Kabanata 8

2498 Words
Iyon ang bumabagabag sa akin noong mga nakaraang araw. Masiyadong mabait si Clyde Luna para sa ganoong problema at sa tuwing naiisip ko naman, wala ako sa posisyon para sabihin iyon sa kaniya dahil sa totoo lang, wala naman ako para sa kaniya. Sino nga ba ako? I am just a bartender that he just met. Tumunog ang cellphone ko sa isang videocall mula kay Ate Eloise. Sinagot ko iyon habang naghahanda ako para sa klase ko ngayong umaga. Gabi na sa Hawaii. Nasa apartment na siya. “Nagawa ko na ang letter na ni-re-request mo para sa reklamo. Hindi ko na rin sinabi kay Mama para hindi na siya mag-alala. Pero sana hindi na maulit ‘to, Karisa. Dahil sa oras na mapahiya ka na naman sa University na ‘yan i-pe-petition na talaga kita papunta rito.” banta ni Ate Eloise. Tumango ako. Nakalimutan ko na ang tungkol doon. Si Ate Eloise lang kasi ang pinagsabihan ko sa mga nangyari sa University kasi ayaw ko na maging over protective si Mama at mas papuntahin ako sa Hawaii. “Ate, hindi na kailangan. Nagbago na ang isip ko. Hindi ko na itutuloy ang reklamo.” sabi ko. Tumaas ang kilay ni Ate Eloise sa akin. “Ha? Bakit naman! Ikaw ‘tong napahiya sa buong university. Tinatakot ka ba ng pamilya?” tanong ni Ate. Huminga ako nang malalim. Sa tingin ko, hindi na mahalaga iyon. Sa totoo lang, ayaw ko rin na magkakaroon pa ng maraming pagkakaugnay sa amin ni Clyde Luna. Sa oras na mag-reklamo ako mas lalo lang liliit ang mundo naming dalawa. He will be invited by the university committee sa discussions. Sa huli, nakumbinsi ko rin si Ate. Kaya naman noong umaga, tumuloy na ako sa opisina ng Disciplinary Officer para i-withdraw ang reklamo ko laban kay Lianne Fortalejo. Pumasok ako sa trabaho ko sa restaurant ni Sir Royce. Hindi ako mapakali. Nahuli lang naman niya ako na nakikinig sa kanila ni Janiel. Nakalipas ang ilang oras, hindi pa rin naman niya ako pinapatawag kaya nakahinga ako nang maluwag. Natapos ang shift ko, at ngayon ay naglalakad na ako ulit pabalik sa University para sa isa ko pang klase na siyang huli na ngayong araw. Masaya ako dahil ako ulit ang may pinakamataas na marka sa block namin. Nakahinga ako nang maluwag, dahil hindi gaya ng mga nakaraan. Walang Clyde Luna na nandoon sa bar. Naglinis ako at naghanda na para sa panibagong gabi. Nagsidatingan ang mgatao pasado alas-onse ng gabi. Natanaw ko na naman si Agape Luna na nasa mga sofa at may mga babae na namang kausap. Sa kanilang tatlo, siya ata ang pinakamadalas dito. At gabi-gabi, ibang babae ang kasama niya. “Miss, jim beam…” sopistikadang sinabi ng kadadating lang na babae. Tumingin ako sa kaniya at tumango. “Right away, Ma’am.” sagot ko at kinuha ang bote ng jim beam para salinan ito. May mga babae pang dumating at bineso ang babaeng nasa harap ko. Nakaugalian ko na ata na pagmasdan o ‘di kaya ay pakinggan ang mga storya ng kanilang buhay. “Gracie! You are back.” sabi ng isa sa mga babae. Ngumisi ang babae at pinakita ang kaniyang shot. “Feel free to drink with me. My treat!” sabi niya. Umupo naman ang mga babae at agad ko silang binigyan ng mga gusto nila. Magaganda sila. Halatang hindi trying hard at talaga namang mapapalingon ka kapag sila ang dumaan. They are now talking about abroad trips, mga branded bags and clothes. “I heard you’re here to marry? Si Silvestre ba ulit?” tanong ng babae. Tumawa ang babae at nagkibit-balikat. “I am not even sure if he’s ready to see me, Mariott. I can still remember how I left him. Let’s see when we get there.” sabi niya at tumawa. “Oh, I bet he’s going to get down on his knees. Have you seen yourself on the mirror, Graciella? You’re outdone your last appearance when you left.” sabi noong Marriot. Tumawa si Graciella at straight na ininom ang kaniyang shot. “Stop. Have you seen Silvestre, too? He’s too stiff and different. I don’t think he’s still the same Silvestre before.” sagot naman niya. I can see sadness in her eyes. Nagkatinginan naman ang dalawang babae at pinilit na ibahin ang usapan. Nagtagal sila ng isang oras bago binigay noong babae ang card niya sa akin. I smiled at tinanggap iyon. I read the name engraved on the card. Graciella Reign Fajardo. Binalik ko iyon matapos siyang magbayad. Napansin ko na pumunta siya sa dance floor para magsaya kasama ang mga babae. Kung ganoon, she’s Graciella? Maganda. Halatang tipo ng mga kagaya ni Silvestre. Umiling ako at inabala sa ibang bagay ang sarili. Pagod na pagod ako habang nakasakay sa service. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako at nagising lamang ng tapikin ni Hubert ang pisngi ko. Siya kasi ang katabi ko sa service. “Gising na, Kari. Dito na tayo sa kanto niyo.” sabi niya. Tumango ako at naghanda na sa pagbaba sa van. Naglakad ako hanggang sa apartment ko. I sighed ang opened it. Malapit na mag-alas kuwatro ng umaga. Kailangan ko na makatulog dahil mamayang alas-siyete lang, may klase na ako. Humiga agad ako sa kama at nakatulog din naman agad. Kahit na inaantok pa, pinilit kong bumangon. Pagkarating ko sa school, may isang lalaki ang humarang sa akin. Hindi ko pa siya kailanman nakikita. Mukha rin namang hindi dito nag-aaral dahil una sa lahat, mukha na siyang matanda para mag-aral pa. “You are Karisa Santos, right?” tanong niya. Tumango ako. Paano niya ako nakilala? “I’m Luis. Luis Fortalejo? I’m Lianne’s brother.” pakilala niya. Nag-iba ang timpla ko. Ano na naman ba ito? Mahigpit kong hinawakan ang aking bag at tiningnan siya ng diretso. “Ano ang kailangan niyo?” diretsa kong tanong. Naramdaman niya siguro ang pagiging alerto ko, tinaas niya ang dalawa niyang kamay. “I am here to thank you. I heard na iniurong mo ang reklamo kay Lianne. I just want to sincerely thank you for doing that.” sabi niya. Mukha namang sincere siya sa kaniyang sinabi. Huminga ako nang malalim at magalang na kinausap siya. “Sa tingin ko, hindi ikaw o si Clyde ang magbigay ng pasasalamat sa akin. Lianne saying her thank yous would be enough.” matapang kong sabi. Tumango siya at ngumiti sa akin. “Yeah. She’s really ashamed and I think she’s building courage to do it.” sabi niya. Lumunok ako at tumango. “May klase pa ako. Mauuna na ako, Luis.” saad ko at hindi na siya hinintay na magsalita. Inalis ko sa isipan ko iyon. Hindi na pumapasok si Lianne sa klase kung saan pareho kaming irregular. Naiintindihan ko iyon. Pinahiya niya kaming dalawa at wala na rin naman akong balak pa para hanapin siya. Tulala ako habang nagpupunas sa restaurant dahil nariritong muli si Janiel kasama ni Sir Royce. Ano ang nangyari sa sinabi niyang kailangan nang itigil? Siniko ako ni Alice, ang kasama ko. “Karisa, bilisan mo naman. Halos sampung minuto ka na diyan. May naghihintay ng table.” saway niya. Naibalik ako noon at tinapos ang paglilinis. Hindi ko dapat masiyadong isipin iyon dahil buhay iyon ng iba. Hinihiling ko na sana, wala ako sa sitwasyong ito. Gusto kong magmura lalo na at nakita ko na naman si Silvestre at Clyde sa bar noong gabing iyon. Gaya ng dati, sa bar na naman sila tumambay. Malaki ang ngiti si Clyde sa akin habang tango lang ang ginawad ni Silvestre sa akin. “Good evening, Karisa.” bati niya. “Good evening, Sir.” pagbati ko. Nag-order sila ng isang bote ng whiskey. Pinagsilbihan ko ang ibang customer. Pagbalik ko, masinsinan ang pinag-uusapan nilang dalawa. “Janiel’s been distant, Sil. I think she’s having wedding jitters.” sabi ni Clyde. Gusto ko namang bitawan ang hawak na baso pagkarinig ko noon. Pinaikot ni Silvestre ang kaniyang baso at umiling. “It will fade, Clyde. Give her time to adjust.” payo ni Silvestre. Lumiit ang mga mata ni Clyde. “I think she’s having doubts about us. Hindi ko alam kung ako lang ba o may tinatago siya.” aniya pa. Tumingin siya saglit sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin at nagkunwaring nagtitingin ng mga stock. Medyo humina ang boses niya. Siguro, gusto niya na maging pribado ito. Silvestre sighed and looked at me. “Karisa, prepare a VIP room for us.” utos niya. Tumango naman ako at kumaway kay Marcus para tawagin siya at sabihin iyon. Sinundan ko sila ng tingin papunta sa second-floor kung saan located ang mga VIP Rooms. I sighed and shook my head. Si Janiel ang dapat namomroblema, pero bakit parang pati ako? Am I genuinely caring for Clyde? Dahil ba mabait siya sa akin? I looked at the shoes I am wearing. “Kari, magdala ka ng isang bucket na beer sa Room 4.” tawag ni Hubert na may mga dalang alak. Tumango ako at hinayaan muna ang isa pang bartender dahil wala pa namang order doon. Nagdala ako sa VIP Room 4. Sinara ko ang pintuan matapos iyon, at the end of the hall, nakita ko si Clyde na hindi mapakali habang nakatingin sa kaniyang cellphone. “Baby, let’s talk. I will go there, okay? We do not have to fight… come on.” sabi niya sa banayad na boses. Huminga siya nang malalim at nakikinig sa kaniyang telepono. “What? No? Therese is just a friend. You know that. We had this talk before, Janiel. Do not bring this up.” sabi ni Clyde. Kahit na gusto ko pang making. Sa tingin ko, hindi na tama iyon. Bumaba na ako agad bago pa niya ako makita. Hindi ako nakatulog pagkauwi ko. Inabutan na ako ng umaga sa aking kama. Humihikab ako sa klase. Gusto ko man na matulog muna dahil ilang araw na rin akong pagod at puyat, hindi ko magawa. Dumiretso pa rin ako sa trabaho ko kay Sir Royce. Naghilamos ako para magising ng kaunti. Medyo nahihilo na ako pero kailangan kong tiisin. Malaki rin kasi ang tip sa bar kaya mahirap na kung hindi ako makakapasok. Nagtagumpay naman ako sa ginagawa ko at natapos ko ang pinakahuling klase kahit walang tulog. Pumara agada ko ng jeep papunta sa bar. Nandoon na sina Marcus, at Hubert. Tumulong ako sa paglilinis hanggang sa magbukas na kami. Kinakabit ko ang apron ko. Muli kong naramdaman ang pagod at antok sa kalagitnaan ng shift. Umiling ako at isinubo ang isa sa mga yelo roon. I am playing the cube using my tongue nang makarinig ako ng ingay mula sa dancefloor. There, I saw Clyde holding his cousin, Agape. Inaawat niya ito dahil may kasuntukan itong bar goer. Lumapit ang mga bouncer. Nagmamadali akong lumapit sa kanila. “Forget it, Agape! Let’s go home, man!” sigaw ni Clyde at tinulak si Agape papalabas ng bar. Tinulungan naman ng ilang bouncer ang lalaking sinapak ni Agape. “Naiwan ata ito nina Sir,” sabi noong bouncer at pinakita ang isang cellphone. Kinuha ko iyon. “Ako na bahala, Kuya. Kilala ko si Sir. Habulin ko lang sa labas.” sabi ko at tumakbo na papalabas. Dumiretso ako sa parking lot. Naabutan ko roon sina Clyde at Agape. Nagmumura si Agape habang pinupunasan ang kaniyang gilid ng labi at si Clyde na nakabantay kay Agape at parang pinagsasabihan ito. Tumikhim ako. Napalingon sa akin si Clyde. “Karisa?” tanong niya. Mahigpit kong hinawakan ang cellphone at humakbang ako pero sa bawat hakbang ko, lumalala ang hilo ko. Pakiramdam ko, nawawalan na ako ng balanse. Nakumpirma ko iyon ng itaas ko ang cellphone sa direksyon nila. Agape and Clyde was watching me. “N-Naiwan n-niyo ‘yong—” “Karisa!” sigaw ni Clyde. Tuluyan nang naputol ang sasabihin ko dahil nagdilim na ang paningin ko at naramdaman ko na lang ang likuran ko sa malamig na semento. Nagising na lamang ako na nasa isang magarbong bahay na ako. Una kong napansin na nasa isang kuwarto ako na parang hotel ang hitsura. Agad akong napabalikwas at nakaramdam ng hapdi sa braso ko. Mayroong IV fluid na nakalagay sa akin. Naalarma ako roon at sumigaw. “May tao ba diyan? Nasaan ako?” Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Agape Luna. Hindi siya tuluyang pumasok at sinandal lang ang kaniyang katawan sa hamba bago lumingon sa labas. “Dude, she’s awake.” sabi nito sa kung sino. Dumungaw na rin si Clyde at ang pinsan nilang kung hindi ako nagkakamali ay si Nera? Iyong babae sa bar. Nakangiti ito sa akin habang seryoso naman si Clyde. “How are you feeling?” tanong ni Nera at kumuha ng stethoscope para ilagay sa katawan ko. Napansin ko na iba na rin ang damit ko. “Nasaan ako? Ano ang nangyari?” tanong ko. Ang huli kong naalala, nasa parking lot kami. “You fainted. You experienced over fatigue. You should rest.” sabi ni Nera. Hindi naman nagsasalita si Clyde at hinintay na matapos si Nera. Niligpit ni Nera ang gamit niya at ngumiti ulit sa akin. Tinapik niya ang balikat ni Clyde. “She’s good. But still, she needs to rest the whole day. Nag-iwan ako ng mga meds sa table. Make sure she takes it. Sige na, mauuna na ako at may pasok pa ako.” Nera said and glanced at me, “Nice meeting you, Karisa.” Agape went out with Nera. Naiwanan kaming dalawa ni Clyde doon. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Clyde at nagsalin ng tubig para makainom ako. Tinanggap ko iyon at ininom. “Nasaan ako?” tanong ko. “One of Agape’s condo.” sagot niya. Bumangon ako. “Aalis na ako. Magaling na naman ako. Nakakaabala rin ako.” sabi ko at inalis ang kumot ko pero binalik ni Clyde iyon. His face is screaming concern. Huminga siya nang malalim. “Rest, Karisa. Huwag ka munang mag-isip.” utos niya. Hindi ako nakinig. Hinanap ko ang damit ko at natagpuan iyon na nakatupi sa isang upuan. Kinuha ko ito. “Magaling na ako,” sabi ko na lamang. “You fainted and you scared the hell out of me.” he confessed. Natigilan ako. Something inside me, jumped. Hindi ko maintindihan kung bakit. “Ha? Bakit naman?” hindi ko maiwasang maitanong. He looked at me, straight. “You are a hardworking and an impressive lady, Kari. You’re a friend to me and I am genuinely concern for you.” Clyde said. Nanatili lang akong nakatitig sa guwapo niyang mukha. Hindi ko alam kung si Clyde Luna ba talaga ang kausap ko o isang santo na? “I heard from your friend, Hubert, that you’re working two jobs every day. I want to help you. Sit down. I have a proposition for you.” pagpapatuloy pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD