“Why are you being like this, Karisa?” tanong ni Clyde.
Lumunok ako.
“Bakit sobrang bait mo sa akin? Naaawa ka ba?” tanong ko, hindi mapigilan ang pag-asim ng tono.
Umiling si Clyde at kumuha ng tissue para ibigay sa akin.
“I’m sorry if you are thinking that I pity you, Karisa. But that is not what I meant. I am genuinely worried about you.” sagot niya.
Kinuha ko ang tissue at pinunasan ang mga luha na namumuo sa mga mata ko. Kahit na iyon ang sinabi niya, hindi ko pa rin makuhang maniwala. Ilang buwan pa lang simula nang magkakilala kami, at concerned na agad siya sa akin?
“Why are you worried about me?” tanong ko ulit.
Huminga nang malalim si Clyde at umupo sa paanan ng kama. Marahan siyang tumingin sa akin.
“I can see you as a sister. I grew up in a family where women are always being protected and respected. And I don’t see anything wrong with that. I know that you’re alone and your family isn’t here and you do not have someone to lean on at times like this.” pagpapaliwanag niya.
Lumunok ako. Marahan at nakikiramdam ang tono niya. Bigla akong nakaramdam ng mainit na humahaplos sa kalooban ko.
His voice is soothing and calming. Napaka-sinsero ng kaniyang pananalita.
“Lumaki ako na walang kapatid. Unlike Agape and Silvestre, I don’t have any sibling, Kari. I genuinely cared for you like a sister or a friend dahil magaan ang loob ko sa’yo.” sabi niya.
Tumango ako.
Hindi ako makapagsalita. Sa lahat ng tulong na nagawa niya, nakuha ko pang sigawan siya. And I felt really bad about it.
Hindi na nasundan ang usapan dahil bumukas na ang pintuan, pumasok doon si Nera at Agape. May mga dala silang plastic.
“Nakabili na kami ni Agape ng dinner. We’ll just prepare para makakain na tayo.” sabi ni Nera.
Curious siyang tumingin sa aming dalawa ni Clyde. Yumuko ako at pinunasan ang gilid ng mga mata ko.
“Thanks, Nera. We will follow in a few.” sagot ni Clyde.
Saglit pang tumitig sa amin si Nera. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Instead, she just nodded and closed the door.
Tahimik kaming dalawa. Tumayo si Clyde at tiningnan ako.
“Kaya mo bang lumabas o ihahatid ko na lang dito ang dinner mo?” tanong niya.
Tumango ako at inalis nang bahagya ang kumot na tumatakip sa kalahati ng katawan ko.
“Kaya ko namang tumayo.” sagot ko.
I breathed at agad na tumayo. Nakatingin pa rin sa akin si Clyde na parang handa siyang alalayan ako sa oras na kailangan pero hindi ko para gawin iyon.
Pagkalabas namin, malisosyong nakatingin si Nera habang wala namang buhay na naglalagay ng mga plato si Agape sa mesa.
Kumain kaming apat. Tahimik sila. Kahit na hindi ako tumitingin, alam kong sumusulyap sa banda ko si Nera. Si Agape naman, sanay na kaya busy silang dalawa ni Clyde sa pag-uusap tungkol sa negosyo.
Nera cleared her throat.
“Did you talk to Lola about your decision, Clyde?” tanong niya.
Clyde sipped on his water. Pinunasan niya ang gilid ng kaniyang labi.
“I already told her, I don’t want a grand wedding, Nera. I want to keep our ceremony intimate.” sagot ni Clyde.
Huminga nang malalim si Agape.
“Lola would not let you. Alam mo naman kung gaano ka-engrande ang kasal ni Michael at Nera, hindi ba? Dude, the elders would want to equal or surpass that for sure.” Agape said.
Tumango si Nera at sumubo ng pagkain.
“Lola knows that I don’t want to play by our rules, Aga. This is my wedding. She needs to respect my decision. She will surely understand.” Clyde told Agape.
Nakikinig lang ako sa usapan nila. Hindi ko naman magawang magsalita. Ang pakikinig ko tungkol sa kasalang Clyde at Janiel, parang hindi ako mapakali lalo na at may nalalaman ako.
Mahigpit ang hawak ko sa kubyertos ko. Dapat ba akong magsalita? O dapat akong manahimik at hayaan na sila?
Mukhang napansin ni Nera ang pagkakatigil ko. Saglit na tumaas ang kilay niya bago bumaling sa pinsan.
“Have you at least told your bride about this, Clyde? O baka naman nag-decline ka na agad kay Lola without consulting her? Lola Gemma might think that Janiel disrespected her decision by doing this?” tanong niya.
Umiling si Clyde.
“She doesn’t need to know. Alam niyo namang ayaw ng pamilya natin kay Janiel. If I say this, she will just agree. AAyaw ko na mapilitan siya na pumayag para lang sa approval nina Lola G.” ani Clyde.
Pumikit si Nera at hindi na nagsalita. Agape just whistled and continued eating. Hindi na ako nag-angat ng tingin. Pakiramdam ko, wala akong karapatan na umupo kasama nila lalo na at hindi naman ako Luna. Masiyado ring pribado ang usapan nila.
Natapos ang hapunan. Ako ang nag-volunteer na maghugas ng pinggan. Hindi pumayag si Clyde dahil naka-suwero ako pero pinilit ko. Nakakahiya naman kung mag-aasal prinsesa ako rito. Kaya ko na naman at malakas naman ako. Inalis na lamang ni Nera iyon dahil base naman sa obserbasyon niya, puwede na akong umuwi.
Malaki ang kabuuan ng unit ni Agape. Gumagabi na rin at kailangan ko nang umuwi pagkatapos nito. Masiyado na akong abala sa kanila. Isa pa, absent na rin ako sa school ngayon at kailangan ko maghabol bukas sa mga klase.
Wala sila sa living room. Hinubad ko ang apron at sinabit iyon bago ako pumunta sa kuwarto para ligpitin ang mga ginamit ko.
Tinupi at nilagay ko sa aking back pack ang uniporme ko sa bar. Siguro, damit ni Nera ang suot ko.
Sinara ko ang aking backpack. Naririnig ko ang mga boses nina Nera, Agape at Clyde na nasa balkonahe na malapit sa kuwarto. Tila nag-uusap sila ng masinsinan.
Dahan-dahan akong lumapit doon. May nagtutulak sa akin para makinig.
“You should be thinking about this man. Sunod-sunod na ang mga away niyo ni Janiel.” sabi ni Agape.
Saglit na tumahimik.
“She’s just getting stressed by our wedding. Kaya nga gusto ko na maging mabilisan na lamang ito. She’s being paranoid on pleasing our family. She really wants to be accepted.” ani Clyde.
“Then, you should bring her sa mansyon, Clyde. Ilang taon na kayo at ni minsan, hindi pa siya nakakapunta roon. If she really wants to be accepted, she should have come para mas makilala siya.” sabi naman ni Nera.
“She really wanted to do that, Nera. Pero ako ang pumipigil sa kaniya. Alam nating lahat that the elders will ask about her background. And I don’t want Janiel to feel belittled just because she’s marrying me.” sabi ni Clyde.
I heard a chair moving.
“Ganiyan na ba kababa ang tingin mo sa pamilya natin, Clyde? We might be super rich and we might have high standards when it comes to future spouses of our family pero hindi naman siya babastusin nang ganoon.” giit ni Nera.
Natahimik si Clyde. Napasandal ako sa pader habang nakikinig. So, hindi pa gaanong kilala ng mga Luna si Janiel?
Tumikhim si Clyde.
“And also, I don’t want to interfere as much as possible sa mga buhay niyo dahil malalaki na kayo… But do you think what you’re doing right now is sane?” Nera said, “Clyde, you’re being too close to that Karisa girl—”
“Nera, quiet. She might hear you.” mariin na saway ni Agape sa kaniyang pinsan.
“No, Aga. Clyde needs to hear this. Hindi pa sila okay ni Janiel at balak nang magpakasal agad. Then, he’s being too friendly with this girl. What will happen if Janiel knew about this?” tanong ni Nera.
Her tone is stern laced with concern. Nanuyo naman ang lalamunan ko.
“Calm down, Nera. Janiel met Karisa. She’s aware of her and she even offered her to work on her coffee shop.” pagdepensa ni Clyde.
Mariin kong hinawakan ang palad ko. Para akong natauhan sa sinabi ni Nera. Harsh man iyon pero tama siya. Hindi maganda na palagi akong malapit kay Clyde lalo na at engaged na ito.
Ayaw kong maisip ng iba na baka inaakit ko siya o anuman. As much as possible, mas gusto ko rin na malayo siya sa akin.
“Kahit pa, Clyde. I don’t have anything against Karisa. Mabait siya. Pero ayaw ko na mag-backfire ito sa’yo sa huli lalo na at ayon sa mga naririnig kong kuwento, shaky pa ang relasyon niyo ni Janiel ngayon. It’s not even a good sign dahil malapit na kayong ikasal.” Nera said.
“Dude, Nera has a point. Wala kaming karapatan na diktahan ka but be careful on your decisions. Alam kong mabait ka but please, be mindful of the consequences.” dagdag pa ni Agape.
Wala na akong narinig pa matapos iyon. Tanging ang mga paggalaw ng upuan at ang mga yabag nila na hudyat na pabalik na sila. Mabilis akong naglakad pabalik sa mga gamit ko at nagkunwari pang inaayos iyon.
The door opened. Nagtama ang paningin namin ni Clyde. He cleared his throat.
“Okay ka na ba? I would drive you home so you can rest.” aniya.
Mabilis akong tumango. Sumunod ako sa kaniya na naglalakad papalabas. Nakaupo na sa sofa si Agape at si Nera.
Sabay silang napalingon sa akin.
“Salamat sa tulong niyo, Ma’am Nera, Sir Agape…” sabi ko sa kanila na may paggalang.
Nera nodded at me with a small smile. Agape just winked.
“Take care, Karisa.” sabi ni Agape.
Tumango ako at tumalikod na. Clyde opened the door at bumaling sa akin. Lumabas na rin ako at nasa likuran lang niya habang naglalakad.
Ganoon din kami sa elevator. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Sumulyap ako sa repleksyon niya sa salamin. He is like thinking deeply of something. Hinayaan ko na lamang siya.
Bumukas ang floor sa basement. Agad niyang pinatunog ang sasakyan niya para i-unlock iyon. Sumakay na ako at hinintay siyang sumakay para makaalis na kami. Hindi na naman ako mapakali ngayong kami na lang sa sasakyan.
He played a soft song.
“I already talked to my lawyer. Inaayos na niya ang kaso para sa nangyari sa bar kagabi.” panimula niya.
Nilingon ko siya at tumango.
“Pasensiya ka na at nadamay ka pa sa gulong ito. Magkano ang bayad sa abogado? Pag-iipunan ko pero puwede mong idagdag sa utang ko.” sagot ko.
Kumunot ang noo niya.
“Are you trying to offend me, Karisa? Huwag mo nang isipin iyon. I can handle my lawyer’s fee. Isa pa, I want to teach that bastard a lesson.”
Hindi ako nagsalita. Bumaling ako sa kalsada. I played with my finger bago ako nagsalita.
“About sa offer… tinatanggap ko na.” sagot ko.
He nodded.
“Cool.” aniya at ngumiti. “Janiel would be so relieved. Kailan ka makakapag-start?” tanong niya.
Kinagat ko ang labi ko.
“Puwede na ako bukas. Nag-resign na ako sa restaurant.” sabi ko pa.
“Okay. I will tell Janiel that you will come tomorrow. Puwede mo siyang i-meet doon.” sabi ni Clyde.
Tumango ako. Makikita ko bukas si Janiel. Paano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na sobrang bait sa akin ni Clyde? Alam ko na may ideya na siya na magkaibigan kami pero kung ayon kay Nera, ay masiyadong malapit na kami sa isa’t-isa, maaaring ganoon din ang maging reaksiyon ni Janiel.
Kaya ididistansya ko na ang sarili ko sa oras na magtrabaho ako roon.
Dumating na kami sa eskinita kung saan ako umuupa. Panay ang pagmamasid ni Clyde sa paligid. Madumi at maingay ang mga kalsada. May ilang nakatingin sa magara niyang sasakyan.
Bigla akong nanliit para sa sarili. Noong si Agape naman ang naghatid sa akin dito, wala lang sakin iyon. Bakit ngayong si Clyde ang nagmamasid sa magulong lugar na ito, ay pawang nahihiya ako?
“Dito na lang, Clyde. Hindi na rin makakapasok ang sasakyan mo at delikado rito. Baka may gawin pa sila sa sasakyan mo.” sabi ko.
Tumango si Clyde.
“Salamat nga pala sa paghahatid. Mag-iingat ka.” dagdag ko.
He smiled.
“Wala ‘yon. Salamat din at pumayag ka na sa offer ko. Mag-ingat ka sa paglalakad.” ani Clyde.
Tumango ako at binuksan na ang pintuan. Mahigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag at naglakad na papasok doon.
Nilingon ko ang sasakyan ni Clyde. Wala na ito sa dating puwesto. Umiling na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
Kinabukasan, nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa coffee shop ni Janiel. Tinulak ko ang glass door at nakita ang maraming tao roon. Ang ilan, mga galing pa sa university ko dahil sa uniporme.
Maraming staff at may mahabang pila ng customer. May ilang napapatingin sa akin. Huminga ako nang malalim at diretsong naglakad papunta sa counter.
“Magandang araw, nandito ba si Miss Janiel Severio?” tanong ko sa babaeng staff.
Tumango siya.
“Oo. Nasa loob si Ma’am. Sino ka po?” tanong niya.
May ilang mga customer ang nakatingin sa amin. Ang iba, naaasar ata dahil mas lalong tumagal ang pila dahil sa pag-entertain sa akin ng staff.
“Ako po si Karisa. Iyong hina-hire niya. Pakisabi na lang po.” sabi ko.
“Ikaw ‘yong bagong barista na sinasabi ni Sir Clyde?” tanong niya.
Ngumiti ako.
Tinawag niya si Janiel na nakangiti na noong lumabas siya sa opisina niya. I bit my tongue. Friendly siyang lumapit sa akin.
“Karisa!” pagtawag niya at inangkla pa ang braso niya sa akin. “Salamat at tinanggap mo ang trabahong ito.”
Ngumiti ako.
“Maraming salamat din po sa offer niyo ni C-Cly— este Sir Clyde.” I corrected myself.
She bit her lower lip.
“That’s nothing. Sabi naman niya mabait ka at masipag. That’s exactly what I am looking for.”
Nag-pa-order siya ng kape at cake para sa aming dalawa. Aniya, idi-discuss niya ang mga benefit at ang sahod na makukuha ko.
Binasa ko ang kontrata. Halos hindi ako makapaniwala. May educational assistance pa para sa gaya kong working student. Hindi nagbibiro si Clyde.
“Ayan, sign ka lang sa contract. Saan ka nga pala nagtatrabaho before mo tanggapin ito?” she asked me while she handed me a ballpen.
Kinuha ko iyon.
Natahimik ako. Wala nga pala akong resume na pinasa dahil direct hiring nila ako. I bit my lower lip and looked at her eyes. Gaya ng ginawa ko kay Sir Roce noong mag-resign ako.
“Sa Restaurant by Chef Roce po.” sagot ko.
Agad napawi ang ngisi ni Janiel. Hindi gaya ng aura niya kanina, biglang nag-panic ang kaniyang mga mata.
Alam kong gaya ng iniisip ko ang tumatakbo sa isipan niya.
She’s scared.