Episode 20

2242 Words

Chapter 20 Dexter Pagkatapos kong kumain iniwanan ko muna si Angelo at Hanna sa condo unit ko. Sinadya ko talagang dalhin si Hanna sa unit ko dahil natatakot ako na baka ilayo niya sa akin ang bata. Sino ba naman ang mag-aakala na magkaroon ako ng instant anak na hindi ko inaasahan na darating sa buhay ko? Pagkatapos ng operasyon ko sa isang pasyente dito sa hospital sabay kaming lumabas ni Dr. Saphire. "Congratulations, Dr. Villega. Successful ang operation mo sa pasyente mo ngayon," bati pa nito sa akin. "Palagi naman successful ang operasyon ko. Lalo na kapag nariyan ka sa tabi ko," nakangiti kong sabi sa kanya. "Iyan tayo, eh! Ang hilig mo mambola. So, saan tayo ngayon?" tanong nito sa akin. "Siguro magkape na lang muna tayo," sagot ko sa kanya. "Kailan nga ulit ang alis mo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD