Chapter 37 Hanna Katatapos kong maligo suot ang damit at boxer ni Dexter, na ibinigay sa akin. Kahit paano napreskuhan ang aking pakiramdam. Kahit na masama ang pakiramdam ko niligo ko na lang ito at baka sakaling mawala. Nilabhan ko na rin ang mga damit ko at isinampay ko sa gilid ng rest house. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami rito. Gustuhin ko man umuwi sa San Luis, wala na rin akong pamasahe at sigurado ako na hindi papayag si Dexter. Kung uuwi man ako, ako lang mag-isa at hindi kasama si Angelo. Hanggang kalahati ng mga hita ko ang polo ni Dexter, kaya naiilangan ako na lumabas. Hindi kasi ako sanay na sumuot ng maiksing damit. Lagi akong naka-padjama o hindi kaya nakabestida ng mahaba. Pagkatapos kong suklayin ang aking buhok lumabas na ako subalit panay naman hila k