Kabanata 13

1572 Words
Nakailang araw na akong nagtatrabaho sa coffee shop ni Janiel. Noong nabanggit ko sa kaniya ang tungkol sa restaurant ni Sir Roce, nag-iba ang pakikitungo niya sa akin sa mga sumunod na araw. Lalo na kapag nariyan si Clyde sa paligid. She smiles at me pero palaging may panic ang mga mata niya sa tuwing magkakatinginan kami. Ako na ang umiiwas ng tingin. Hindi ko naman gusto na ganoon ang maramdaman niya. Ayaw ko rin naman na sabihin na alam ko kung ano ang ginagawa niya at wala naman akong balak na sabihin kay Clyde, pero ayaw ko namang mas matakot pa siya sa akin. Dahil sa totoo lang, labas ako sa relasyon nila ni Clyde. Iyon ang iniisip ko sa araw-araw na nagtatrabaho ako roon. Binabagabag pa rin ako ng mga sinabi ni Nera. Kahit kailan, wala akong gusto kay Clyde at ayaw ko na makita ako ng mga tao bilang ganoon. Hindi ko naman pinilit na maging magkaibigan kami, talaga lang tadhana na palagi siyang nariyan kapag may aberya ako. Nag-te-training pa lamang ako sa mga timpla ng drinks nila. Madali ko namang nasasaulo iyon dahil sanay na rin ako sa bar. Mas kumplikado pa nga ang mga alcoholic beverages kaysa rito kaya medyo sisiw na ito sa akin. Bumukas ang pintuan ng shop. May dalawang tao ang pumasok doon. Mukhang mga estudyante dahil sa mga dalang libro. Nag-uusap sila tungkol sa isang school event. “Ano ang sa’yo, Jo?” tanong ng babae na pumila na sa counter. Ngumiti ang babaeng staff sa kanila. “Hi, Analyn.” bati noong babae sa staff na nag-te-train sa akin. “Usual lang ba, Ven?” tanong naman ni Analyn. Tumango siya at bumaling sa matangkad na lalaki. Tumango rin ito na parang nakukuha niya ang ibig sabihin ng tangong iyon. “Isang iced coffee caramel macchiato saka isang ice blended americano. Samahan mo ng slice ng red velvet at blueberry cheesecake.” sabi ni Analyn sa akin. Tumango ako at pumindot na sa monitor. Natutunan ko na rin iyon noong unang araw ko. Matapos kong i-place ang order nila, binigay ko ang pager sa kanila. “Five hundred sixty-nine po,” sabi ko. Umiling si Analyn. “Hindi sila nagbabayad, Kari.” saway ni Analyn. Tumingin ako sa kaniya. Naguguluhan ako. “Kapatid ni Ma’am Janiel si Sir Jojo. Kaibigan naman niya si Ma’am Ven. Bilin ni Ma’am na huwag na sila pagbayarin anytime na pumunta rito.” paliwanag ni Analyn. “Ah, pasensya na po.” sabi ko sa kanila. Ngumiti iyong Ven at kumindat sa akin. “Ano ka ba? Okay lang ‘yon! Ako na nga ‘tong palaging libre. Hindi ba, Jo?” she laughed. “User,” ani Jojo. Hindi naman pinatulan iyon ni Ven na parang sanay na siya. She just smirked at Jojo. Umiling si Jojo at naglakad na papunta sa isa sa mga table. Kumaway naman si Ven sa amin at sumunod na sa kaibigan. Tumikhim si Analyn. “Alam mo na naman kung paano gawin iyong mga inumin ‘di ba? Gusto kong subukan kung natatandaan mo ba…Manonood ako.” aniya. “Oo. Natatandaan ko.” sagot ko at kumuha na ng baso para sulatan iyon. Pinanood lang ako ni Analyn sa proseso. Hindi naman maselan ang order na iyon kaya madali kong nagawa. Ngumiti si Analyn sa akin at nag-thumbs up pa. “Mahusay. Kaunti na lang at kaya mo na mag-isa.” puri niya. Ngumiti ako. Kaming dalawa ang magka-shift. Hindi rin nalalayo ang mga edad namin. Tatlong taon lang ang tanda niya sa akin. Madali siyang lapitan. Aniya, magandang choice na pinili ko rito dahil sobrang bait ni Clyde at Janiel sa mga empleyado. May ilan pang customers ang dumating. Sumipol si Analyn at tinapik ako na kumukuha na ng order. “Ako na dito, Kari. I-serve mo na ‘yang mga kape kina Sir Jojo at mag-break ka na after.” utos niya dahil mukhang hindi napapansin ng dalawa na umiilaw na ang alarm nila. “Sige.” sagot ko at nilagay na ang mga kape sa tray. Kumuha rin ako ng mga slice ng cake at nilagay iyon sa plato. Nag-do-drawing si Ven sa kaniyang sketchbook habang si Jojo naman ay nagbabasa ng libro. “Orders complete na po.” sabi ko. Tumingala si Ven sa akin. Mabilis niyang dinungaw ang alarm at nag-peace sign pa sa akin. “Sorry. Hindi namin napansin.” aniya. Ngumiti ako. “Okay lang po, Ma’am.” sagot ko. Pinagmasdan ko si Ven. Maganda siya at halatang bubbly habang si Jojo naman, medyo may pagka-reserve. Malayo rin ang hitsura niya kay Janiel. Kung pagtatabihin, hindi mahahalata na magkapatid sila. Tinulungan ako ni Jojo sa pag-aayos ng mga order. Tumingala siya sa akin at tumango. “Salamat… Kari.” aniya at tumingin sa nameplate ko. Ngumiti ako at nagpaalam. Break time ko na kaya dumiretso ako sa back kitchen para makakain ng lunch. Hinubad ko ang apron ko at umupo sa isang cooler. May dala akong lunch. Binuksan ko ang tupperwear at sumubo roon. Nakaramdam ako ng ginhawa. Alas tres na kasi ng hapon. Hindi pa ako kumakain sa araw na ito dahil hindi ako sanay kumain ng breakfast. Nag-overtime naman ang professor ko sa klase bago ang shift ko kaya nagipit ako sa oras at mas pinili na lang na maglakad na papunta rito. Parang gutom na gutom akong sumubo roon nang bumukas ang pintuan. Halos mapatalon ako. Pumasok doon si Janiel at Clyde na nagtatawanan. May mga dala silang boxes. Napatigil sila nang mapansin ako roon. “Oh, ngayon ka pa lang mag-la-lunch?” tanong ni Clyde at tumingin sa wall clock sa kitchen. “Alas tres na, ah?” Binaba ko ang tupperwear at sinaraduhan iyon para tulungan sila pero mabilis siyang umiling. Nilunok ko ang kinakain ko kahit hindi ko pa nangunguya iyon ng maayos. “Okay na, Kari. It must have been your breaktime. Kaya na namin ‘to ni Janiel. Just finish your food.” utos niya dahil alam niya ang binabalak ko. Napatingin naman ako kay Janiel na nakamasid sa amin. Agad siyang nag-iwas ng tingin at huminga nang malalim. “O-Oo nga naman, Karisa. Just enjoy your break.” dagdag ni Janiel at ngumiti na may halong kaba. . Tumango ako. Nakatitig pa rin ako sa kanila. Tumikhim si Janiel at bumaling kay Clyde na nakatayo pa rin sa may pintuan. “Babe,” tawag ni Janiel at matamis na ngumiti, “Let’s go… Marami pang boxes sa sasakyan.” aniya. Natauhan si Clyde at ngumiti. “Sure, babe.” He said at nilapag na ang mga box. Mabilis kong tinapos ang pagkain. Nahihiya kasi ako na naghahakot na sila ng mga pastry katulong ang isang lalaking staff habang kumakain ako. Panay din kasi ang daan nila sa harapan ko. Tinago ko ang pagkain sa bag ko at nagsuot na ulit ng apron. Sumunod ako sa labas para tingnan kung mayroon pang puwedeng itulong. “Mayroon pa ba, Ma’am?” tanong ko kay Janiel na nakadungaw sa likuran ng sasakyan ni Clyde. Napatalon siya at bumaling sa akin. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagsulpot ko. Ngumiti siya at tumango. “Yes. Mayroon pa.” sabi niya at pinagpatong ang dalawang box para iabot sa akin. “Here…” aniya. Sakto namang dumating si Clyde mula sa backdoor. Nakita niyang wala nang laman kaya sinara niya ang likuran ng sasakyan. Nakangiti siya sa amin. Hindi na ako naghintay at naglakad na ako papalayo roon pero nilingon ko sila saglit. Nakita ko silang magkayakap. Clyde’s smiling so big habang nakasubsob sa kaniyang dibdib si Janiel. They are laughing about something at nag-sway pa ang mga katawan nila habang magkayakap. Kinagat ko ang labi ko. How could she cheat on him lalo na kung ganito naman siya umasta? She look really in love with him. O magaling na artista lang talaga siya? Nilapag ko ang mga box at nilagay ang ilan sa chiller. Ang iba, in-arrange namin ni Analyn sa shelf. Maraming customer lalo na after class. Iyon naman ang hudyat na tapos na ang shift ko. Pumayag si Janiel na hindi ako mag-full time. Nabanggit ko kasi na kailangan ko ring pumasok sa bar tuwing alas sais. Nagpaalam na ako. Hinubad ko ang apron at tinupi iyon para ilagay sa locker. Walang tao roon kaya sinara ko ang pintuan para magpalit ng pulang polo shirt na siyang uniporme sa bar. Late na rin ako kung pupunta pa ako sa banyo. Nahubad ko na ang uniporme ng coffee shop nang bumukas ang pintuan. “s**t, oh god!” sabi ng sinumang nagbukas ng pintuan. Laglag ang panga ni Clyde habang hawak ang seradura ng pintuan. Napansin ko na may hawak siyang envelope. Bakas ang gulat sa kaniyang mukha. Sumigaw naman ako at agad na tinakluban ang dibdib na nakasuot lang ng bra. “S-Sorry.” ani Clyde at agad sinara ang pintuan. How could I be so reckless at hindi ko man lang nagawang i-lock ang pinto? Hindi ko rin naman kasi alam na may pupunta agad gayong mabilisan lang naman isuot ang uniporme kong ito? Pumikit ako nang mariin at agad na sinuot iyon bago pa may makakita sa amin. Sinara ko ang locker at bahagya iniuntog ang sarili roon. “Gaga ka talaga, Karisa!” mura ko sa sarili. Nakita lang naman ako ni Clyde, na fiancé ng boss ko, na naka-bra lang! Sobrang awkward!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD