Chapter 7
Hanna
"Aray, Tita! Sobrang sakit ng aking tiyan," impit kong sigaw habang hawak-hawak ang aking tiyan. Kasalukuyang narito kami ni Tita sa lying in. Ilang buwan na ang lumipas dumating na nga ang kabuwanan ko. Sobrang sakit ng aking tiyan na para bang mapuputol ang aking baywang. Dito kasi ako sa lying in manganganak dahil libre lang. Kanina pang madaling araw sumasakit ang aking tiyan. Agad na akong isinugod ni Tita dito sa bayan. Nakahawak ako sa lamesa habang dumadaing sa so rang sakit.
"Tita, ang sakit talaga," daing ko kay Tita.
"Tiisin mo! Hindi ba, bumukaka ka? Nang ginawa mo iyan ang ganda ng mga ngiti mo, tapaos ngayon iiyak-iyak ka riyan?" paninisi sa akin ni Tita. "Ayan, magpa-enkantot engkantot ka pa sa Holand! Ngayon iiyak-iyak ka!" paninisi niya sa akin. Kahit kailan wala talagang pinipiling lugar si Tita kung sermonan ako. Mabuti dumating na ang midwife na magpapaanak sa akin. Galing pa yata ito sa kabilang barangay.
Bakit ang tagal-tagal niya? Kanina may midwife naman na tumingin sa akin subalit mataas pa raw ang bata.
"Mommy, humiga ka na rito," sabi sa akin ng midwife.
Inalalayan naman ako ni Tita, na magtungo sa higaan. Humiga ako at ang dalawa kong paa ay nakapatong sa magkabilaang bakal. Nakabukaka talaga ako pakiramdam ko kitang-kita lahat ng kaluluwa ko. Ganito pala kapag nanganak ka. Ganito pala katindi ang sakit. Wala ka ng hiya kung makita man ang private part mo. Ang gusto mo lang ay makaraos ka na lumabas ang bata.
"Ay ayan na pala ang baby, malapit na lumabas," sabi sa akin ng midwife nang tiningnan nito ang aking pwerta.
"Nako, ayan na. Hanna, umiri ka na. Baka mamaya hindi ka pa marunong umire. Tiiisin mo dahil sabi nga nila ang kakambal ng sarap ay pasakit kaya tiisin mo," sabi pa sa akin ni Tita.
"Misis, ere!" utos naman sa akin ng midwife.
Umiri nga ako at habang umiiri ako ay umiiri rin si Tita.
"Ayan, sige pa. Push, ahhh...'' Si Tita na akala mo siya ang nanganganak.
"Ayusin mo ang pag-eri, Hanna. Siguro naman maayos din ang pagbukaka mo sa lalaking iyon, kaya ayusin mo ang pag-eri para lumabas ang bata na maayos!" Sige pa rin ang paninermon ni Tita sa akin.
Sunod-sunod ang pag-iri ko. Pakiramdam ko mapuputol na ang ugat sa aking leeg.
"Sige, pa Misis. Itudo mo na. Ayan na, malapit na ang baby lumabas," sabi sa akin ng midwife. May kasama rin itong Nurse na siyang umaalalay sa kanya.
"Aray ang sakit!" sigaw ko.
"Ganyan talaga dahil dugo ang unang lumabas sa'yo. Sige pa, e-eri mo pa!" utos ng midwife sa akin.
E-nire ko ng tudo sa abot ng aking lakas. Hindi nagtagal lumabas din ang bata.
Ipinatong ito ng midwife sa aking tiyan. "Nako, ang cute na bata ang puti-puti. Mabuti hindi naging kapre ang kulay nito," pasaring pa ni Tita sa akin.
Subalit bakas sa kanyang mukha ang tuwa nang makita niya ang baby ko.
"Baby boy, Mommy abg baby mo," sabi sa akin ng midwife. Napaluha ako nang makita ko ang aking anak.
Hindi matawaran ang saya na nararamdaman ko subalit mayroon din namang lungkot na nakatago sa isang sulok ng aking puso para sa amin ng anak ko.
Hindi ko alam kung paano ko siya bubuhayin, gayong wala na akong trabaho? Dalawang buwan akong naging tambay sa bahay. At si Tita, ang naghahanap buhay sa amin. Umalis na kasi ako roon sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.
Minsan nahihiya ako kay Mama dahil siya ang nagbibigay sa akin ng pera. Ang ginagawa ko na lang ay magtanim sa bakuran at iyon ang nilalako ko ang mga gulay.
Minsan ako ang pinagtitinginan at pinagtsi-tsimisan ng mga tao sa barangay namin. Subalit wala akong pakialam sa kanila ang mahalaga ay wala naman akong nagawang masama sa kanila.
"Nako, Hanna, lalake ang anak mo. Mabuti na lang at lalake ang anak mo. Para siya ang nanunusok at hindi siya ang tinutusok," sabi ni Tita sa akin. Sarap pasakan ng inunan ko ang bunganga ni Tita.
Pinutol ng midwife ang pusod ng bata. Ngumingiti na lang ang midwife at ang alalay nito sa mga sinasabi ni Tita sa akin.
"Ayan, tanggal na ang pusod ng baby namin," sabi ni Tita. "Ingatan mo 'yang anak mo, baka mamaya wala pa isang taon ang anak mo bumukaka ka na naman, ha? Magtrabaho ka na lang talaga sa club, kapag ganyan pa ang gawin mo," dugtong pa na sabi ni Titata.
Hiyang-hiya na lang ako sa mga nakarinig sa mga pinagsasabi niya.
"Tita, nakakahiya. Pwede bang sa bahay mo na lang ako talakan?" pakiusap ko sa kanya. "Eh, bakit ka nahihiya? Totoo naman ang sinasabi ko," pangangatwiran pa nito.
Napapakamot na lamang ako ng ulo dahil napakabungangira talaga ni Tita.
Nilinis na nila ang bata pati na rin ako nilagyan nila ako ng adult diaper. Pakiramdam ko nawasak ang p********e ko.
"Misis, ano ang ipapangalan mo sa anak mo?" tanong sa akin ng midwife
"Angelo! Angelo Villies, ang pangalan niya." Si Tita na ang sumagot sa tanong ng midwife. Pinangalanan niyang Angelo ang anak ko. Parang siya ang nagluwal dahil siya ang nagpangalan sa baby ko.
Karga-karga niya ang bata at hinihili ito.
"Oh, 'di ba? Bagay sa'yo ang Angelo? Kasi ibig sabihin ng panngalan mo ay Angel. Dahil lalake ka, kaya Angelo ang pangalan mo," sabi pa ni Tita, habang pinanggigilan niya ang bata. Napangiti na lang ako dahil kahit paano ay naramdaman ko na mahal niya ang anak ko. Okay, na iyon sa akin dahil kahit matalak si Tita mayroon naman siyang mabuting puso. Hindi kasi siya showy kung magmahal. Dinadaan niya sa taas ng boses niya, kaya kahit tinatalakan niya ako araw-araw. Parang musika na iyon sa aking pandinig dahil sanay na ako sa kanya.
Kinabukasan naman umuwi na kami sa bahay. Dahan-dahan lang ang paglakad ko dahil masakit ang tahi ko sa aking pagkab@bae. Si Tita ang kumakarga ng bata habang ako naman ang nagbi-bitbit sa bag ni baby.
"Dahan-dahan ka, Hanna. Baka mamaya madulas ka at mapunit ang tahi sa puday mo," paalala ni Tita sa akin habang nakasunod ako sa likuran niya.
"Tabi-tabi, dadaan po kami. Dadaan po ang baby Angelo namin," sabi ni Tita habang naglalakbay kami patungo sa bahay.
Medyo masukal din kasi ang daan patungo sa bahay.
Pagdating namin sa bahay inayos ko ang higaan namin ng aking anak.
