Chapter 17 Hanna Pinakiusapan ako ni Mama Lou na sumama na lang sa kanila sa Heaven City. Kung ako lang talaga sana ang masusunod ayaw ko talaga dahil sa impaktong demonyong maligno na iyon. Kaya kinabukasan maaga kami nagbyahe patungo sa bahay na sinasabi ni Dexter sa Heaven City. Dito kami nakasakay sasakyan ni Dexter. Si Mama Lou ang nasa front set nakaupo katabi ng kanyang impaktong anak. Kami namang tatlo ay dito sa likuran nila. Tahimik lang kami ni Allea, habang nasa byahe kami. Tulog din ang mga bata. Ang aga pa kasi. Parang nagmamadali yata ang impakto. May trabaho pa daw siya na kailangan daluhan sa Holand. Hindi ko alam kung ano ang trabaho ng hinayupak na ito. At wala akong pakialam sa kanya. Pagdating sa Heaven City, huminto siya sa tapat ng bahay na bungalow ang pagka