Chapter 5
Hanna
Pagkagaling ko sa trabaho hindi na ako tinantanan ni Tita. Pinilit niya talaga ako na magpatawas. Baka raw kasi na engkanto ako o nabati ng mga nilalang na hindi nakikita. Baka raw may nasipa ako sa aming bakuran. Naniniwala pa rin kasi si Tita sa mga ganyang kasabihan.
"Tita, hindi na nga po masama ang pakiramdam ko. Hindi na kailangan na magpatawas pa ako,'' sabi ko sa kanya.
"Hay, nako! Huwag na matigas ang ulo, Hanna. Baka mamaya tubuan ka ng kung ano-ano riyan sa katawan mo, kaya hali ka na pupunta na tayo kay Domeng dahil sinabihan ko na siya kanina na magpapagamot ka,'' pagpupumilit nito sa akin.
Wala na nga akong nagawa kundi ilapag ang aking bag at sumunod na lang kay Tita. Nagtungo kami sa bahay ni Manong Domeng. Medyo malayo-layo rin sa bahay ang bahay ng abolaryo na pupuntahan namin ni Tita. Dinaanan pa namin ang bahay nila Ruby Rose. Nalulungkot tuloy ako dahil mag-isa na lang ako dito sa San Luis. Wala na ang mga kaibigan ko dahil naroon na sila sa Holand. Si Ruby Rose, kasi naroon na sa tiyahin niya sa Holand simula noong nasunugan sila.
"Tabi-tabi po, tabi-tabi po,| sabi ni Tita nang dumaan kami sa masukal na bahagi ng gubat.
Nakasimangot lang ako habang nakasunod sa likuran ni Tita. Magtatakip silim pa naman na. Nkakapikon rin talaga minsan ang matandang ito subalit pamangkin lang ako, kaya wala akong choice kundi ang sumunod na lamang sa kanya.
"Bilisan mo mamaya sinusundan tayo ng engkanto," sabi pa nito sa akin.
Napakamot na lang ako sa aking ulo sa sinasabi ni Tita. Ilang minuto pa ang nakalipas nakarating kami sa bahay ni Manong Domeng. Naabutan namin ito na nagpapatuka ng manok.
"Magandang hapon Domeng. Ito na yung pamangkin ko tingnan mo nga at baka na nuno sa punso. Hindi kaya na engkanto siya?" sabi ni Tita kay Manong Domeng.
"Hali ka rito umakyat kayo," anyaya naman ng matanda sa amin.
Ang bahay nito ay yari sa kawayan. May hagdan pa na aakyatin bago makarating sa loob ng bahay. Puro santo ang nakapalibot sa bahay niya. Madilim at para bang nakakatakot tumira dito. Umakyat na kami ni Tita. Pinaupo kami sa lapag. Wala naman kasing upuan roon.
"Ano ba ang nararamdaman mo, Iha?" tanong sa akin ng matanda, habang hinahanda niya ang mga kagamitan niya panggamot.
Ako sana ang sasagot sa tanong na iyon ng matanda, ngunit pinangunahan na ako ni Tita Emma.
"Nako, Domeng. Sa tuwing umaga sumasama ang pakiramdam niya. Eh, baka nagustuhan siya ng mga elemento sa puno ng mangga sa gilid ng bahay namin."
Tumango-tango naman ang matanda. Sinindihan nito ang itim na kandila at pinatak iyon sa bowl na may tubig. Nagkaroon ng hugis ang kandila. Ilang sandali pa pinatay ni Mang Domeng, ang kandila at kinuha niya ang kandila na nagkaroon ng hugis sa tubig. Nanginginig pa ang kanyang kamay habang tinitingnan niya ang nalusaw na kandila. Nako, Ening, may nagkakagusto sa'yo na kapre. Itim na kapre ang nagkakagusto sa'yo. Mag-ingat ka, baka kukunin ka nila." Napangiwi na lamang ako sa sinabing iyon ni Mang Domeng. Sa totoo lang hindi naman ako naniniwala sa mga ganoon. "Mayroonmpo bang kulay dilaw na kapre, Mang Domeng? Saka ano po ang dapat kong gawin?" tanong ko sa kaniya.
