Kabanata 9

1739 Words
Umupo ako sa harapan niya. Seryosong nakatingin sa akin si Clyde. Hindi naman ako gumalaw o kung anuman. "I called my fiancée. She can squeeze you in. Besides mayroon ka nang experience on being barista—" "Salamat sa offer pero hindi ko matatanggap ang trabaho na inaalok mo." sagot ko. Kinurot ko ang sarili at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam ang sasabihin dahil una, it would have been awkward to work for his cheating fiancée. Tumaas ang kilay niya. "Why? Janiel's coffee shop has too many opportunities. Malapit sa school, flexible ang time. Maganda rin ang health and life insurance benefit doon. You do not have to work at night. Mayroon ding extra-allowance kapag working student.” sabi niya. Saglit akong napaisip. Kung totoo ang sinasabi ni Clyde, sobrang ginhawa noon para sa kaniya. Ang trabaho niya kasi sa bar, halos sa tip lang ng mga customer bumabawi. Pero imposible na makapagtrabaho pa kay Clyde. Nakita na ni Janiel ang mukha niya. At siguro sa oras na magkaharap sila, ito pa ang tumanggi na tanggapin siya sa trabahong iyon. Ngumiti siya kay Clyde. Hindi niya alam kung bakit siya tinutulungan ni Clyde. Kung tungkol ito sa nagawa ng pinsan niya, matagal na siyang nakabayad. Bumili siya ng sapatos, nilinis niya ang pangalan ko, nagkaroon kami ng bonus mula sa kaniya at higit sa lahat, ngayon. Hindi niya ako pinabayaan noong mag-collapse ako. At tama na siguro ang abalang naidulot ko sa kaniya. Ngumiti ako. “Okay na, Sir. Hindi na kailangan. Okay na naman po ako sa trabaho ko sa bar at sa restaurant. Masama lang talaga po ang pakiramdam ko kaya siguro ganito. Salamat na lang po sa offer niyo, Sir Clyde—” “Just call me, Clyde. Wala ka naman sa bar. Kapag nasa labas tayo, I would like if you will call me by my name.” pagputol niya sa anumang sinasabi ko. Tumango ako. “S-Sige.” sagot ko. Ngumiti si Clyde sa akin at huminga nang malalim. Pinapanood ko lamang siya. Kumuha siya ng wallet mula sa kaniyang bulsa at may kinuhang card doon. He handed it to me. Isang calling card iyon. Binasa ko ang pangalan niya. Clyde Harris Luna Vice President for Operations Luna Group of Companies, Inc. “I won’t close my door, Karisa. If you change your mind, you can call me on that number.” sabi niya. Tumango ako at nilagay iyon sa bag ko. “Rest. Kapag naubos na ang IV mo, Agape will take you home. I want to drive you but I have to see the wedding venue with Janiel.” he said. Lumabas na siya. Wala naman akong nagawa kung hindi ang magpahinga. Gaya ng sinabi niya, natapos ang aking IV. Ayos na rin ang pakiramdam ko. Nag-ayos na ako ng sarili. The door opened at naabutan ako ni Agape na nakatuwad dahil inaayos ko ang kama niya. Sumipol siya at sumandal sa pintuan gaya noong ginawa niya kaninang umaga. Mabilisan akong tumayo at tumingin sa kaniya. “I would like to comment that you have a nice butt but I promise my cousin to keep my comments to myself.” aniya at ngumisi. Umiling ako. “Leave the beddings. Mayroon namang househelp for that. I will take you home.” utos niya. Sumunod na lang ako. Malaking condominium unit iyon. May dalawang kuwarto at mukhang panglalaki talaga ang unit. Gusto ko magkumento pero hindi naman kami ganoon magkakilala kaya tumahimik ako. Isang itim na SUV ang sasakyan niya. He’s driving. Maya’t-maya ang vibrate ng kaniyang cellphone na nasa dashboard. Sinulyapan ko iyon at nakita ko na puro numero lang iyon. Iba-iba ang mga numero, sigurado ako roon. Hindi niya sinasagot iyon. Palimang beses na, kaya naman hindi ko na natiis. “Hindi mo ba sasagutin ang tawag?” tanong ko. Nilingon niya ako at tumawa na parang joke iyon. “Nah. It’s not even important.” sagot niya. Tumaas ang kilay ko at nag-iwas na lang ng tingin. Pinanood ko na lang ang mga sasakyan na papunta sa kabilang direksyon. But in just a minute nag-vibrate iyon at iba na namang numero. “Sa tingin ko, kailangan mo ‘yang sagutin. Emergency ata.” saad ko. Humalakhak si Agape at kinuha ang cellphone niya. “These are the girls from bar. I don’t answer, Karisa. For sure, they knew about it.” he boasted. Huminga ako nang malalim at hindi pa rin sumagot. Umiling si Agape at himalang sinagot ang tawag. He motioned me to shut up. “Babe,” malanding boses iyon. Nagkatinginan kami. Mas lumaki ang ngiti niya. I sighed. “I want to see you. I am free tonight. My parents are not home. We can have s*x on the pool again—” Naputol ang tawag dahil binaba na iyon ni Agape. Tumawa siya habang ako ay hindi naman makapaniwala. “See? Let’s stop here.” aniya at tinapon ang kaniyang cellphone sa backseat. Na-trauma ata ako roon. Hindi ko inakala na ganito ang mga Luna. Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa kanto kung saan ako bababa. “Dito na lang, Agape.” sabi ko pero hindi siya tumigil. Lumiko siya at pinasok ang kaniyang sasakyan. “I will drop you off. Baka patayin ako ni Clyde kapag pinaglakad kita.” Kumunot ang noo ko. Hindi naman mapanganib dito. Pero ang problema, maraming tambay at sa gara ng sasakyan niya baka mapag-trip-an siya. “Huwag na. Delikado dito.” pagtanggi ko. Hindi nakinig si Agape. Napapatingin ang mga tambay sa sasakyan niya. May ilang gustong lumapit. Napakagat labi ako nang matanaw ko ang lumang apartment building kung saan ako umuupa. “Dito na lang talaga, Agape. Mag-ingat ka sa mga tambay diyan.” bilin ko noong tumigil siya. Kumindat si Agape. “Don’t worry about me. I know my way around here. Sige na, I will watch you go inside your apartment before I go. I need to make sure for Clyde.” sabi niya. Naguguluhan akong tumango. Medyo may pagka-hiwaga talaga ang mga Luna. They’re kind of nice and dangerous at the same time. Kaya mahirap magtiwala. Naglakad na ako papasok sa building. Umakyat na ako sa hagdanan at aksidente kaming nagkabanggaan ng babaeng humahangos pababa. “Sorry,” sabi niya. Nakapantulog na ito at nahulog ang dala-dala niyang paperbag. Pinulot ko ang coat na nahulog doon. Ngumiti naman siya sa akin at nagtatakbo na papalabas. Maglalakad na sana ako, nang mapansin ko ang susi niya na nasa sahig. Pinulot ko iyon. May keychain iyon na name tag. Cristy. Iyon ang pangalan doon. Nilingon ko ang pintuan at mukhang hindi ko na siya maabutan dahil nagmamadali siya kaya naman binigay ko na lang iyon sa landlord. Nakatulog agad ako. Totoong pagod na pagod ako. Mukhang tinawagan ni Clyde ang General Manager dahil nag-message ito na mag-leave muna ako ngayong gabi. I woke up late. Thirty minutes na lang at klase ko na kaya agad akong naghanda. Tumakbo ako pababa. Hindi gaya ng mga normal na araw na naglalakad ako papunta sa school, napilitan akong mag-book ng ride para umabot sa klase. Buzzer beater ako. Basang basa ng pawis pero agad ding nakahinga nang maluwag. Isang araw na sa trabaho ang nasayang ko kaya naman kailangan kong pumasok ngayon sa restaurant ni Sir Roce. Hindi rin ako nakapagpaalam sa kaniya. Maaga ako at kinausap ang staff. Wala raw si Sir Roce simula pa kahapon ng umaga kaya hindi siya na-notify na wala ako. “Huwag na lang mauulit kasi na-sho-short staff ang restaurant. Lunch time pa naman.” sabi ni Delilah. Tumango ako. “Pasensiya na. Hindi na mauulit.” paghingi ko ng dispensa. Nagtrabaho ako at nang matapos ang shift, naglakad na ulit ako pabalik sa University. An SUV honked behind me. Nilingon ko ang pamilyar na sasakyan ni Clyde. Bumaba ang bintana noon at nakita ko si Clyde sa driver’s seat. Sa tabihan niya, si Janiel na nag-angat ng tingin sa akin. Nagtama ang paningin namin. Bakas ang gulat sa akin pero sa kaniya, wala man lang siyang reaksiyon. “How are you feeling?” tanong ni Clyde. Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Tumango ako. “Oo. S-Salamat nga pala sa inyo ni Agape.” sagot ko. Ngumiti si Clyde. “We’re gonna pass by your school. Hop in.” alok niya. Umiling ako at ngumiti ng tipid. “Huwag na. Fifteen minute walk na lang naman—” “No. We insist. I heard from Clyde na nahimatay ka. Come on, ihahatid ka na namin.” Janiel said. Natigilan ako. She’s smiling so sweetly at me. Hindi ko maiwasang makiramdam sa reaksyon niyang iyon. Clyde insisted, too, Wala na akong nagawa kaya naman tinanggap ko na iyon. Hindi naman tatagal ng sampung minuto ang drive. I could just pretend. “I am Janiel. Clyde’s future wife.” she introduced herself. Ngumiti ako. Nilingon niya ako at nag-offer ng kamay sa akin. “Karisa, right?” tanong niya pa. Tumango ako at tinanggap ang kamay niya. Malambot ang palad niya, halatang hindi nakaranas ng paghihirap. “O-Oo.” sagot ko. Huminga ako nang malalim. Clyde doesn’t seem to mind. Hindi niya ba ako nakikilala? “Babe, siya ‘yong ni-recommend ko remember? She’s the bartender at the bar on our engagement night party.” dagdag pa ni Clyde. Tumango si Janiel at mas lumawak pa ang ngiti sa akin. “So, when are you coming to my coffee shop? You can start anytime you want. Here, give me a call.” sabi niya at nag-abot ng kaniyang calling card. Tinanggap ko iyon at binasa. Janiel Severio. CEO, Coffee Break Corp. I sighed. “Give her time to think, Babe.” Clyde patted his fiancée’s cheek. I bit my lower lip. Tumingin si Janiel sa akin mula sa rear-view mirror. Nag-iwas naman ako ng tingin. The car stopped at the University’s gate. Mabilisan kong binuksan iyon. “Salamat.” I said and smiled at them. Kumaway si Clyde. Janiel flashed her sweet smile at me. “Please, come to my shop. I really need a good barista since I lost one.” aniya. I bit my lower lip. “P-Pag-iisipan ko.” sagot ko. Janiel nodded and waved her hand to me. “See you around, Karisa.” Pinanood ko ang sasakyan nila na mawala sa paningin ko. Huminga ako nang malalim. Did she really forget my face that easily?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD