Chapter 29 Hanna Sumampit ang ala-unana ng hating gabi hindi pa rin ako makatulog. Samo't sari ang pumapasok sa isip ko. Parang gusto ko na lang umuwi sa San Luis. Naiinis ako kay Dexter. Lalo ng makita ko na hinalikan siya ng babae kanina at tinugunan niya rin iyon. Bumangon ako at umupo sa terrace. Ilang sandali ang lumipas bumukas ang pintuan ng silid. Pumasok si Emerald. Nagtataka ito kung bakit wala ako sa kama. "Hanna?' tawag nito sa pangalan ko. "Nandito ako sa terrace, Emerald,'' sagot ko sa kaniya. Lumapit naman siya sa terrace. "Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito sa akin. "Hindi kasi ako makatulog. Marami pa rin bang bisita sa baba?" tanong ko. Sumandal siya sa railing ng teres. "Kaunti na lang ang mga bisita dahil umuwi na ang iba. Siya nga pala nakita ko si De