Remnis Luz Karma

1854 Words
Four thirty natapos ang klase ni James, kaya may kalahating oras pa siya na guguhulin sa paghihintay kay Brent. Alam niya naman kung saan naka-park ang kotse nito, kaya napagdesisyunan niyang doon na lang maghihintay kaysa puntahan pa ito sa billiaran. Sa isang bakanteng picnic bench na malapit sa parking area na siya tumambay. Iyong tipong may mesa sa harap tapos mahabang upuan sa magkibalang dulo.  Naalala ni James ang baon niyang buy one take one na burger, inilabas niya iyon upang makain.  Pakalapag na pakalapag niya noon sa lamesa ay siya naman ang litaw ng isang kamay mula sa kabila dako noon. Namutla na lang siya sa takot dahil sa tila pag-gapang nito na tila ginagamit ang mga daliri sa pagkilos, mabilis nitong hinawakan iyong mga burger na nandoon. "s**t!" naisambulat ni James nang sa wakas ay mahanap niya ang boses. Dali-dali siyang napatalon papalayo lalo nang makitang hinihila na ng kamay ang nasabing pagkain. "Hey! Don't say bad words." Si Rem lang pala.  Nakahinga siya ng maluwag habang sinasapo ang mukha. Kahit sino naman siguro ay mangingilabot dahil sa ginawa nito, lalo pa at sigurado niyang wala naman kaninang tao sa naturang lugar. Bago siya bumalik sa upuan ay sinilip niya muna ang kinalalagyan ni Rem, nakahiga pala ito sa bench na nasa kabilang side ng mesa, mukhang sarap na sarap pa sa pagkain nang isang burger. "Baliw ka talaga Rem, muntik na akong atakihin sa iyo!" singhal ni James kahit nakayuko pa dito. "Parang hindi ka naman nasanay!" Nanatili lang ito sa posisyon at hindi man lang lumingon dahil sa pagkaabala sa pagkain. "Anong ba kasing ginagawa mo dyan?" sita ni James habang umaayos na sa pag-upo. Doon na tumayo si Rem, pero tila antok pa ito dahil halos ipatong pa nito ang mukha sa mesa na wari’y bigat na bigat sa sarili. "Nagre-relax!" humikab pa ito pakasagot. Napakunot tuloy si James ng noo. "Nag-aaral ka ba talaga dito?" Bahagyang umayos ito ng upo pero nakatukod pa rin ang isang kamay sa mukha. "Oo naman no! kita mo naman uniform ko, tsaka makakadaan ba ako dyan sa gate kung hindi ako papapasukin ng guard" pagtataas nito ng kilay.  Sa isip-isip ni James. ‘Oo nga naman,’ pero nandoon din iyong part na maligno siya kaya pwede siyang pumasok dito at magbalat kayo bilang estudyante. Kinuha niya na lang agad iyong isang burger dahil baka maunahan pa siya ni Rem, mawala pa ang meryenda niya, pantawid gutom niya rin iyon lalo na at kumakalam ang kanyang sikmura. "James!" papansin nito na sinusupsup na ang mga daliri dahil naubos na pagkain. "Oh bakit?" baling niya dito sabay kagat na kaagad ng malaki sa kanyang burger. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Rem habang isinusulat ang daliri sa mesa, hindi ito nakatingin sa kanya at halatang may kung anong iniiisip. "Good luck! mukhang madami-daming hindi kaaya-ayang bagay ang mangyayari sa iyo e." Napasalubong na lang siya ng kilay dtio, napagtanto niyang mayroon iyong kinalaman sa kanyang kontrata. Muli na lang siyang kumagat sa kanyang burger bago magsalita. "Rem, may alam ka ba sa mga mangyayari sa akin or kaya mo din ba makita ang hinaharap?" Kinuha niya ang pagkakataon iyon para magtanong, kahit papaano kasi ay nacu-curious din naman siya kay Rem, napagtanto niyang hindi naman ito siguro magagalit. "Nope, hindi ko alam, pero tungkol doon sa pagbasa sa hinaharap, mama ko ang may ganoong kakayahan, kaso naman hindi niya sinasabi sa akin ng malinaw kaya hindi din kita mawarningan. Pasensya na." Napapangusong baling na lang nito sa kanya. "Huh, ganoon ba, sino ba mama mo? si madam Auring?" biro na lang niya dito dahil na rin napansin niyang biglang naging seryoso ang mood nito. Sinalubungan tuloy siya ni Rem ng kilay. "Adik! Seras Faith ang pangalan ng mama ko, kaya niyang makita ang hinaharap, madalas siyang magbigay ng babala pag may sakunang papadating, kaso napapagkamalan siyang baliw minsan." Napatango na lang si James, dahil mayroon nga naman siyang nababalitaan na mga ganoon na tao.  "Ah, tinanong mo ba siya kung ano mangyayari sa akin," pagbabakasakali niya. Napabagsak si Rem ng balikat nang maalala iyon. "Oo, para kahit papaano mabigyan kita ng babala, kaso si mama kasi ayaw ibigay sa akin ng maayos iyong hinihingi ko, hindi ko tuloy alam kung paano kita matutulungan." Pagngunguso nito. Ngiting napabulong si James sa sarili. “Akalain mo iyon! Mabait pala talaga to si Rem e, kung tutuusin kaya nga pala niya ako binigyan ng wish at kaya niya rin ako binigyan ng kontrata ngayon, kaso nakakatakot lang kasi iyong exorcist smile niya, ano ba mayroon doon?” "Maliban sa pagbigay ng wish ano pa kaya mong gawin Rem?" pag-iiba niya na sa usupan. Biglang nagliwanag ang mukha nito at napatawa, iyong makulit at hindi nakakatakot. "Tulad ng sinabi ko, hindi ako tulad ng jeanie na kayang ibigay ang gusto mo. Well, tutal, tinanong mo na din, hayaan mong ipaliwanag ko kung ano talaga ang kapangyarihan ko!" Tumango na lang siya dahil medyo nagiging interesante ang kanilang usapan, hindi niya lubos akalain na sasagutin ni Rem ang tanong niyang iyon, hindi tulad nang sa mga sine na may thrill at pamisteryoso na ikaw ang kailangan umalam ng nangyayari. Sa lagay ni Rem ay kailangan lang pala magtanong. "Ang kapangyarihan ko ay nakabase sa karma ng isang tao, iyon ang dahilan kung bakit kailangan may kontrata. Siguro naman alam mo kung ano ang karma diba?" pagpapatuloy ni Rem. "Medyo? Iyon iyong madalas sinasabi ng mga bitter o may galit!" sagot ni James. Napangiwi tuloy si Rem sa kanya. "Ngak! Haiz, ang karma ay ang mga bagay na nangyayari sa atin base sa mga ginagawa natin. Kumbaga ito ang cause and effect thingy, may kakayahan ako na malaman kung anong cause ang dapat gawin para magkaroon ng certain effect. Iyong mga bagay na nakasulat sa kontrata ang mga dapat gawin para magkaroon ng effect na gusto mo. So, madalas hindi pare-pareho ang nakalagay sa mga contract, may madali at may mahirap base sa request." Iniangat pa nito ang daliri sa pagpapaliwanag na kala mo ay isang guro. "Ah, ganoon pala."  Napatango na si James habang napapakamot sa sintido, medyo naiintindihan niya naman ito ng kaunti pero sadyang magulo pa rin iyon para sa kanya. "Kahit ang mga simpleng galaw natin at kaway ay may epekto sa mga bagay-bagay," dagdag nito. "Ah, okay. Eh paano mo nalalaman kung anong gusto ko?" dagdag ni James, para kahit papaano malaman niya kung paano maiiwasan ang mind reading nito. "Nararamdaman ko, may kakayahan din ako na maramdaman ang gusto ng isang tao kaya doon ko nalalaman kung ano iyong madalas nilang hiling, kaso nga lang madalas iyong mismong tao nalilito sa kung ano ang gusto nila. Tulad mo! Ang gulo-gulo ng utak, hindi sigurado sa kung ano ba talaga ang gusto, kaya ang hirap tuloy ayusin ng hiling mo." Napasalubong na ng kilay si Rem sa kanya habang pinapaypay ang isang kamay sa mukha. "Huh, bakit ako?" turo ni James sa sarili. Mas lalo tuloy nagdikit ang kilay ni Rem sabay naningkit pa ang mga mata. "Hindi ba mahal mo si Trish?" Napalunok ng malalim si James sa biglaan pagkompronta ni Rem sa kanya, kung tutuusin naman totoo iyon pero sadyang nahihiya siyang ipangalandakan ang nadarama. "O… Oo, bakit?" balik niya. "Kung iyon pala ang nararamdaman mo, bakit hindi mo na lang sinabi na sana mabuo ang pagmamahalan sa pagitan niyo ni Trish? Nagpaligoy-ligoy ka pa tapos sasabihin mo gusto mo lang maging close." Busangot ni Rem sabay halukipkip. "May relationship siya noong mga oras na iyon, ayaw ko makasira sa relasyon ng ibang tao! At isa pa, hindi ba bawal iyon i-wish, dahil parang binabago mo iyong nararamdaman ng tao." madiin niyang sagot. "Sus! Bakit, tumagal ba relationship niya? At saan mo naman nakuha iyong bawal-bawal na iyan, sa mga fairy tail?” nang-aasar na sabi ni Rem na halatang nagpipigil ng tawa. “Sa sitwasyon mo hindi iyon impossible, kailangan lang talaga ng matinding effort, and in regards naman sa ibang bagay as long as kaya mong ibigay ang kapalit sa hiling mo, magagawa mo ang halos kahit ano. Uulitin ko, halos, meaning not everything. And baka itanong mo na rin. Yes, mayroon din naman rules na kailangan sundin, pero sa kasong ganoon, kami na mismo ang magsasabi if masyado ng out of this world iyong kahilingan at hindi namin magagawa.” tila nagsusulat na ito sa hangin habang nagpapaliwanag. “So, balik tayo sa iyo. Kung iyon ang hiniling mo noong mga oras na iyon, baka sana hindi umiiyak si Trish ngayon," bigla ng nanenermon ang tono nito nang muling bumaling sa kanya. "Sandali, eh bakit ngayon mo lang sinabi sa akin!" Maktol na napasabunot si James sa kanyang buhok. "Nagtanong ka ba?” busangot na pagtataas ni Rem sa kanya ng isang kilay. “Kailangan sa iyo mismo manggagaling iyon, kasi karma mo ang pinag-uusapan natin dito, at kapag sinabi ko sa iyo ng direkta ang dapat mong hilingin ay parang sa akin na nanggaling iyon at hindi sa iyo, gets? Parang tinaggalan na kita ng karapatan na magdesisyon para sa sarili mo. Kung ganoon din lang eh di sana ako na lang nagpatakbo sa buhay mo, get it, get it?" pagdidiin nito sa mga huling kataga na napaparolyo pa ng mga mata. "Uhm, medyo oo na hindi!" napapakamot na si James sa kanyang ulo dahil sa bahagyang pagkalito sa dami at bilis ng pagsasalita nito. Napahilot naman si Rem sa sintido. "Haiz, isipin mo na lang na para itong laro, ikaw ang player ako iyong computer, pwede kitang bigyan ng clue's para matapos mo iyong laro, pero hindi ko sa iyo ito pwedeng ipakita dahil ikaw ang naglalaro, kumbaga ano pang punto ng paglalaro mo kung i-a-automatic mo rin pala iyong game? Masasabi mo pa bang ikaw pa rin ang naglalaro?" punto nito. Napapikit na si James sabay mabilis na kamot sa kanyang batok. "Medyo nakuha ko na," iyon na lang ang isinagot niya dahil sa tila pagsakit sa kanyang ulo. Bigla niyang naisip na tanungin si Rem kung bakit siya tinutulungan, hindi naman kasi siya nakakasiguro sa paliwanag nito na natutuwa lang sa kanya.  Alam niyang may ibang agenda sa likod ng ginagawa nito. Ngunit nang binubuo niya na ang mga sasabihin sa kanyang isipan ay napansin niya ang mata ni Rem na sumesenyas na tumingin sa likod.  Agad niya na lang na sinunod ito at lumingon sa likuran, mula sa hindi kalayuaan ay nakita niya na si Brent naglalakad papunta sa kotse nito. Hindi niya namalayan ang takbo ng oras dahil sa tila bilis noon.  Magpapaalam na sana siya kay Rem pero nang tingnan niya ang kinalalagyan nito ay naglaho nanaman ito na parang bula. Pinalibot niya pa ang tingin sa paligid pero wala kahit anong bakas nito. Isinantabi na lang ni James iyon dahil nasasanay nanaman siya sa gawain iyon ng nagurang nilalang, naisipan na niyang lapitan na rin si Brent para komprontahin. Kahit buo ang loob ay hindi niya maialis sa dibdib ang matinding kabog dahil sa kaba, dahil baka maging madugo nanaman ang tagpo nila kung hindi niya pananatilihin ang pagiging kalmado.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD