I cried that whole night. Hindi ko lang pinahalata kay Jacob na umiiyak ako noong kumatok siya. Mahirap palang mag-pretend lalo na at gusto mo ng umiyak. We ate in silence that night. Si Clyde, hindi makatingin sa akin. Ako naman, kausap lang at sinasagot ang mga kuryusong tanong ni Jacob. At least, one of us was happy that night. I woke up early. First day of school kasi ni Jacob. I woke him up and prepared his uniform. Nagluto rin ako ng mga ilalagay ko sa lunch box niya. The driver texted me na nasa baba na siya. Nagtalaga kasi si Joseph Luna ng hahatid at susundo na driver sa apo niya. Sumakay kami sa elevator. I clicked on the ground floor button. Bumukas ang pintuan. Hinila ko ang trolley bag ni Jacob at tinulungan siyang sumakay sa van. “Magandang umaga, Ma’am Karisa.” pa