Kabanata 14

2345 Words
Pulang-pula ang mukha ko noong buksan ko ang pintuan. Nakasandal si Clyde sa dingding at napatingin siya sa akin. Bakas ang uneasiness sa kaniyang mukha. Tumikhim ako at kinagat ang aking labi. “A-Ano ang kailangan mo, Sir?” tanong ko. Lumunok siya at umubo. Pinakita niya ang envelope sa akin. “I just need you to sign this. My lawyer need this so he can file the case against Vice Mayor’s son.” sabi niya. Kinuha ko iyon. Nag-abot siya ng ballpen para pirmahan ko ang salaysay ko. I signed it and handed him the paper. Humawak ako sa strap ng aking bag at nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Mauuna na po ako. May trabaho pa ako sa bar—” “I will go there. You can join me.” sabi ni Clyde. Umiling ako. Napansin ko si Janiel na nasa may counter. May kausap siya na customer kaya hindi niya kami napapansin. “Hindi na. May sakayan naman na malapit.” sagot ko. Kumunot ang noo ni Clyde. “But I will go there to get the footages of that night. Mas safe kung sasabay ka sa akin—” “Hindi na talaga, Clyde.” sabi ko. Tumingin ako kay Janiel. She already noticed us. Pero hindi siya lumapit. Nanatili lang siyang nanonood sa malayo. Kinurot ko ang palad ko at bumaling kay Clyde. “Salamat sa lahat ng tulong but I prefer na hindi na sana maging professional tayo. Ayaw ko na baka kung ano ang maisip ng iba sa pagitan natin.” diretsong sabi ko. Mabait si Clyde at sa tingin ko, hindi sumagi sa isip niya ang sasabihin ng iba. Natigilan naman siya pero hindi nagsalita. Nanatiling kalmado ang kaniyang mukha pero alam kong naiintindihan niya ang sinasabi ko. “Narinig mo ba si Nera?” tanong niya, mukhang may naiisip. Lumunok ako. “Tama naman siya. May fiancée na po kayo. At hindi maganda na palagi tayong magkasama o nagkakasabay man lang.” saad ko. Kumunot ang noo ni Clyde nang bahagya. Matalim ang mga salita ko pero nais kong malinawan siya. Malinaw naman sa akin na hindi niya ako gusto romantically, pero maaaring iba ang tingin ng iba. Hindi naman kasi pangkaraniwan ang ugnayan namin. “Babayaran pa rin kita sa pinahiram mo sa akin na pera. Pasensya na, Sir Clyde pero sana po irespeto niyo ang desisyon ko.” saad ko at ngumiti ng mapait. “Naiintindihan ko, Karisa.” sagot niya. Lumunok siya at unti-unti ay tumango nang maintindihan niya iyon. Tumingin ako muli kay Janiel. Umaapaw ang panic sa kaniyang hitsura. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang bag. “Babe?” tawag ni Janiel sa kaniya. Nilingon siya ni Clyde. “Mauuna na po ako.” sabi ko na lamang. Malakas iyon para marinig nila at umalis na. Diretso ang lakad ko. Hindi na ako lumingon pa. Basta ang alam ko, kailangan ko nang umalis. Pumara ako ng jeep. Sabi niya pupunta rin siya roon sa bar. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nagkita kami mamaya. Binati ko sina Hubert at ang ilang ka-trabaho na naninigarilyo sa labas. Dumiretso ako sa locker at tinali ang aking buhok. Maalinsangan sa labas kaya pawisan ang batok ko. Inayos ko ang sarili bago tumulong doon sa paghahanda. Hindi na ako pinapapunta ng General Manager sa mga VIP room. Kapag kailangan, dapat laging may kasama. Kinausap na raw kasi ni Clyde ang kaibigan niya na may-ari at cooperative naman ito dahil serious matter ang nangyari sa akin. “Kari, sa kitchen ka na muna.” utos ng General Manager bago sila nagpapasok ng mga parokyano. Tumango ako. Mas mainam na rin iyon. Natatakot ako sa nangyari noon. Muntikan na akong maging rape victim at talagang nakaka-trauma iyon pero wala naman akong choice kung hindi magtrabaho. Kung pipiliin ko ang ma-trauma, mamumuti naman ang mga mata ko sa gutom. Peak na. Dumadagundong ang bass mula sa dance floor. Sumisigaw na rin ang mga tao ng tono ng sikat na kanta. Taga hugas ako ngayon ng mga shot glass at platito. Si Hubert na ang madalas sa bar counter. Hinubad ko ang apron, dahil sa wakas, break time ko na ulit. “Eva, sa labas lang ako.” sabi ko sa kasamahan dahil gusto kong matahimik. Tumango si Eva sa akin. Diretso ang lakad ko papunta sa backdoor. Madilim doon dahil halos parking lot at dumpster iyon. Umupo ako sa isang itim na monoblock. Sa tuwing naririto ang mga ka-trabaho ko, naninigarilyo sila. Hindi naman ako naninigarilyo kaya umupo na lang ako roon. Sapat na ang katahimikan para ma-relax ako. “Nakita mo ba, Liz? May kasama si Silvestre!” sabi ng pamilyar na boses. Agad napukaw noong ang atensyon ko. “Gracie, baka naman kaibigan o business partner lang?” tanong noong kasama. Nasa tapat sila ng isang sedan. Tiningnan ko ng maigi si Graciella na nakasuot ng sparkling dress. Nakasandal siya sa hood ng sedan habang inaalo ng kaibigan. “Business partner? Have you seen him? Halos hubaran niya sa tingin! I know that look. He used to look at me that way!” sigaw niya. Umiyak si Graciella roon. Hindi naman nila ako napapansin dahil natatakluban ako ng basurahan. Gusto ko lang naman magpahinga pero bakit ba hanggang dito, hindi pa rin ako pakawalan ng mga Luna na ‘yan? Gusto kong umirap. Magaling! I will spend my remaining ten minutes listening sa mga babaeng problemado tungkol sa kanila. “Wala pang rumored na girlfriend si Silvestre. Stay strong lang, Graciella. Alam kong maaayos niyo pa ni Silvestre ang dati niyong relasyon.” sabi noong Liz at inayos ang buhok ni Graciella. Tumikhim si Graciella. She wiped her tears. “I asked Clyde kung girlfriend niya ba iyong babaeng nakita ko na kasama niya but he just smirked at me. What does that even mean? Gagong Clyde!” sabi ni Graciella. So, it means nandito pa siya? Lumunok ako. Maybe he went with his cousins. Natapos ang break ko. Bumalik ako sa loob. Hubert looked for me, saying na siya naman ang mag-be-break at sa bar counter muna ako. Pumayag ako at lumabas na roon. Tinulak ko ang double swing doors at gusto kong magmura dahil nakaupo sina Silvestre at Clyde sa harapan ko. Nag-uusap sila at parehong bumaling sa akin. Kinalma ko ang sarili at lumapit doon. Nag-iwas ng tingin si Clyde. Hindi niya ako binati man lang. Bumalik ang atensyon niya sa pinsan. Ganoon din ang ginawa ko. Hindi ko siya kayang tingnan kaya naman sa tuwing may o-order ng drinks, hindi ko siya sinusulyapan man lang. Sa iba rin ako nag-focus. Ayaw kong marinig ang pinag-uusapan nila. Tiningnan ko ang dancefloor. Nagsasayaw doon ang babaeng kahalikan ni Silvestre noong engagement party ni Clyde. Kasama siya ng isang grupo at mukhang nagsasaya sila. “Karisa,” tawag ni Silvestre sa akin. Nilingon ko siya. “Bloody Mary. Dalawa.” aniya. Tumango ako at ginawa iyon. Alam kong saglit akong tinitigan ni Clyde pero