Kabanata 7

1809 Words
Magara at talaga namang mukhang mamahalin ang mga tao ngayon sa bar. Napagpasiyahan kasi ni Clyde Luna na rentahan ang bar ngayong gabi para sa celebration ng kaniyang engagement. Halos lahat ng kilalang tao, naririto. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga katrabaho ko dahil may ilang artista at modelo ang nandito. Oo. Engaged na si Clyde Luna sa long-time girlfriend niya. Nakita ko siya kanina pero ang fiancèe niya, hindi ko man lang nasulyapan dahil sa kapal ng tao. Pero sigurado na ako na maganda at galing sa mayamang pamilya. Iyon lang ang nakikita kong nababagay sa kaniya. Pinunasan ko ang alak na natapon ng isang babae sa counter. Wasted na ang mga tao ngayon sa bar. Tiningnan ko ang relo at nakita na alas tres y media na ng madaling araw. Tumatawa si Hubert at Marcus dahil sa nakita nilang naghahalikan na sa dancefloor. “Grabe, pare. Ang wild talaga ng mga mayayaman.” sabi ni Hubert at kulang na lang ay video-han ang sinumang tinutukoy nila. Kinunot ko ang aking noo at sinipat iyon. Nakita ko si Silvestre Luna, kasama ang isa sa mga kaibigan ni Clyde na naghahalikan na sa dancefloor. Both looked drunk at wala nang pakialam sa paligid. Masiyado nang lumalalim ang halikan nila at sa tingin ko, anumang oras ay mahuhubadan na nila ang isa’t-isa. “Magtrabaho na nga kayong dalawa. Kapag nakita kayo ni General Manager, malalagot na naman kayo.” pagsaway ko sa kanila. Tumawa sila at sinunod naman ako. Nang mawala sila sa tabihan ko, binalik ko ang tingin kina Silvestre pero wala na sila sa dancefloor. Lumingon ako sa paligid para hanapin sila pero wala na. May lumapit sa aking babae at umupo sa counter. Maganda siya at talaga namang nakakamangha. Nakayakap ang braso ng kasama niya sa kaniyang baywang. “Miss, isang piñacolada.” she ordered with a smile. Ngumiti ako at sinunod iyon. I was mixing her drink. Mukhang kararating lang niya. She’s still sober at hindi pa siya pawisan. Nag-uusap silang dalawa ng kaniyang sa tingin ko, ay asawa dahil pareho silang may singsing bukod sa diamond ring na suot ng babae. “Clyde must be f*****g crazy. Getting engaged without the elder’s approval? He’s really creating a problem here.” sabi ng babae at umiling. Nakuha noon ang atensyon ko. So, she’s Clyde’s relative too? Ngayon ko lang siya nakita. “Miss, give me a Vodka Martini.” anang kaniyang asawa. Nilingon nito ang kaniyang asawa. “Nera, calm down. Malaki na si Clyde. At alam niya ang ugali ng pamilya mo. I bet alam niya ang ginagawa niya. Come on, you should just drink the night away.” saad nito sa kaninang sinasabi ni Nera. “Michael, I cannot. Alam mo naman ang kalagayan ni Lola Gemma. Sasama ang loob noon sa ginawa ni Clyde. He should be sensitive about Lola’s condition lalo na at paborito siya. I will kill Clyde if something happens to her.” aniya at hinilot ang sentido. Dumating si Agape Luna sa counter na mayroon nang kaakbay na babae. He’s drunk and obviously touchy. Automatic na napatingin si Nera at ang asawa nito. “Oh hey, cousins!” he greeted and kissed Nera na umiwas sa kaniya at nagawa pa siyang itulak. “Don’t kiss me. Hindi ko alam kung saan dumapo ‘yang mga labi mo, Aga.” she warned and looked at the girl, “No offense, Miss.” she said to her. Mukha namang sobrang kapit na kapit na ang babae kay Agape at wala nang pakialam sa sinabi ni Nera. Umirap siya sa reaksyon ng pinsan niya at nag-fist bump na lang sa asawa ni Nera. “Where’s Clyde?” tanong ni Michael. Umiling si Agape. “I don’t know. It’s his night. So he’s probably busy with everyone?” he answered and looked at me. “Si Sil?” tanong ni Nera, ulit. “Come on, Nera. Hindi ako babysitter ng mga ‘yon. Saka kumalma ka nga, malalaki na sila. You’re not required to look after us. Just enjoy the night with your husband. Maybe get drunk and have a romantic s*x with Michael after?” maloko niyang suggestion. Nera smacked the back of his head and Michael just smirked. He caressed his wife’s arm and whispered something on her ear. Ngumiti si Agape sa akin nang mapansin na nakatingin ako sa kanila. “Kari, tama ‘di ba?” he asked. Tumango ako sa kaniya. He smiled and pointed at the bottle behind me, “Can I get a bottle of that? Clyde will pay all of the cost tonight right?” tanong niya ulit. Gaya ng kanina tumango ako. Ang instructions sa amin, ilista lang kung ano ang mga na-order sa gabing ito at bahala na si Clyde Luna na bayaran ito. Ganoon ka-bongga ang engagement party niya. Wala naman akong magawa kung hindi ang sumunod sa pinsan niyang si Agape. Umakyat ako at binigay ang alak na hinihingi niya. “Sweet! Thank you, Kari.” Ngumiti lamang ako at bumalik na sa paglilinis ng mga gamit sa bartending. Umalis naman si Agape kasama ang babae. Umiling si Nera sa pinsan niya. “Ang spoiled talaga ng mga ‘yan.” bulong niya. Tumawa ang asawa niya at sumang-ayon. Ganoon ang naging set-up nila hanggang sa napagpasiyahan nilang umuwi matapos ang ikatlong shots nila. Pinanood ko silang umalis. Nakita ko na ang mga magpipinsang Luna maliban kay Clyde. Mula kasi nang mag-umpisa ang party, nawala na siya. Hindi ko nga rin man lang nasilayan ang fiancee niya. The bar closed after two more hours. Naatasan ako at si Marcus na maglinis ng VIP rooms. Nanglaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga underwear ng ilang babae na nakakalat doon. Kahit na may suot akong gloves, nandidiri kong nilagay iyon sa trashbag. Nag-disinfect ako ng mga sofa at mesa. Si Marcus naman, nakatagpo ng bra at mga gamit na condom. Wow. Sobrang liberated nila at hindi man lang nag-abala na maghanap ng hotel? Hindi ko lubos na maintindihan ang mga mayayaman. Nasa kanila na ang lahat ng pera but the fact na pati underwear nila maiiwan nila pagkatapos noon? Pagod na pagod ako pagkauwi. I tried my best to sleep dahil mag-start na rin ako sa bago kong part-time mamaya. Kailangan hindi ako magkamali agad doon kung gusto kong magtagal sa trabahong iyon. Mabilis akong pumunta roon pagkatapos ng klase ko. Sinalubong ako ng babae sa counter para sa uniporme at timecard ko. “Nasa may pintuan ng opisina ni Sir ang time card machine. I-record mo muna ang time in mo tapos lagyan mo ng pangalan at ibigay ulit sa akin.” utos niya. Tumango ako at sinuot muna ang unipormeng apron maging ang nametag ko bago tumungo sa opisina ni Sir Roce. Pinakain ko ang card sa machine nang marinig ko ang mga boses sa loob. “We cannot stop this now.” boses iyon ni Sir Roce. “No. We should, Roce! I am marrying him in few months. We cannot keep this affair. I cannot lose him.” sagot ng tinig ng isang babae. Tumaas ang kilay ko. Sir Roce is having an affair? Nagmamadali kong kinuha ang timecard dahil hindi ko makayanan na marinig iyon at sa tingin ko ay pribadong usapan ito. “At ako? Are you not even afraid that I will find a girl someday? Alam kong mahal mo pa ako, Janiel! You don’t love him anymore!” sigaw ni Sir Roce. Janiel? I heard it before. Naputol ang pag-iisip ko when the door suddenly opened at lumabas doon ang babae. Pulang pula ang mukha niya at mukhang anumang oras ay iiyak na ito. Nagkatinginan kami. Saglit siyang natigil pero sa huli ay binangga ako para makalabas siya. Sumunod sa kaniya si Sir Roce na galit na galit. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. Agad na gumapang ang kaba sa akin. “N-Nag-time-in lang po ako, Sir.” saad ko pero hindi niya ako pinansin at lumabas na rin siya. Saka ako nakahinga ng maluwag matapos noon. Lumilipad ang isip ko ng mga nakaraang oras sa tuwing nababakante ako. Alas singko na ng hapon nang magbihis ako ng aking damit at didiretso na sa bar para sa panggabing trabaho. Pumara ako ng jeep. Hindi ako mapakali kaya naman kinuha ko ang aking cellphone para mag-search sa internet. I typed, ‘Clyde Luna’ sa search bar at lumabas naman doon ang iba’t-ibang article. Binasa ko ang article na iyon. Businessman, Clyde Luna, from the tycoon family of Luna, is now engaged to his long-time girlfriend, Janiel Serrano. Halos mapamura ako dahil sa mga picture na naroon. It was him and the crying girl from Sir Roce’s office! Kaya naman pala pamilyar ang pangalang Janiel! Because it’s his fiancee! At may affair sila ni Sir Roce? Dumaan ako sa backdoor ng bar at agad na nagpalit ng damit. Lumabas ako sa bar area at nadatnan doon si Clyde Luna at ang General Manager. Sara pa ang bar at tanging siya lang ang customer sa loob. Nag-aayos pa lang kasi kami para mamaya. May makapal na papel sa harapan ng General Manager at may kaharap itong laptop. Si Clyde naman ay nakaupo at hawak-hawak ang isang itim na card. Mukhang binabayaran niya ang lahat ng kagabi. He handed him his card. “Sir Clyde, One million Five-hundred thousand pesos po.” Pinakita ni General Manager ang listahan. Tumango si Clyde na para bang wala lang ang halagang iyon. Hindi lang ako ang napatingin sa kanila. Maging ang mga kasama ko sa trabaho ay ganoon din. Halos dalawang milyon para sa party? Sino ang matinong gagastos noon. Napatingin sa akin si Clyde. Ngumiti siya agad. Tumango ako at nagkunwaring nag-ma-mop ng sahig. “Kari, napagod ka ba kagabi sa dami ng tao?” he asked. Nagulat ako sa bigla niyang tanong. Tumingin ako sa kaniya at tumango. “O-Opo.” iyon lang ang nasagot ko. He smiled and nodded at me. Tumikhim naman ako at nagpatuloy sa pagma-mop ng sahig. “Hans,” tawag niya sa General Manager, “Make it Two Million. Divide the half a million peso to you and all the staff last night. That’s my token for making my engagement party flawless.” Napatingin ako sa kaniya. Tuwang tuwa ang mga kasama ko pero hindi ako mapakali. Panay ang pasasalamat nila kay Clyde dahil malaking halaga iyon. Clyde just thanked them. Tumigil ang tingin niya sa akin. He smiled softly. “S-Salamat, Sir.” I said and thanked him like everyone did. Tumango si Clyde. “No worries. Sa Bachelor’s party ko, dito ulit.” he said that made everyone cheered. Lumunok ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mayroong pakiramdam sa akin ang parang hinahalukay ang tiyan ko. Paano ko sasabihin sa kaniya na nag-che-cheat ang fiancèe niya sa kaniya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD