Chapter 35 Hanna Halos ayaw kong bitiwan si Angelo. Natatakot ako na baka ilayo siya sa akin ni Dexter. Kaya, kahit masama ang pakiramdam ko hindi ko binibitiwan ang aking anak. Nagliligpit si Ate Des ng kanyang gamit. "Ate, aalis po kayo?"tanong ko sa kanya sa paos kong boses. "Babalik na ako sa Heaven. Nagpaalam na ako kay Dexter dahil walang kasama si Allea. Baka pupunta raw dito si Mama Lou." Tumango-tango ako sa sinabi ni Ate Des. Narito kami sa loob ng rest house na ito. "Ganon po ba? Kahapon pa po ba kayo rito?" tanong ko muli sa kanya. "Oo, iha. Kahapon pa kami rito ni Angelo. Dinaanan ako ni Dexter, kahapon sa Heaven. Kasama si Angelo. Wala raw magbabantay sa anak ninyo, kaya isinama niya ako rito. Hinahanap ka nga ni Mama Lou at Allea. Kaso hindi naman umiimik si Dexter