wala akong lakas na gantihan iyon. I’ve already said too much kanina. Ang awkward naman kung kakausapin ko siya samantalang pinalalayo ko siya kanina. “Guys, ano o-order-in natin?” tanong ng isang papalapit na lalaki. Ngumiti ako sa kanila. Napansin ko na iyon ang grupo noong babae. Clyde smirked at them. “Enjoying too much, guys? Come on, just order anything. It will be on me.” aniya. Umirap ang isa sa mga babae. “Yabang mo talaga, Clyde! Pero sige, isang Cosmo nga sa ‘kin. Sa inyo, guys? Ubusin natin yaman ni Clyde, oh!” natatawang sabi noong babae. “Just try, Eliz.” hamon ni Clyde. Nagkantyaw pa ang mga lalaki sa kanila. Mukhang matatalik silang magkakaibigan. Nanonood lang ako sa kanila habang hinihintay ang mga order nila. “Hoy, Therese! Ano na? May order na kami?” sabi ni Elize sa kaibigan na hindi sumasagot. Parang nabalik sa katinuan ang babae. Gulat na nakatingin kasi siya kay Silvestre na nakangisi habang pinapaikot ang basong hawak niya. Tumikhim siya at bumaling sa kaibigan. “Cosmo na lang din, Eliz.” sagot niya at bahaw na ngumiti. “Miss Cepeda.” bati ni Silvestre. Kinakabahan naman na ngumiti si Therese. “Sir.” pagbati niya. Tumawa si Clyde at tinapik si Silvestre. “Ano’ng Sir, Therese? Outside office hours na. Hindi naman magagalit ang boss mo kung tawagin mong Silvestre!” sabi ni Eliz. Humalakhak sila. Silvestre just smirked and he did not say anything. Hilaw na nakangisi si Therese at umiling. Saglit na tumaas ang kilay ko, does it mean… walang ideya ang mga kaibigan niya sa pinaggagawa nila noong gabing iyon? For sure, hindi naman makakalimutan nina Silvestre at Therese na halos magkapalit na ang mukha nila noon… sikreto ba nila iyon? Clyde shook his head and put out his wallet. Kumuha siya ng card para ibigay sa akin. “Put their drinks on me.” sabi niya sa magalang na boses. Tumango ako at sinunod iyon. Binalik ko rin agad ang card niya. Mahirap na, baka maulit na naman na maiwanan niya sa akin iyon. Umalis din agad ang mga kaibigan ni Clyde matapos kunin ang order. Mayroon kasi silang sofa na ni-rentahan. Habang ang magpinsang Luna, pinili na mapag-isa. “Kumusta naman si Therese na empleyado?” tanong ni Clyde. Nilagok ni Silvestre iyon. “Fine. She’s really good.” sagot nito, mapaglaro ang tono. He smirked and bit his lip. Hindi naman napansin ni Clyde iyon. He’s texting on his phone. Binaba niya iyon at nilingon ang pinsan. “Graciella asked me kung may girlfriend ka na. She might have seen you flirting with a random girl here. Dude, one of these days, Lola G would bring back the engagement talks between you two. Nera heard it.” Clyde said. Umiling si Silvestre. “She’s asking for appointments. She’s making her move but I always block her. I would give Lola a call tomorrow. I got a lot of problems at the company and this bull needs to end.” he answered. Dumating na rin si Hubert. Tinapik niya ako sa braso ko. “Tapos na break ko, Kari. Salamat.” ani Hubert at ngumiti. Tumango ako. “Wala ‘yon. Sige, balik na ako sa kusina. Baka kailangan ni Eva ng tulong.” sagot ko. Sumulyap ako kay Clyde at nakita ko na nakatingin siya sa akin. Kinagat ko ang labi ko, pumihit at umarte na wala lang iyon para sa akin. Natapos ang shift ko. Sa sunod kong pagdungaw sa counter matapos ang isang oras, wala