Chapter 19 Hanna Nagsimula na si Dexter na magluto, kaya kahit dito sa sala amoy na amoy ko ang kanyang niluluto. Naiinip lang ako na umupo dito sa sofa kaya, tumayo ako habang buhat-buhat si Angelo at lumapit kay Dexter sa kusina. "Ano ang niluluto mo?Pwede bang pahingi ng tubig?" sabi ko sa kanya. Makasuot siya ng apron habang wala siyang suot na pang-itaas. Ang apron lamang ang nagsilbing damit niya pang itaas. Busy siya sa paghahalugay ng niluluto niya sa kawali. Lalo pa akong nagugutom dahil parang ang sarap ng niluluto niya at ang bango pa. "Kumuha ka riyan ng tinapay sa lamesa," wika niya sa akin. Nakita ko ang plastic bag na binigay sa kanya ng girlfriend niya sa hospital. "Baka magalit ang girlfriend mo at ako pa ang naunang kumain ng tinapay na binigay niya sayo," sabi ko