"Anong dilaw na kapre ang pinagsasabi mo. May nakita ka bang kapre sa telebesyon na pinapalabas na kulay dilaw? Ayan ang napapala mo dahol hindi ka marunong magtabi-tabi. Ang tigas din naman kasi ng ulo mo. Sinasabi ko sa'yo, huwag kang magpakawala ng barya sa bulsa mo. Ang tigas din kasi ng batang ito," sabi pa ni Tita. Bumaling siya kay Manong Domeng nang magsalita ito.
"Magsaboy ka ng asin sa paligid ninyo at mag-alay ka ng itim na manok para sa ganoon hindi ka gagambalain ng mga nilalang na hindi nakikita," wika ni Manong Domeng sa amin ni Tita Emma.
"Eh, Domeng, saan naman kami kukuha ng manok na itim?" tanong naman ni Tita kay Manong Domeng.
"Huwag kayong mag-alala dahil marami ang itim ko na manok. $20 lang naman ang isa." Napawang na lamang ako ng aking labi sa presyo ng manok na itim ni Manong Domeng.
"Ang mahal naman ng manok mong itim, Domeng. Hindi ba pwede $10 na lang?" paghingi pa ng tawad ni Tita sa manok ni Mang Domeng.
"Hindi pwede Emma. Malas iyan dahil kapag nagtawad ka hindi lubusang gagaling ang pamangkin mo. Mura na iyan dahil ang binta ko nga sa iba $50," wika pa ng matandang hukluban.
"Oh, siya sige, mayroon ako ritong $20. Ito kunin mo, 'yong manok mo at dadalhin ko." Agad-agad naman na kinuha ni Tita ang pera sa bulsa niya at ibinigay kay Manong Domeng.
"Tita, pambili niyo po iyan ng gamot ninyo," sabi ko sa kanya.
"Okay, lang yan kaysa naman ma-engkanto ka," sagot nito sa akin.
Napapakamot na lamang ako ng aking ulo.
"Siya, sige. At kukunin ko na ang manok," sabi ng matanda at bumaba ito. Kinuha nito ang manok sa kulungan.
Kulay itim nga pati ang paa nito. Bumaba na rin kami ni Tita.
"Oh, ito ang manok. Ibubuhos niyo ang dugo sa puno ng mangga dahil doon nakatira ang kapre, bilin pa ng matanda sa amin.
"Kukunin mo na, Hanna. Ikaw na ang magdadala niyan," utos pa sa akin ni Tita. Nakasimangot na lamang ako na kinuha ang manok sa kamay ni Mang Domeng.
"Salamat po. Aalis na po kami," paalam ko kay Manong Domeng.
"Siya, sige. Mag-ingat ka at madilim na," sabi naman ng matanda.
"Sige, Domeng, salamat. Sigurado na gagaling na ang pamangkin ko, ha? Kapag hindi kukunin ko sa'yo ang $20 ko," sabi pa ni Tita kay Manong Domeng.
"Hindi pwede iyon kasi iaalay niyo ang manok. Eh, sigurado ako gagaling na iyang pamangkin mo. Wika naman nito kay Tita Emma.
"Sige, aalis na kami," paalam na ni Tita kay Manong Domeng.
Umalis na kami at doon na naman kami dumaan sa dinaanan namin. May flashlight naman si Tita, parang ang sarap kainin ng manok.
"Parang sayang naman kung iaalay ito sa mangga. Ang langgam lang ang makinabang, Tita. Buo po ba ang manok na iaalay sa puno ng mangga?" tanong ko sa aking tiyahin. "Hindi, ah! Dugo lang ang iaalay natin. Tapos lulutuin natin iyan e-uulam natin. Bibigyan lang natin ng isang mangkok ang mangga para makakain ang kapre na nagkakagusto sa'yo. Baka naman kasi naglagay-lagay ka ng lipstick habang nasa bahay ka. Saka maligo ka nga rin sa dagat, para mabawasan ang kaputian mo. Magpa-tan ka. Hindi 'yong para kang papel na ubod ng puti," sabi pa ni Tita sa akin.
