Kabanata 6

1751 Words
Busy ang buong bar sa gabing iyon. Gaya noon, may isa na namang anak mayaman ang napiling mag-celebrate dito. “Kari, pakipunasan ang mga shot glass. Kailangan lang ako nina Ricky sa kusina.” sabi ni Hubert. Nilapag niya ang mga tray ng shot glass. Tumango ako at kinuha ang telang pantuyo. Wala namang masiyadong umo-order sa bar area kung saan ako nakatigil ngayon. Malakas ang music. Marami na rin ang lasing dahil alas-dose pasado na. Nasa ikapitong basong pinupunasan na ako noong may umupo sa harapan ko. Tiningnan ko kung sino iyon. Isa iyon sa mga kasama nina Clyde noong gabi ng birthday party noong pinsan niya. Iyong lalaking bumili ng pinakamahal na legacy. Madilim ang hitsura nito at mukhang wala sa mood. Ganoon naman talaga siguro siya. Hindi siya tumatawa o anuman. “Miss, a glass of whiskey.” sabi niya. Tumango ako at kinuha na ang bote ng whiskey para bigyan siya. Tinupi niya ang kaniyang long sleeves bago ininom iyon. Tahimik ko siyang pinagmasdan. Halos isang lagukan lang iyon sa kaniya. He pushed the glass back to my side. “Isa pa,” sabi niya. Sinunod ko iyon. Mukhang masama ang araw niya pero hindi ako nangahas na kausapin siya. Nilagay ko sa rack ang mga shot glass na natapos na. “Kuya,” tawag ng isang boses mula sa likuran nito. Tumingin ako. Nakita ko si Agape Luna na paparating. Nakadamit pang trabaho pa rin ito. Kumaway siya sa ilang kakilala bago umupo sa tabihan ng kaniyang kapatid na hindi man lang siya nilingon. Ngumiti sa akin si Agape Luna. “Hi, Miss.” bati niya. Tumango ako at ngumiti nang bahagya. Kahit kasi maganda ang pakikisama nila sa akin, mayroon pa ring barrier akong nararamdaman. “One whiskey for me, too.” pag-order niya. I nodded and poured one for him. Lumabas si Hubert dala ang bagong batch ng mga shot glass. Tumango siya sa akin pagkatapos ay lumingon sa mga Luna na nasa harapan ko. “Ayos, malaki na naman ang tip ng mga iyan.” bulong niya sa akin. Hindi ako nag-react. Hinayaan ko lamang siya na bumalik sa kusina. I saw Agape fishing for his phone inside his pockets and grinned at his brother. “Gonna send this to the asshat, Kuya. Smile!” utos niya kay Silvestre at inakbayan ito para kumuha ng litrato nila. Inis naman na inalis ni Silvestre ang mga braso ng kapatid na nakapulupot sa kaniyang leeg. Humahalakhak si Agape sa kaniya. “I bet that the mother F will come running here. It’s been a long time since we went out with our cousins.” sabi ni Agape. Kinagat ko ang labi ko. Mayroon akong ideya kung sino ang tinutukoy niya. Mas naghiyawan ang mga tao dahil sa nauusong kanta sa mga bar. Ngumisi si Agape sa dancefloor. May mga babae kasing kumakaway sa kaniya. I sighed. “Kari, doon ka muna sa kitchen. Need ni Ricky ang tulong mo.” sabi ni Hubert na may dalang tray ng alak. Mabilis ang galaw ko na sinunod iyon. Nagluluto si Ricky ng mga finger food na in-order sa VIP Room. Tinulungan ko siya na lutuin iyon. “Sino ang mag-se-serve? Ikaw na rin ba, Kari?” tanong ni Ricky. Tumango ako at sinunod kung saang room dadalhin iyon. Matapos kong ihatid ay lumakad na ako sa direksyon ng kitchen. Nakita ko na naroon pa rin si Agape at Silvestre, pero ngayon ay nakaupo na rin si Clyde sa tabi nila. Umiling ako at mabilis ang lakad. Nagkunwari akong hindi ko siya nakita. Si Hubert ang nasa bar at nag-ba-bartender doon. Dumating naman ang General Manager sa loob. Napaangat ang tingin ko mula sa pag-ma-mop ng sahig. “Nakabasag na naman ng mga alak ang VIP Room. Si Hubert muna at si Mika ang pinadala ko roon. Karisa, sa bar ka muna at ikaw ang mag-bartender dahil alam mo ang gawaing iyon.” Utos nito. Mabigat man sa kalooban, lumabas ako. Agad nagtama ang mga mata naming dalawa ni Clyde Luna. Nakaupo siya sa tabihan ni Agape. “Magandang gabi, Kari.” he greeted. Tumango ako. “Magandang gabi rin, Sir.” Inabala ko ang sarili sa pagpupunas ng mesa at pag-a-arrange ng mga bote ng alak. Sumipol si Agape sa aming dalawa at sumimsim sa kaniyang whiskey. “Damn, kilala niyo ang isa’t-isa?” tanong niya. Hindi nag-react si Silvestre pero nakatingin na rin sa akin. Ngumisi naman si Clyde. “Yeah. She served us last week. Noong birthday mo dumbass.” sagot ni Clyde. Mas lumaki ang ngisi ni Agape sa akin. Tumikhim naman ako at nagkunwaring hindi iyon napansin. “Talaga? Bakit hindi ko natandaan ang ganito ka-gandang babae sa party ko?” tanong niya, puno na ng humor. Siniko siya ni Clyde at pinandilatan ang kaniyang pinsan. Hindi naman ako mapakali. “Not her, Aga. Not Kari. She’s a good girl and she does not deserve a jackass like you.” he warned. Tinaas ni Agape ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko. “Chill, man! Kung hindi mo lang girlfriend si Janiel, I would think that you like Ms. Kari here.” saad niya at umirap sa pinsan. Natigilan naman si Clyde sa sinabi ni Agape. Nilingon niya ako na nag-freeze rin sa kinatatayuan ko. “Nah! She’s a friend of mine, Agape.” he repeated and gulped his whiskey. Silvestre groaned and asked for a glass again. Nagpapasalamat naman ako roon dahil may dahilan ako para tumalikod sa kanila. I got another bottle and opened it. I poured them all their shots at um-attend rin sa cocktail na in-order ng ilang customers. I pretended to work pero ang aking tainga ay lumilipad sa anumang pinag-uusapan nila. It seemed like Silvestre’s troubled. “I heard she’s back, huh?” tanong ni Clyde sa pinsan. Pinaikot ni Silvestre ang ice na nasa shot glass niya at uminom. “Yeah, right. I think everyone knows.” he grimly said. “Who are we talking about? Graciella? Your ex?” tanong ni Agape. Pumikit naman si Clyde at tiningnan ng masama si Agape. Silvestre smacked the back of his brother’s head. Tumawa si Agape sa inakto ni Clyde at ni Silvestre. “Come on, I heard from Lola… anyways as I would like to help you on this one, Kuya… I think I cannot. Marrying your brother’s ex? That’s taboo for me.” ani Agape. Hindi nagsalita si Silvestre. Binasa ni Clyde ang pang-ibabang labi. “You can always say no to Lola Gemma, Sil. Kung ayaw mo talaga na makasal kay Graciella. Besides, that was stupid of them to fixed a marriage between their grandkids.” he advised. “Nasasabi mo lang ‘yan dahil may girlfriend ka na saka paborito ka.” bitter na sinabi ni Agape. Umiling si Clyde. “I am not their favorite. I just know how to stand up for myself. Saka kaya kayo itinatakda sa iba kasi alam ni Lola na wala kayong kakayahang magseryoso sa babae. I guess it’s your karma for all the girls you made crying.” aniya. “Thanks for that man. Very comforting.” sarcastic na sinabi ni Silvestre. Tumawa si Agape at Clyde. Ngumiti ako sa customer na nagbayad. “But I am dead serious, Sil. Just say no. You do not have to say yes to everything our family will ask of you.” he said and tapped his shoulder. Lumunok ako. Mukhang malalim ang topic nila. Hindi ako nagtataka na ganito ang mga problema nila. Isa iyon sa downside ng pagiging mayaman, wala kang kalayaang magmahal, nauuna ang kapakanan ng negosyo kaysa sa sarili. “Miss, isang blowjob nga.” sabi noong isang lalaki na kakarating lang. Nagulat ako kaya napapitlag naman ako. Nakita ko ang paglingon ni Clyde Luna sa akin. Nag-init ang pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin. “S-Sige, Sir…” sagot ko. Kinuha ko ang baso at nagsalin roon ng mga kailangan. Bakit naman kasi pinaalala sa akin ang gabing iyon. Sinubukan kong sumulyap sa banda ni Clyde Luna. Nakatingin siya sa akin at may kaunting ngisi sa kaniyang labi. Tumalikod ako at sinusubukang huminga. Hindi na ako nangahas pang tumingin sa kaniya sa gabing iyon. Malaking tulong rin na lumabas si Hubert para tulungan na ako. May ilang mga babae at kakilala silang lumapit pero tumatanggi silang tatlo sa tuwing yayayain sila sa VIP Room o ‘di kaya sa mga table nila. They just stayed drinking at the bar. “Ikaw, Clyde? Are you ready to take the next level with Janiel? You’ve been dating for ten years. Wala ka pa bang balak?” tanong ni Agape. Tumawa si Clyde sa tanong ni Agape. Bumagal ang pagpunas ko sa baso. Ten years? Wow, sobrang loyal naman ata niya? Matagal na panahon na iyon at nakakamangha na malaman na may ganito ka-tiyagang lalaki. Tahimik na namamangha ako sa narinig. “Damn. Tinatanong pa ba ‘yan? I am always ready with Janiel, bro.” he answered and put out a red box from his pocket. “See?” he asked. Laglag ang panga ni Agape sa ginawang iyon ni Clyde. Kinuha niya ang pulang box at tiningnan ang singsing na laman noon. Halos lumuwa ang mata ko sa diamond na nakita ko. Iyon na ata ang pinakamalaking bato ng diamante ang nakita ko sa isang singsing. Napakaganda noon. “Damn, you rich!” puna ni Agape. Tumawa si Clyde at kinuha ang singsing para ibalik iyon. Silvestre’s smirking at him. “Kailan mo balak mag-propose? It’s been ten years at hindi mo pa siya dinadala sa mansyon to introduce her.” tanong ni Silvestre. Binasa ni Clyde ang ibabang labi. “Hindi ko siya dinadala dahil alam kong ayaw nina Lola sa kaniya. I just don’t need everyone giving unsolicited advices to my girlfriend to break up with me. And yes, next week is my target proposal date. I am still organizing a surprise event for her.” sagot ni Clyde “God… I cannot believe one of us will even get married.” Silvestre muttered. Clyde smirked. “Ayaw mo n’on? You get to postponed your arrange marriage? Naniniwala si Lola sa sukob, dude.” he proudly said. Silvestre, for the first time, smiled at his cousins. “Then, f*****g do it Clyde Harris.” he urged out of the blue, “Just marry someone you love and stop me from marrying an ex-girlfriend.” he continued that made the three of them laughing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD