Wala ako sa mood habang nasa isang sikat na restaurant kami ni Luis at kumakain. “Am I boring you?” tanong ni Luis at masuyong tumingin sa akin. Kinagat ko ang labi ko at nabalik agad sa katinuan. “H-Hindi. May naisip lang.” sagot ko at ngumiti. Umiling ako at sumubo sa pagkain ko. Ilang araw na kasi simula nang malaman ni Clyde ang nangyari. At ilang araw na rin siyang hindi nagpapakita. Huling beses ko siyang nakita, tulog na tulog pa siya sa unit niya. Umalis na rin kasi ako dahil dumating ang mga Luna roon. Hindi rin siya pumupunta sa bar. Nahihiya naman akong magtanong kina Therese ng update man lang. Pinagdadasal ko na lang na sana maayos na siya. Umugong ang usapan na wala na sila. Maging sa coffee shop, hindi nagpapakita si Janiel. Kami lang ni Analyn doon. “May nar