Chapter 8
Hanna
Pagsapit ng alas-dose ng tanghali tinawag na ako ni Tita upang kumain. "Hanna, tulog pa ba ang bata?" tanong nito sa akin.
"Opo, Tita. Mahimbing po ang tulog ni Angelo" sagot ka sa kanya.
"Kakain na tayo, pero dalhan na lang kita riyan. Huwag mong iwanan ang anak mo mag-isa sa silid mo. Ikaw talagang babae ka hindi ka nag-iingat. Alam mong kapapanganak mo lang kahapon, pero naglaba-laba ka pa! Ewan, ko ba sa'yo. Bakit napakatigas ng ulo mo? Saan ka ba nagmana na babae ka?" pagtatalak naman sa akin ni Tita.
Wala talagang tigil ang pagtatalak niya mula pa kanina. Hindi siya napapagod sa pagtatalak. Hindi na lang ako umiimik at hinayaan ko na lang siya sa magtatalak dahil siya naman ang mapapagod. Ilang sandali pa dala-dala ni Tita ang plato na may lamang kanin at mangkok na may lamang ulam. Nilapag niya ang mga ito sa sahig.
"Bumangon ka na riyan at kumain ka ng marami. Bumili ako ng tahong ito at nilagyan ko ng kaunting sabaw para dumami pa ang gatas mo," sabi nito sa akin.
Napapangiwi ako habang dahan-dahan na bumabangon. Masakit pa rin kasi ang pagitan ng akin. Nakasuot ako ng adult diaper masakit kapag umupo ako.
'Yong panis ba na kanin pinakain mo sa manok?" tanong ni Tita sa akin.
Tumango-tango na lang ako sa kanya. "Opo, Tita," tipid kong sagot.
Natatakot kasi ako na sabihin sa kanya na kinain ko ang panis na kanin kanina. Baka kasi tatalakan na naman niya ako ng husto.
"Siya, sige. Kumain ka na lalagyan kita ng tubig rito. Saka ang lampin ng bata huwag mong pahamugan. Dito lang sa loob isampay. Pagkatapos natin kumain babalik pa ako sa bayan dahil may magpapalinis pa sa akin. Isang linggo ka pa bago maligo baka mamaya maligo ka riyan," bilin sa akin ni Tita.
"Opo, Tita," tipid kong sagot sa kanya.
"Sige na, ubusin mo na ito. Doon na ako sa kusina kakain," paalam nito at lumambas na siya sa aking silid. Para akong patay gutom dahil agad kong kinain ang kanin ng sunod-sunod. Pati ang tahong ay hindi nakalampas sa akin. Ganito talaga siguro kapag bagong panganak palagi kang gutom. Kailangan ko ng gumaling at makapaghanap ng ikabubuhay. Kahit magtinda ako ng gulay gagawin ko para lang may pantustos ako sa sarili ko. Ayaw ko naman na palaging aasa na lang kay Tita at kay Mama.
Kinabukasan dumating si Mama. Marami itong dala para sa amin. May mga prutas, gulay at may mga grocery pa.
"Mama ang dami po nonyong dala," sabi ko pagkatapos kong humalik sa kaniya.
"Oo, anak. Binigyan kasi ako ng pera ni Sir Gabriel, para ito sa inyo ng baby mo. May mga vitamins din akong binili para pampadami ng gatas. Inumin mo iyon palagi. Nako, Hanna, ang gwapo ng apo ko. Akin na nga 'yan, Ate," natutuwang sabi ni Mama. Akmang kukunin sana niya ang baby kay Tita Emma, subalit inilayo ito ni Tita sa kanya.
"Galing ka sa labas, Meding. Maghugas ka muna ng kamay at mag-alcohol. Mamaya may bacteria yang kamay mo," sabi pa ni Tita kay Mama. Sobrang napakasilan ni Tita pagdating sa sanggol.
"Nako, ito naman si Ate. Masyadong maselan wala naman akong virus na dala. Pero, sige na nga maghuhugas na ako ng kamay at maglagay ng alcohol para makahawak na ako sa apo ko," sang-ayon na lang ni Mama at nagtungo ito sa kusina upang maghugas ng kanyang kamay.
Natutuwa ako dahil alam ko na mahal ni Tita ang aking anak. "Hahawakan ka lang ng Lola mo na hindi naghuhugas ng kamay at nag-aalkohol? Paano na lang kung madumihan ka, hindi ba? O indi kaya may masagap kang bacteria? Kawawa naman ang ni baby Angelo namin kapag nagkasakit," sabi pa ni Tita sa aking munting anghel.
Ilang sandali pa bumalik si Mama sa kinaroroonan namin. Nagtutupi ako ng lampin ni baby.
"Pakarga na Ate sa apo ko," sabi ni Mama kay Tita.
"Dahan-dahan, ha? Baka mapilayan," sabi pa ni Tita kay Mama. Tuwang-tuwa naman si Mama at sinayaw niya si Angelo.
Ilan sandali pa may kiniha si Mama sa kaniyang bag.
