Naging mainitin ang ulo ni Clyde sa mga nagdaang araw. Dahil doon, marami na rin siyang nasisante. Ang mabait at masayahin niyang pagkatao, ngayon ay naging kinatatakutan na. Kami lang ni Analyn ang nasa coffee shop. Palagi niya kasing nasisisante o ‘di kaya nag-re-resign ang mga empleyado niya. Lumabas ang ka-ha-hire pa lang noong isang linggo mula sa locker. Kinagat ko ang labi at agad na tiningnan ang box na dala niya. Suminghap si Analyn. “Mukhang tayo na naman dito, Karisa?” aniya at nagpatuloy sa pagpupunas ng counter. Lumunok ako. This is getting worse and worse. “Ilan pa kaya ang ma-ha-hire at masisisante ngayong linggo? Sana lang, magkabalikan na sila ni Ma’am Janiel para bumalik na sa dati.” hiling ni Analyn. Natahimik ako. Hawak ko ang mop ng mahigpit. This is very