"Padedehin mo na itong anak mo, Hanna. At kumain ka ng maraming gulay para marami kang gatas. Baka mamaya e-aasa mo pa sa akin ang gatas ng anak mo! Kulang pa nga ang pagkain natin tapos ibibili pa natin ng gatas. Huwag mong sayangin yang dede mo. Ito, padedehi mo na ang baby dahil umiiyak na," wika ni Tita sa akin at ibigay niya sa akin ang bata.
Pinadede ko si Angelo at gutom na gutom na ito.
"Maiwan ko muna kayo rito dahil maglilinis pa ako ng kuko ni Misis Harrison. Baka naman Hanna si Xian ang ama ni Angelo. Kaso mukhang malayo ang mukha ni Baby Angelo kay Xian. Hindi mo ba talaga alam kung sino ang ama ng anak mo?" tanong ni Tita sa akin Umiling-iling ako hindi sa kaniya.
"Hindi ko po talaga alam, Tita," tipid kong sabi sa kaniya.
"Oh, siya sige. Baka mamaya patulog-tulog ka riyan at maipit mo ang bata. Siya nga pala maya-maya tatawag ang Mama mo dahil sinabi ko na nanganak ka na. At ayun umiiyak ang Mama mo. Hay, nakong buhay na 'to! alam mong pahirap ng pahirap ang buhay Dapat kung bumukaka ka man lang doon na lang sana sa mayaman, sa maraming pera para kaya kang buhayin at hindi maghirap yang anak mo. Ano ipaparanas mo rin ang hirap na pinagdaanan mo riyan sa anak mo?" Naluluha na lang ako sa sinabing iyon ni Tita. Nagiging emosyonada ako ngunit ayaw kong ipakita ang mga luha ko sa kaniya, kaya tumalikod ako habang nagpapadede sa aking anak.
Tama nga naman siya. Sa dami ng hirap na pinagdaanan namin, ipaparanas ko rin ba sa anak ko?
"Kapag magaling na po ako, Tita. Maghahanap po ako ng trabaho," sabi ko sa kanya sa garalgal kong boses.
"At sino ang pababantayin mo sa anak mo ako? Alam mo rin na naghahanap buhay rin ako dahil may maintenance pa akong gamot. Isa pa walang gatas ang dede ko para ipadede sa anak mo. Gusto mo rin ba na igaya siya sa'yo? Noong umalis ang Mama mo para lang mabuhay ka at iniwan ka niya sa akin kasi maaga kang naulila sa ama. Tapos ngayon mauulit na naman sa anak mo ang naranasan ninyong mag-ina? Paano kung wala ako? Doon ka na sana sa bahay ampunan? Oh, siya sige na. Aalis na ako habang maaga pa, para maaga akong makauwi. Wala pa tayong bigas wala kang kakainin kapag hindi ako maghahanap buhay," sabi ni Tita sa akin sa garalgal niyang boses. Tumalikod na siya subalit narinig ko ang kaniyang paghikbi. Alam ko na naawa rin siya sa sitwasyon ko.
Tuluyan na nga akong naiyak. Pag-alis ni Tita. Pati ang baby ko umiyak na rin. Siguro nararamdaman niya rin ang lungkot na nararamdaman ko.
"Sorry, Anak. Kung hindi kita mabigyan ng maganda at marangyang buhay. Pero pangako, anak. Hinding-hindi kita iiwan. Palagi tayong magkasama kahit saan tayo magpunta," sabi ko sa aking anak habang walang tigil ang pag agos ng aking mga luha.
Ilang sandali pa ang lumipas tumunog ang cellphone ko. Mahimbing na natutulog ang aking anak.
Si Mama ang tumatawag kaya agad kong sinagot ang tawag niya.
"Mama, kumusta po kayo?" agad kong tanong sa kabilang linya.
"Ako nga ang dapat mangamusta sa'yo. Kumusta kayo ng baby mo? Humingi ako ng day off kay Sir Gabriel. Bukas uuwi ako riyan para makita kayo ng apo ko. Excited na ako makita ang baby mo. Hindi ako makapniwala na Lola na pala ako," tuwang-tuwa na sabi ni Mama sa akin sa kabilang linya.
"Mama, ang cute po ng Baby ko. Siguro, Mama ang gwapo niya paglaki," sabi ko kay Mama. Pilit kong pinapasigla ang boses ko para hindi siya mag-alala sa akin.
"Anak, excited na talaga ako makita si Baby Angelo. Iyon daw ang ipinangalan ng Tita mo sa baby mo?" tanong pa ni Mama sa akin.
"Opo, Ma. Bagay naman po sa kaniya ang Angelo," sabi ko kay Mama.
"Oh, sige, Anak. May trabaho pa ako. Ingat ka na huwag mabinat, ha? Huwag ka muna magkikilos-kilos," sabi ni Mama sa akin.
"Opo, Ma. Salamat po," sabi ko sa kanya at pinatay ko na ang cellphone.
Masaya ako dahil nakausap ko si Mama. Parang nagkaroon ako ng lakas ng loob upang mabuhay at magkaroon ng panibagong pag-asa sa buhay namin.
"Baby, hayaan mo gagawin ni Mama, ang lahat para hindi ka mahirapan. Bigyan kita ng magandang kinabukasan. Lahat gagawin ni Mama para makapag-aral ka," sabi ko sa aking munting anghel na mahimbing na natutulog.
Nakaramdam ako ng gutom, kaya iniwan ko muna si baby Angelo sa higaan namin. Nagtungo ako sa kusina upang tingnan kung may makain ako. Subalit pagbukas ko ng kaldero panis na kanin ang laman ng kaldero. Binuksan ko ang lalagyan ng bigas upang magsaing sana, subalit wala na nga itong laman.
Tama nga si Tita, wala kaming bigas. Marahil dahil nagpadede ako kay angelo, kaya nakaramdam ako ng gutom. Tumutunog na ang aking tiyan. Kahit hirap ako sa pagkilos tiniis ko lang ang sakit ng aking tahi. Kapag wala kang kasama ang hirap talaga kumilos. Parang naawa tuloy ako sa aking sarili. Upang makakain ako hinugasan ko ang panis na kanin para matanggal ang amoy niya. Pagkatapos kong hugasan iyon ay sinangag ko para hindi mahalata na panis iyon. Nagugutom na talaga ako. Pagkatapos kong isangag ang kanin . Hindi ko na nga nalalasahan na panis ito dahil sa sobra kong gutom. Hindi ko na kasi mahintay si Tita. Mamaya pa siya darating mga tanghali pa. Uminom na lang ako ng maraming tubig para mabusog ako. Iyon ang ginawa kong sabaw. Pagkatapos ko naman kumain nilabhan ko ang lampin ni Angelo na may mga dumi. Nahihiya naman kasi ako na iasa iyon kay Tita.
Pagsapit ng alas-onse ng tanghali naabutan ako ni Tita na naglalaba.
"Hanna, baliw ka ba? Alam mong kapapanganak mo lang naglalaba ka na riyan? Ano ba ang gusto mo ang mabinat ka? Gusto mo yatang mabaliw," pagtatalak na naman ni Tita sa akin.
"Tumayo ka riyan! Iniwan mo ang anak mo doon sa silid mo? Paano kung puntahan iyan ng masamang espiritu? Bantayan mo ang anak mo roon! Pasaway kang bata ka!" dugtong pa na pagtatalak ni Tita sa akin. Mabuti na lang natapos ko ng banlawan ang mga lampin ni Angelo, kaya tumayo na lang ako ng dahan-dahan. Hinayaan ko na lang muna sa batya ang lampin ni Angelo.
Bumalik ako sa aking silid. Mahimbing pa rin na natutulog ang aking ang anak. Walang tigil naman ang pagtatalak ni Tita sa labas. Hinayaan ko na lang siya. Humiga ba lang ako sa tabi ni baby Angelo.