"Ate, ito pala ang pera. Ibili mo iyan ng gamot mo, ha?" sabay abot niya ng pera kat Tita.
Salamat naman Meding. Malaking bagay ito. tamang-tama at paubos na ang gamot ko," tuwang-tuwa naman na tinanggap ni Tita ang pera na galing kay Mama.
Bantayan mo muna ang apo mo at pagsabihan mo 'yang anak mo dahil kahapon naglaba. Paano kung mabinat iyan? Eh 'di, gastusin na naman," sumbong ni Tita kay Mama. Tumango-tango lang si Mama kay Tita. Nagtungo na ito sa kusina dala ang pinang-grocery ni Mama.
Tumingin sa akin si Mama, habanh ang hinihili niya si Angelo. "Anak, mag-ingat ka. Baka mamaya mabinat ka. Gusto mo bang mabaliw? Paano na lang itong gwapong batang ito kapag nabaliw ka o na paano ka? Huwag ka muna magkikilos," Pagpapaalala naman ni Mama sa akin.
"Sorry po, Ma. Nilabhan ko lang naman kasi ang mga lampi ni Angelo. Wala na kasi siyang gagamitin kung hindi ko lalabhan," sabi ko sa kaniya.
"May binili akong lampin at damit ni baby Angelo. Nalabhan ko na iyan," sabi pa ni Mama sa akin.
"Ma, paano kung huminto ka na lang kaya sa pagtatrabaho? Tapos bantayan mo na lang si baby Angelo. Ako na lang maghanap ng trabaho para sa atin," malungkot kong sabi kay Mama.
Buong buhay ko kasi hindi kami nagsama ng matagal ni Mama. Kuntento na kami sa ganito na bihira lang magkita. Parang nakasanayan na namin.
"Anak, sayang naman ang trabaho ko. Saka ako na ang magtrabaho habang maliit pa si Angelo. Ayaw kong magkalayo kayong mag-ina. Ayaw ko matulad siya sa ating dalawa. Habang bata pa ang anak mo ilaan mo ang oras mo sa kanya para paglaki niya hindi mo mami-miss ang kabataan niya. Hindi katulad sa atin dahil sa kakatrabaho ko hindi kita naalagaan ng husto. Sorry, anak, ha? Kailangan ko kasing magtrabaho para may makain tayo," wika pa ni Mama sa akin.
"Okay lang po iyon, Ma. Ako nga po dapat ang humingi ng sorry dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa'yo na bigyan kita ng magandang buhay. Nagsisi po ako Mama na uminom ako ng alak. Kung hindi po iyon nangyari-"
Hindi na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Mama.
"Okay, lang iyon, anak. Kung hindi nangyari iyon, eh 'di wala sana tayong baby Angelo. Hindi ba, baby? Ang cute talaga ng apo ko. Kung hindi nalasing ang Mommy mo, eh 'di sana wala akong apo na ganito kapogi," sabi ni Mama, habang hinahalik-halikan niya ang kamay ni Angelo.
Parang nakakaunawa naman ang bata dahil ngumiti ito, kaya lalo pang natuwa si
Mama.
Nang kinagabihan na kumakain kami. Panay naman ang daldal ni Tita kay Mama.
"Alam mo ba, Meding? Pinatawas-tawas ko pa 'yan si Hanna dahil sa tuwing umaga nagsusuka. Akala ko na engkanto iyon pala na engkantot ng tete ng tao. Kaya nasayang ang $20 ko kay Domeng. Pinipilit kong kunin iyon dahil iba naman ang lumabas sa pantatawas niya, pero ayaw ibigay ng huklobang matandang iyon." Natatawa na lang si Mama sa kadaldalab ni Tita.
"Ikaw talaga Ate, naniniwala ka pa sa mga ganyan? Naniniwala ka riyan sa mga tawas-tawas na 'yan? Ayan at na scam ka tuloy," saad naman ni Mama kahit Tita.
"Pero, okay lang dahil nakakain naman kami ng itim na manok. Hindi ba, Hanna? natatawa rin na sabi ni Tita kay Mama at bumaling pa ito sa akin.
Tumango-tango lang ako sa kaniya habang kumakain. Naglaga ng baka si Mama at iyon ang ulam namin ngayon. Katwiran niya kasi minsan lang kami nakakain ng ganito samantalang siya masasarap ang kinakain niya niya sa Holand.
"Damihan mo sa pagkain, anak. At maghigop ka ng sabaw," wika ni Mama sa akin.
Nilagyan niya pa ng sabaw ang mangkok ko upang makapaghikop ako ng maraming sabaw.
Pagkatapos namin ni Mama nag-kwentuhan pa kami habang nakahiga kami. Sa kutson kami nakahiga ni Mama. Napagitnaan namin si Angelo.
Iva talaga kapag kasama mo ang magulang mo.
"Mabuti mabait si Sir Gabriel Ma, noh?" wika ko kay Mama.
"Oo, mabait naman. Pero naawa ako sa asawa niya dahil pinakulong niya. Namatay ang Lola ni Senorito Gabriel at si Ma'am Allysa, ang pinagbintangan niya na nagtulak. Pero gusto pala sanang abutin ni Ma'am Allysa. Noong pinuntahan niya sa kulungan si Ma'am Allysa wala na roon sa kulungan. Kumusta na kaya si Ma'am Allysa. Saan na kaya ang batang iyon. Kahit maldita iyon minsan, pero mabait din," saad pa ni Mama sa akin sa malungkot niyang boses.
"Sana inalam muna ni Sir Gabriel, ang nangyari bago niya pinakulong ang asawa niya," wika ko naman kay Mama. Pinag-usapan na tuloy namin ang mag-asawa.
"Pero, alam ko anak. Hindi naman si Senorito Gabriel, ang boyfriend ni Ma'am Allysa. May boyfriend talaga si Ma'am Allysa, na magaling na doktor. Ang masaklap pa kaibigan pang matalik ni Sir Gabriel. Parang inagaw niya lang si Ma'am Allysa sa matalik niyang kaibigan. Hoy, Hanna. Atin-aton lang 'yan, ha? Kahit kay Tita mo huwag mo sabihin. Alam mo naman ang bunganga ng Tita mo,"
Ngumiti ako kay Mama.
"Mama, wala naman akong ibang pagsabihan niyan. Pero, Mama salamat sa lahat, ha?" pasalamat ko sa aking ina.
"Basta, anak. Alagaan mo lang ng mabuti ang anak mo, ha? Mahala na mahal ko kayo. Kapag may problema ka sa pera huwag ka mahiya magsabi sa akon," malambing pa na sabi ni Mama sa akin. Tumango-tango ako sa kaniya. Nang tanghaling iyon natulog kami. Naroon naman si Tita sa bayan. Pagkatapos namin kumain umalis ito papuntang bayan.
Isang linggo na natili si Mama sa bahay, kaya isang linggo rin na tumahimik ang bahay. Hindi kasi makapagtatalak si Tita,bkapag nariyan si Mama. Para itong santa kapag nariyan ang kapatid niya, ngunit nang umalis na si Mama ay nagsimula na ito sa pagiging matalak niya.
"Ano, Hanna? Wala kang balak maligo? Isang linggo ka na riyan, ah!" sabi ni Tita sa akin.
Kahapon na gusto ko maligo ayaw niya. Ngayon magtatalak na naman siya.
"Nag-init na ako roon ng dahon-dahon. Maligo ka na roon! 'Yong sa balde ang ipampaligo mo. Dagdag ka pa talaga ng pasanin sa akin!" panunumbat na naman nito sa akin.
"Maliligo na po ako Tita. Pakibantayan po muna si Angelo," sabi ko sa kaniya.
"Eh, ano pa nga ba ang gagawin ko, kundi mag-alaga ng anak mo? Ayan kasi magbubukaka ka tapos nahihirapan ka ngayon? Huwag mo akong pakikitaan na sumisimangot ka sa pag-aalaga sa anak mo dahil hindi ka naman siguro nakasimangot habang tinutuhog ka at ini-engkantot ng lalaki na tumuhog sa'yo bhilat mo!" matabil na dila na sabi ni Tita sa akin.
Kinuha ko na lamang ang tuwalya ko at padabog aki na lumabas ng aking silid. "Kuskusin mo 'yang mabuti ang bhilat mo! Pagkatapos bumukaka ka ulit para masundan agad si Angelo. Aba'y bata ka pa, kaya lubos-lubusin mo ang paglalandi mo para tuluyan na talaga kitang mapalayas dito sa bahay. Palamunin ka na ngayon, pabigat ka pa!" Masakit man ang mga binitawang salita ni Tita tiniis ko na lamang. Gano'n naman talaga siya kapag wala akong trabaho. Kapag wala akong inaabot sa kanyang pera pabigat na ako. Para ba ang babaw ng tingin niya sa akin, subalit kapag may inaabot ako parang anghel ang tingin niya sa akin.
Habang nasa banyo ako naliligo sumasabay din ang pagpatak ng mga luha ko sa tubig na binubuhos ko sa aking ulo. Parang pakiramdam ko sa aking sarili walang kwenta, baldado, at umaasa nalang sa binibigay ni Mama sa akin.
Mahirap man ang sitwasyon ko subalit wala akong magagawa kundi tiisin na lang ang lahat hanggang sa lumaki si Angelo at pwede na akong magtrabaho muli.
Kaya nang kinabukasan habang wala si Tita at mahimbing naman na natutulog si Angelo, nanguha ako ng gulay na mga itinanim ko noon. Nilagay ko iyon sa basket upang ilako para naman hindi masabi ni Tita na palamunin na lang ako rito o isang baldado. Pagkatapos ko manguha ng gulay binalikan ko si Angelo. Gising ba ito at ang ganda ng ngiti niya Itinali ko ang ng lampin sa aking leeg upang ilagay ko si Angelo sa lampin na nakatali. Para kahit na maglako ako ng gulay ay dala-dala ko siya at hindi ako mahirapan sa pagkarga sa kanya.