Chapter 30 Dexter Nagising ako na masakit ang aking ulo. May nakadagan sa aking tiyan kaya parang hindi ako makakilos. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Narito ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Inilibot ko sa kisame ang aking paningin. Parang may hangover pa ako. Naparami kasi ako ng inom kagabi. Tumingin ako sa aking tiyan may isang kamay na nakadagan, kaya dahan-dahan akong bumaling sa aking katabi. Napabalikwas ako ng bangon ng makuta ko na katabi ko si Agnes; ang nakilala ko kagabi. Pareho kaming walang saplot. "s**t!" Napapamura ako. Inalis ko ang kanyang kamay sa itaas ng aking hita. Nagising ito. Lalong sumakit ang ulo ko ng maalala ko ang aking mag-ina. "Good morning, nakatulog ka ba ng mahimbing?" malanding tanong sa akin ni Agnes. "Teka, may nangyari ba