na sila roon. Siguro ay umuwi na. Mas mabuti na rin iyon. Nakatulog ako pagkauwi. Maaga pa rin akong nagising. Kailangan ko pa kasing mag-aral dahil may quiz kami ngayon. Nagababasa ako nang tumigil sa harapan ko ang pamilyar na babae. Hindi siya makatingin sa akin. Kinukurot niya ang kaniyang palad. Matagal kaming hindi nagkita kaya naman misteryo sa akin ang pagsulpot niya rito. “Hi,” bati niya. Lumunok siya at halata na hindi siya kumportable. Ganoon din naman ako. Ano ang ginagawa ni Lianne Fortalejo sa harapan ko? “Salamat nga pala dahil hindi mo tinuloy ‘yong complaint. Nabanggit ni Kuya.” aniya. Sinara ko ang libro at tumango. Hindi pa rin ako makapagsalita. Gulat din ako na nandito siya kasi ilang meetings na siyang hindi pumapasok. “Kamusta ka?” tanong niya. Huminga ako nang malalim. “Okay lang kung napipilitan ka. If you don’t feel like talking to me that—” “No.” pagputol niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Huminga siya nang malalim at tumingin sa mga mata ko. “I reflected. What I did was very wrong at tunay na pinagsisisihan ko ‘yon. I treated you badly at gusto ko na makabawi sa’yo, Karisa.” sabi niya. Binuksan niya ang pink niyang bag at may kinuhang sobre roon. Binigay niya iyon sa akin. Scented iyon st maganda ang pagkakagawa. “Gusto kitang imbitahin sa birthday ko. Bilang pasasalamat na rin sa pagiging considerate mo. My family would have appreciate if you come.” patuloy niya. Binaba ko iyon at tiningnan siya. “I would decline. Pasensya ka na. May trabaho ako sa araw na ito. Maraming salamat sa imbitasyon mo, Lianne.” sabi ko. Lumungkot ang mukha niya at tumango. “I understand.” sagot niya. Umupo siya sa upuan na malayo sa akin. Nagsidatingan na ang mga kaklase namin. May ilang napapatingin sa gawi ni Lianne at nagbubulungan. Hindi naman ako bobo para hindi makita kung ano ang mayroon. They’re obviously laughing at her. May ilan pa na minumura na siya dahil sa ginawa niya. Ang pagiging judgemental lang naman niya towards sa nangyari sa amin, alam na ng school dahil sa viral videos. Hindi gaya noon, umiiwas ang mga estudyante kay Lianne Fortalejo. May ilang lumapit sa akin para sabihing kampi sila sa akin. That’s too immature. Tapos na ang issue na ‘yon sa akin kaya hindi ko maintindihan kung bakit nila ibinu-bully si Lianne. They hated her dahil sa ginawa niyang masama but they are doing the same thing now. Sobrang contradicting. Natapos na ang klase. Narinig ko na balak patidin ng mga babaeng nasa pintuan si Lianne paglabas nito. Nagpaiwan ako at pinagmasdan siya na naglilipit ng kaniyang gamit. She wore the strap of her bag at nagsimula nang maglakad nang tumayo ako. Hinawakan ko siya sa braso. Napapitlag siya sa gulat at bumaling sa akin. Nakatingin ang grupo ng mga babae sa amin. Their faces are waiting for a fight to come. But I did not give them that. Bagkus, I found myself asking for the invitation she gave me that I declined earlier. “I will attend your birthday. See you there.” sabi ko at nilagay iyon sa aking bag. Malakas ang boses ko, enough for them to hear it. Gulat si Lianne sa ginawa ko. Tiningnan ko siya sa mata. “Let’s go. Those girls, papatidin ka nila. Sumabay ka sa akin and watch your step.” I whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD