May parte sa akin ang nasaktan dahil sa kaniyang panghuhusga pero naiintindihan ko rin ang pinanggagalingan niya. Hindi masiyadong hands on na ama si Clyde kay Marco. He is more of a provider to him. Minsanan lang niya makita si Marco. And every time it happens, palaging awkward para sa kaniya. “Hindi ko siya sinaktan, Clyde. Kilala mo ako. I would never hurt anyone.” saad ko. Umawang ang labi niya at tumango. He sighed, kinakalma ang sarili sa biglaan niyang outburst. “Alam ko, Karisa. You will never do that. It’s just, I do not know what to do or to believe anymore.” pag-amin niya. Natahimik ako. Hinilamos niya ang kaniyang palad sa kaniyang mukha. “I am sorry, Karisa. Naghalo halo lang ang frustration ko sa lahat.” sabi niya. I nodded. Naiintindihan ko siya. Sa lahat nama