Chapter 9 Nakalagay sa lampin si Angelo, habang nakatali ang lampin sa akin leeg. Bitbit ko naman ang isang basket na may lamang gulay. Una kong pinuntahang bahay kina Aling Perta. "Hanna, ano 'yang dala mo?" "Patola po Aling Perta. Saka may talong din po ako at kalabasa. Bili na po kayo," wika ko sa kaniya. "Nako, dala-dala mo pa ang anak mo. Pasok ka muna at medyo maambon. Hindi ba kapapanganak mo pa lang?" tanong nito sa akin. Pinapasok niya ako sa loob ng kanilang bahay. Mabuti na lang tahimik lang si Angelo at natutulog. "Maupo ka muna. Magkano itong gulay mo para bilhin ko na lang lahat," tanong nito sa akin. "15$ na lang po, Aling Perta," wika ko sa kaniya. "Siya, sige. Akin na ito. Oh, ito ang pera. Tatalakan ka na naman ng Tita mo kapag nalaman niya na lumabas kayo ng