Sa katunayan nga hindi nga ako nagli-lipstick dahil natural naman na mapula ang labi ko.. Minsan namumula-mula pa ang pisngi ko.
"big pong sabihin iuulam natin ito?" tanong kong muli sa kanya.
"Aba, syempre! Ano naman ang gagawin natin diyan? Alangan naman na ang kapre lang ang kakain," sabi pa nito sa akin.
Natuwa ako sa sinabi ni Tita dahil pakiramdam ko nagke-crave ako ng manok. Gusto ko pa naman ang atay. Parang ang sarap kainin. Ilang sandali pa ang nilakbay namin ni Tita, nakarating na kami sa bahay.
"Mag-init ka ng tubig, Hanna. Papatayin natin itong manok," utos ni Tita sa akin, kaya nag-init naman ako ng tubig.
Nang gabing iyon ang dugo ng manok ay ibinuhos niya sa puno ng mangga at ng maluto na ang manok, ang ulo ng manok at ang dalawa nitong paa ay inalay niya rin sa puno ng mangga.
Ang saya-saya ko ng makakain ng atay ng manok at ang mga hita nito. Minsan lang kasi kami makatikim ng manok ni Tita.
Ngunit ng kinabukasan ay naduduwal pa rin ako. Lumabas ang lahat ng kinain ko kagabi. Buo pa nga ang iba na sinuka ko dahil hindi nalusaw sa aking tiyan ang mga kinain ko kagabi. Parang binabaliktad ang sikmura ko.
"Ano ba iyan, Hanna. Sumasakit na naman ba ang tiyan mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tita Emma, nang makita niya ako na sumusuka.
"Ewan, ko po, Tita. Parang hinahalongkat ang sikmura ko," sabi ko sa kaniya.
"Baka hindi pa ako umipekto ang paggagamot ni Domeng sa'yo. Baka hindi pa tinanggap ng kapre ang alay mo. Baka hindi niya pa nakita ang inalay mo sa kanya," sabi pa ni Tita sa akin.
Hindi na lamang ako sumagot sa sinabing iyon ni Tita. Nagmamadali na akong magbihis dahil papasok ako sa restaurant na pinapasukan ko.
Pagkatapos kong mag-ayos nagpaalam na ako kay Tita.
"Aalis na po ako, Tita," paalam ko sa kaniya.
"Ang putla mo. Magdampi ka nga kaunting lipstick. Kaunti lang, ha? Huwag 'yong pulang-pula na parang nagdu-duty ka na sa club," sabi pa nito sa akin.
Minsan hindi ko talaga maintindihan si Tita. Kahapon lang nagagalit siya na mag-lipstick ako. Ngayon naman gusto niya maglagay ako ng lipstick.
Tumango lang ako sa kanya. Maglalagay na sana ako ng lip gloss sa aking labi, subalit nang maamoy ko ang scent nito parang masuka ako. Nababahuan ako sa amoy.
"Sige, po Tita. Aalis na po ako," paalam ko na lamang sa kaniya at hindi ko pinakita sa kanya ang aking labi. Nagsuot ako ng face mask.
"Sige, mag-ingat ka," sabi nito sa akin.
Naglakad na ako patungo sa highway upang mag-abang ng bus papunta sa bayan. Sakto naman na pagdating ko sa highway may dumaan na bus, kaya pinara ko na iyon. Mabuti na lang at may bakante pang upuan. Medyo nahihilo na kasi ako. Pagdating naman sa restaurant napuna naman ni Trisha ang pamumutla ko.
"Hoy, Hanna. Bakit ang putla mo? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Trisha. Siya ang kasama ko na naghuhugas ng plato.
"Ewan, ko ba. Sa tuwing umaga sumasakit ang sikmura ko. Tapos nasusuka ako. Pinatawas nga ako ni Tita kahapon. Sabi may kapre raw na nagkakagusto sa akin," sabi ko kay Trisha.
"Anong kapre? Naniniwala ka roon?" tanong naman sa akin ni Trisha.
Nahkibit balikat ako.
"Hindi! Ba't ako maniniwala?" sabi ko sa kaniya.
"Noong nakaraan pa kaya kita napapansin na parang ang putla mo. Ano ba ang nararamdaman mo?" tanong niya sa akin.
"'Yon nga, nasusuka ako sa umaga. Tapos kanina nahihilo ako. Tapos noong maglagay ako ng lips gloss sa labi ko parang ang pangit ng amoy. Parang masusuka ako," sabi ko kay Trisha.
Makahulugan ang mga tingin niya sa akin. "Hindi kaya buntis ka?"
Halos nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.
"Ako buntis?" gulat na bigkas ko sa kaniya.
"Imposible kaya na mabuntis ako?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
Naalala ko ang gabi na hinila ako ng isang lalaki at dinala sa isang silid. Kinuha nito ang virginity ko.
"Bakit may boyfriend ka ba?" tanong niya sa akin.
"Trisha, kahit ba isang beses lang na may nangyari sa babae at lalaki, imposible ba na mabuntis ang babae?" tanong ko sa kanya.
Kinabahan ako ng maalala ko ang nangyari ng gabing iyon.
"Oo, naman. Kahit unang beses lang iyon pwede ka mabuntis. Para makasigurado ka bumili ka ng pt mamaya. Titingnan natin kung buntis ka nga," utos sa akin ni Trisha.
"Hala, Trisha! Hindi pwede, Hindi pwedeng mabuntis ako. Lagot ako kay Tita. At ano na lang ang mukha na ihaharap ko kay Mama? Hindi pwede mabuntis ako. Sana hindi ako buntis!" Nagpapadyak-padyak na ako ng aking mga paa habang sinasabi ko iyon kay Trisha.
"Eh, wala ka nang magagawa kung buntis ka kung hindi tanggapin na lang ang pinagbubuntis mo. Alangan naman na ipalaglag mo ang bata?" sabi pa ni Trisha sa akin. Parang gusto ko tuloy umiyak. Paano na nga lang ba kapag buntis ako? Tiyak mabubugbog talaga ako ni Tita. Saka paano ko naman buhayin ang magiging anak ko? Eh, halos hindi ko nga mabuhay ang sarili ko.
Nang umagang iyon habang naghuhugas ako ng plato hindi talaga ako mapakali. Gusto ko na magtanghali para makabili ng pregnancy test na sinasabi ni Trisha. Sumasakit talaga ang ulo ko. Paano kung nabuntis ako ng gagong iyon na humila sa akin sa bar?
Kaya pagsapit ng tanghalian agad akong lumabas ng restaurant. Nagpasama pa ako kay Trisha, upang bumili ng pregnancy test.
"Trisha, kinakabahan ako. Sana hindi lang talaga ako buntis. Sana totoo na lang na may kapre na nagkakagusto sa akin, kaya ganoon ang nararamdaman ko sa umaga," sabi ko kay Trisha, habang naglalakad kami patungo sa pharmacy.
"Ewan, ko sa'yo, Hanna. Subalit ganyan ang sinyales ng isang buntis. May mga pagkain ka bang kini-craves?" tanong nito sa akin.
"Minsan, ang manok kagabi parang gustong-gusto kong kumain ng atay," sabi ko kay Trisha.
"Nako, baka buntis ka nga, Hann,". sabi pa nito sa akin na siyang lalong nagpakaba sa akin.
Dumating kami sa pharmacy. Si Trisha, na ang pinabili ko ng pregnancy test dahil nahihiya kasi ako. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kapag sakaling buntis na ako.