Chapter 24 Hanna Apat na araw ang nakalipas na pagpasyahan ni Dexter na pumunta kami sa Heaven City. Namimiss na rin kasi ni Mama Luo si Angelo. Kaya pagdating namin agad nitong kinarga ang bata. "Kumusta na ang apo kong ito? Na miss ka namin Angelo," sabi ni Mama Lou at pinanggigilan nito si Angelo. Pumunta naman ako kay Allysa, na nagpapadede sa kaniyang sanggol. "Kumusta na kayo ng bene mo?" nakangiti kong tanong sa kanya. "Heto, at ang lakas niya dumede. Kumusta naman kayo ni Angelo? Kumusta ang result ng dna test ni Angelo at Dexter?" tanong naman nito sa akin. "Ayon, mag-ama mag-ama nga sila. Pasensya ka na Allea, ha? Nalaman ko kasi kay Dexter na magkasintahan pala kayo noon," hingi ko ng paumanhin sa kanya kahit na ang totoo wala naman dapat akong ikahingi ng paumanhin