Chapter 18 Hanna Mukhang nagugutom na nga si Angelo dahil binababa nito ang kwelyo ng aking damit. Umiiyak na rin ito. "Bakit hindi mo pa padedehin ang bata? Nagugutom na iyan, oh!" utos sa akin na impaktong Dexter. Wala man lang akong towel na dala para itakip sa aking dibdib ko kapag nagpadede kay Angelo. Sino ba naman ang mag-aakala na dadalhin kami ng impaktong ito sa Holand? Nakita ko ang polo ni Dexter sa likuran ng kanyang upuan. Inabot ko iyon at kinuha. "Hey, ano ang gagawin mo riyan sa damit ko?" tanong niya sa akin. "Ipantakip ko lang sa dibdib k,o mahirap na at baka silipan mo pa ako!" nakasimangot kong sabi sa kanya. Tinakip ko iyon sa kaliwa kong dibdib kaya pati si Angelo ay natakpan rin. Pagkatapos ay nilabas ko na ang aking dede at pinadede si Angelo. Gutom na guto