sabi sa aking ina.
"Hay, Panginoon kong mahabagin. Hanna, bakit ba nangyari iyan sa iyo, anak Pagpasensyahan mo na dahil wala ako sa tabi mo, pero hindi ibig sabihin na hindi kita Mahal na mahal kita, Hanna. Paano ka na ngayon? Balak ka pa naman sana paaralin ni Sir Gabriel. Paano ka na, anak?" nag-aalalang tanong ni Mama sa akin habang umiiyak ito sa kabilang linya.
"Huwag niyo po akong alalahanin, Mama. Okay, lang po ako. Kaya ko po ito," wika ko sa aking ina.
"Sige, anak. May trabaho pa ako. Basta ipangako mo sa akin na huwag mong pabayaan ang sarili mo, ha? At ang magiging anak mo. Sabihin mo lang sa akin kapag kailangan mo ng pera at huwag kang mag-isip na ipalaglag ang bata. Alam ko kaya mo iyan, anak. Kinaya ko nga na buhayin kita mag-isa noon, kaya alam ko kaya mo rin iya. Nandito lang ang Mama," sabi pa ni Mama sa akin sa malungkot niyang boses.
Kung malapit lang sana si Mama sa akin niyakap ko na sana siya ng mahigpit.
"Salamat, Mama at naunawaan mo ako. Sorry po, kung nabigo ko kayo. Sorry po talaga, Mama." Umiiyak kong paghingi ng sorry kay Mama.
"Tahan, na huwag ka ng umiyak. Alagaan mo lang ang sarili mo at pagpasensyahan mo na ang Tita mo kung binubungangaan ka," sabi pa nito sa akin.
"Sige po, Ma. Papasok po ako sa trabaho. Nariyan na ang bus." Paalam ko sa kaniya nang matanaw ko na ang bus na papalapit sa akin.
"Siya, sige. Mag-ingat ka, bye!" paalam naman ni Mama at naputol na ang kabilang linya. Pinara ko na ang bus at sumakay na ako. Umupo ako at habang nasa byahe ako tulala pa rin ako. Hinaplos-haplos ko ang aking tiyan. Hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang batang ito. Paano kung pagsilang ko sa kanya at paglaki niya ay hanapin niya sa akin ang kanyang ama? Anong sasabihin ko sa kanya na nabuo siya dahil sa katangahan ko? Naiinis ako sa aking sarili. Bakit ba sa dinami-dami ng tao ako pa talaga itong minalas ng husto?