Chapter 36 Nang makita ko si Hanna sa side mirror na umiiyak at sinasaktan ang sarili parang nadudurog ang puso ko lalo na ng mawalan ito ng malay. Agad ko siyang binalikan at dinala dito sa resort na nabili ko kamakailan lang. Nasaktan din ako ng malaman ang paghihirap niya. Subalit hindi ko maunawaan ang aking sarili dahil nagagalit talaga ako kapag iniisip na sila ni Xian. Hindi ko lang kasi lubos maisip bakit ang pinsan ko pa? Nakatayo ako ngayon sa gilid ng kama habang pinagmamasdan silang mag-ina na mahimbing na natutulog. Naiinis ako at naaawa kay Hanna. Butas-butas ang kanyang damit at napakaluma na. Maganda naman ang offer ko sa kanya na doon lang sila sa condo unit ko ni Angelo, upang maging maganda ang buhay nilang mag-ina. Kaya pinipilit ko siya tumira sa condo dahil hindi