Sa buong klase ko, inisip ko ang nangyaring iyon. Kung iisipin, umiiyak si Janiel noong nakasalubong ko siya sa restaurant. Maaaring hindi niya nga ako nakilala lalo na at hindi naman naging matagal ang pagkikita namin.
Pumasok ako sa bar. Kaunti lang ang tao ngayon dahil weekday. Solemn lang ang aura ng bar. Nagpupunas ako ng bar counter nang matanaw ko sa hindi kalayuan ang mga barkada na pumasok sa bar. Nakasuot pa sila ng pang-office attire. Kumunot ang noo ko nang makilala ang isa sa mga babaeng tumatawa kasama noong isang lalaki.
Kaibigan iyon ni Clyde. Iyong bestfriend niyang tinatawag niyang Therese. Lumingon ako sa paligid. Walang bakas ni Clyde doon. Nakahinga ako nang maluwag.
Habang alam ko pa ang mga nangyayari sa kaniya na hindi niya alam, ayaw ko muna siyang makita. Nakakaramdam ako ng awa sa kaniya. Hindi niya deserve iyon.
Pagkauwi ko sa bahay, tumawag sa akin si Mama. Nasa ospital daw si Ate Eloise sa Hawaii dahil sa appendicitis. Dahil mahal ang cost of living doon, kulang pa rin ang sinasahod nila sa bill ni Ate.
"Sige, Mama. 'Wag kayong mag-alala. May ipon naman ako. Bukas, magpapadala ako." sabi ko.
Tumango si Mama.
"Pasensiya ka na, Anak. Ako dapat ang umaalalay sa'yo dahil kami ng Ate mo ang nasa abroad. Kapag nakaipon kami, ibabalik namin." sabi ni Mama, bakas ang hiya sa kaniyang mukha.
Umiling ako.
"Huwag kang mag-alala, 'Ma. Pamilya tayo at kailangan nating magtulungan. Ipapadala ko na lang sa bangko niyo kinabukasan. Magpahinga na po kayo." bilin ko.
Hinawakan ko ang batok ko pagkababa ng tawag. Tiningnan ko sa cellphone ang laman ng bangko ko. Tanging ang bonus na mula kay Clyde lang ang laman noon. Hindi rin naman sapat ang kinikita ko sa bar at sa restaurant. Sapat lang iyon para sa matrikula, sa renta at sa pang-araw-araw na gastos.
Tinitigan ko ang thirty-thousand na nasa bangko ko at hindi na nagdalawang-isip na i-send iyon sa bangko ni Mama.
Kailangan ko lang kumayod pa at magtipid para makaipon ulit. Kaya kinabukasan, maaga akong nagbihis para maghanap ng mga raket na pang-isang araw lang.
Pumunta ako sa malapit na grocery para mag-part time na bagger ngayong araw. Limang daan ang sahod ko at okay na iyon para sa dalawang araw.
Habang papalabas sa back door, tumawag si Mama.
"Ma?" sagot ko at sinubukang ngumiti.
Basang-basa ako ng pawis. May luha sa mga mata si Mama. Kumunot ang noo ko.
"Karisa," aniya. "Salamat sa padala mo anak. Inooperahan na si Ate mo ngayon." ani Mama.
"Mabuti naman, Mama. Magkano naman ang magagastos niyo diyan?" tanong ko.
Nabalisa ang mukha ni Mama pagkatanong ko noon. Tumigil ako sa paglalakad para mas makausap siya.
“Nasa’yo pa ba ang gold necklace na binigay ni Papa mo bago siya namatay, anak?” tanong ni Mama.
Napahinga ako. Alam ko na ang tinutukoy ni Mama. Palagi kasi naming sinasangla ang kuwintas na iyon kapag nagigipit kami. Hinawakan ko ang kuwintas ko. Ito na lang ang alaala ni Papa sa akin. Ayaw kong isangla ito.
“Gaano ba kalaki ang gastos, ‘Ma? Baka kaya kong gawan ng paraan?” tanong ko.
Kinagat ni Mama ang labi niya at huminga nang malalim.
“Nakatulong namang ang health benefits ng Ate mo, Karisa. Pero magbabayad pa rin ng isang libong dolyar na tira. Nagamit ko na ang naitabi kong pera para sa renta at kaunting gamot ni Eloise.” paliwanag ni Mama.
Malaking halaga iyong isang libong dolyar. Pumikit ako at tumango.
“S-Sige, Ma. Isasangla ko ang kuwintas. Susubukan ko rin na maghanap ng sideline.” saad ko.
“Lumilikom din ako ng donation drive sa Filipino community dito. Mag-ingat ka at alagaan mo ang sarili mo, Karisa. Wala pa naman kami diyan para alagaan ka.” bilin ni Mama.
“Huwag niyo ‘kong alalahanin, Mama. Kayo ni Ate ang mag-ingat. Tatawag na lang po ako mamaya.” sabi ko.
Nangingilid ang luha ni Mama. Nasa hospital pa rin siya, base sa kulay puting pasilyo.
“Sige, Karisa. Mag-iingat ka.”
Gusto ko na lang umupo. Sobrang hirap ng buhay. Saan naman ako kukuha ng isang libong dolyar? Hirap na hirap na nga akong mabuhay na mag-isa.
Naglalakad na ako pauwi nang makita ko sa katabing parking lot si Clyde. May mga dala siyang box na nilalagay niya sa kaniyang sasakyan. Sa gilid niya, bultong mga box pa ang naroon.
Naglakad ako ng mabilis bago pa siya lumingon sa banda ko pero mas mabilis siya.
"Karisa?" tawag niya.
Tumingin ako sa kaniya at tumango para batiin siya pabalik.
"Sir Clyde." bati ko.
Kumunot ang noo niya at tiningnan ako.
"Clyde na lang 'di ba? Saan ka galing? May work ka ba ngayon?" tanong niya.
"D-D'yan lang. Nag-sideline lang ako sa malapit na grocery." sagot ko.
Tumingjn siya sa banda na pinanggalingan ko. Parang may gusto siyang sabihin sa akin. Lumunok siya at tumingin sa halos dalawang dosenang box na kinakarga niya sa sasakyan.
"Okay ka pa ba mag-sideline?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko.
"Huh?" pag-uulit ko.
"I really need help with these boxes. If you want, you can help me and I will pay you." sabi niya.
Ilang beses akong nag-isip. Nasagad ang ipon ko at hindi ko alam kukuha ng gagastusin sa mga susunod.
Tumango ako at sumama sa kaniya. Nakita ko ang mga kahon ng cupcakes. Ngumiti siya sa akin.
"Janiel's baker's sick. We had to order from someone." paliwanag niya kahit hindi ko naman tinatanong iyon.
Maraming mga pastry ang naroon. Nang maiayos naming lahat iyon, sumakay na ako sa sasakyan niya para tulungan siya na i-deliver 'yon.
"Kayang ubusin 'to ng isang gabi?" tanong ko.
Ngumiti si Clyde na parang proud na proud siya.
"Janiel's coffee shop is always jam-packed. Trust me, baka kulang pa 'to for tonight." sagot niya.
Pinanood ko ang daan. Mellow ang music sa kaniyang sasakyan.
"Nga pala, can I ask why are you doing sideline?" tanong niya.
I bit my lower lip.
"May pinag-iipunan lang." sagot ko.
Hindi na siya nagsalita pa. Mukhang naramdaman niya na ayaw kong pag-usapan iyon. Nakarating kami sa isa sa mga shop ni Janiel. Gaya ng sinabi niya, maraming tao roon.
Bumaba kami at tinulungan ko siya na ibaba ang mga cupcake papunta sa backdoor. Tumulong na rin ang isang lalaking staff. Nahirapan ako dahil sa sakbat na bag kaya binaba ko muna iyon sa isa sa mga table sa kitchen.
Ilang balik ang ginawa ko bago matapos iyon. Sa huling kuha ko ng box, hindi na sumama si Clyde dahil kausap niya ang isa sa staff.
Clyde smiled at me pagkatapos kong ilapag ang pinakahuling kahon ng cupcake. I smiled back at him.
“Ito na ang panghuling box.” saad ko at tumungo na sa bag ko.
Tumango siya at tinapik ang balikat ng barista roon. Nilingon ko ang paligid. Wala si Janiel doon.
“Alright. I will drive you home.” sabi niya.
Umiling ako.
“Huwag na. May pupuntahan pa rin kasi ako. Out of the way din—”
“Okay lang. Babayaran pa naman kita for helping me.” sagot ni Clyde at naglakad na papalabas.
Umiling pa rin ako. Ayaw ko talaga. Bukod sa ayaw kong makita niya kung saan ako umuuwi, ayaw kong napupunta kami sa maliit na lugar.
“Dito mo na lang ako bayaran. May pupuntahan pa kasi ako.” pagpupumilit ko.
Kumunot ng bahagya ang kaniyang noo.
“Are you okay?” tanong niya.
Kinagat ko ang labi ko. Mariin iyon. Bakit ba ang kulit niya? Gusto kong tanungin siya pero pinigilan ko ang sarili ko.
“Bayaran mo na lang ako. Kaya ko namang umuwi.” diin ko.
Huminga nang malalim si Clyde at mukhang napagtanto na hindi ako magpapatalo. Tumango siya at hinayaan ako.
Kinuha niya ang wallet niya at kumuha ng dalawang libo roon. Hindi na ako nagsalita at nilagay iyon sa bulsa ko.
“Salamat, Clyde. Mauuna na ako.” sambit ko at agad na umalis doon bago pa niya ako pilitin na sumama sa kaniya.
Mabilis ang mga hakbang ko. Hindi kalayuan ang apartment ko mula rito. May mga shortcut din kasi kaming mga taga-roon. Wala namang humaharang sa akin kasi kilala naman nila ako.
Uminom ako ng tubig mula sa pitsel pagkauwi ko. Kailangan kong maglakad na lang palagi. Sanay naman ako at para na rin makatipid.
Nagbihis na ako at umupo sa sahig para kunin ang perang kinita ko ngayon. Two thousand five hundred. Okay na rin iyong panggastos. Sa isang linggo naman, may suweldo na ako sa restaurant at sa bar.
Binuksan ko ang bag para kunin ang wallet ko nang mapanganga ako. Mag makapal na sobre roon. Nanginginig ang kamay ko dahil may idea na ako kung ano ‘yon.
Unti-unti kong binuksan ang sobre. Napahawak ako sa bibig ko dahil may isang bundle ng puro isang libo sa loob. May 100,000 na naka-imprenta sa bungkos noon.
What the heck? Saan ‘to galing?
Mayroon akong naisip. Iniwan ko ang bag ko sa loob. Hindi kaya…
Kinuha ko ang cellphone ko. Wala akong numero ni Clyde pero maaaring mayroon sa bar dahil VIP namin siya.
Tinawagan ko si Hubert.
Ilang ring pa ay sinagot niya iyon.
“Yes, Kari?” tanong niya.
“Nasa bar ka ba ngayon?” tanong ko.
Posibleng naroon siya. Day-off ko ngayon.
“Papasok pa lang sa backdoor. Bakit?” tanong niya.
Kinagat ko ang labi ko.
“Puwede mo bang hanapin ang numero ni Clyde Luna?”
Saglit na tumahimik ang linya. Bawal iyon pero nagbabakasakali ako. Tumikhim si Hubert.
“Hindi puwede, Kari. VIP siya at bawal na kunin ang mga numero nila. Baka mahuli ako ni GM.” sagot niya.
Huminga ako nang malalim.
“Importante ‘to, Hubert. Kailangan ko talaga.” sabi ko sa kaniya.
“Ganito na lang, Kari. Bakit hindi mo na lang ‘yan gawin sa shift mo bukas? Ayaw ko pang mawalan ng trabaho. Sige na, kinakawayan na ko ni GM.” ani Hubert at pinatay ang tawag.
Pero hindi ako mapakali. Intentional niya bang iniwan ito? O baka bukas may pupunta na naman sa akin para sabihing nagnakaw ulit ako?
Nag-isip pa ako ng ilang oras bago ako nagpasiya.
Nagbihis ako at agad na pumunta sa bar. Sa takot na baka bigla akong ma-hold-up, pumara pa ako ng taxi at mahigpit na hinawakan ang bag ko.
Dahil kilala ako ng bouncer, pinapasok naman niya ako. Maingay at magulo na agad ang lugar. Maraming nagtatawanan at mga naninigarilyo.
Lumingon ako sa bar counter at nakita si Hubert na nakangiti habang kinakausap ang mga customer. Naglakad ako papunta sa loft. Natanaw ko kasi ang pamilyar na si Agape.
Lumakad ako papunta sa banda niya. Nakaakbay siya sa dalawang babae na panay ang bulong sa kaniya.
“Agape,” tawag ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin.
“Oh, Karina?” tanong niya.
Umiling ako.
“Karisa.” pagtatama ko.
Humalakhak siya at inalis ang akbay sa dalawa. Pinandilatan naman ako ng mga ito. Agape stood up and faced me.
“Sorry. I’m confused with names all the time. So, what’s up, Karisa?” tanong niya.
“Puwede ko bang mahingi ang numero ni Clyde?” tanong ko.
Tumaas ang kilay niya at sumipol.
“What? That man is already engaged, Karisa. I don’t think it’s proper to shoot your chance at this moment.” aniya.
Nalaglag ang panga ko.
“Hindi ako interesado sa kaniya. Kailangan ko lang siyang makausap dahil may naiwan siya sa akin.” sagot ko.
Ngumisi si Agape.
“Oh, right! Akala ko naman…” sabi niya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa.
He showed it to me na agad kong kinopya sa aking phone. Tumango ako.
“Salamat.” sabi ko.
Sumaludo siya sa akin bago umupo ulit sa sofa. Lumabas ako ng bar para tawagan siya.
“Hello?” aniya sa malalim na boses.
Lumunok ako.
“Si Karisa ‘to.” sagot ko.
Narinig ko ang paggalaw niya mula sa kabilang linya. Siguro ay natutulog na siya ngayon.
“Nakaistorbo ba ako?” tanong ko, biglang nakaramdam ng hiya.
“Hindi naman. What’s up?” tanong niya.
Huminga ako nang malalim.
“Ikaw ba ang nagbigay ng pera sa akin?” diretsang pagtatanong ko.
Hindi siya sumagot.
“Ibabalik ko ito sa’yo. Masiyadong malaking halaga…” pagpapatuloy ko pa.
“No worries. Hindi ko naman sinisingil. I just want to ease your burden. Sabi mo kasi may pinag-iipunan ka.” sabi niya.
Kumunot ang noo ko. Isang daang libo para sa pagtulong? Grabe naman!
“Hindi mo naman kailangan na tulungan ako.” sabi ko.
Tumikhim siya.
“But I’d like to. I feel that you really need it right now. Don’t refuse my help, Karisa. You’re a friend of mine.” He convinced.
Natahimik ako. Ilang beses na niya akong tinulungan. Talagang kaibigan ang tingin niya sa akin.
Pero desperado na rin ako. Kung tatanggihan ko ang tulong niya, at tatagal pa si Ate Eloise sa hospital, mas lalaki ang bill na babayaran.
“Babayaran kita, Clyde. Hindi agaran pero magbabayad ako.” sabi ko.
He sighed.
“You can pay me by working on Janiel’s coffee shop. She’s really in need of a barista. I want to help you both. I know I said na pag-isipan mo but I could really use your help, too.” He said.
Natahimik ako.
“S-Sige.” sagot ko. Pumikit ako at madiin na kinagat ang labi bago magpatuloy, “Magtatrabaho ako sa coffee shop ni Janiel. Bigyan mo ako ng isang linggo para ayusin ang lahat.”