I’ve been into three dates with Luis. Isa lang ang masasabi ko. Hindi naman pala siya ganoon gaya ng iniisip ko. We have so much to talk. Mabait siya, matalino at sa base ng pagsasalita niya, he’s very serious. Facade niya lang talaga siguro ang pagiging kuwela. Halos hindi na nga sumasagi sa isipan ko na lumalabas ako kasama siya para kay Clyde. Genuine ang pagka-enjoy ko sa usapan namin. Mayaman siya pero hindi kasing sheltered ng iba. Marami siyang alam sa paligid kaya kung hindi mo alam na mayaman siya, iisipin mong ordinaryo lamang siya. “I will see you again next week.” aniya at kumindat sa akin. Naglalakad kami sa eskinita papunta sa apartment. Iniwan niya kasi ang sasakyan niya sa may kanto. Ayaw kong ipasok niya iyon dito dahil baka mapagdiskitahan siya ng mga tambay sa tabi