Napanganga na lamang ako ng buksan ni Clyde ang pintuan ng penthouse. Sampung beses ang laki noon kumpara sa luma niyang unit. At talaga namang napakaganda ng loob noon. Para iyong mamahaling hotel. Purong glass ang tatlong dingding, kitang kita ang kabuuan ng siyudad. Jacob ran inside. Gaya ko, namamangha rin siya. Hawak ko ang maleta namin at tiningala ang engrandeng ceiling. The penthouse has a second floor. At maging ang sraircase ay napakaganda. “You like it?” tanong ni Clyde sa anak na panay ang hawak sa mga muwebles. Tumango si Jacob at nakangisi. “Is this our new house? I could drive a bike in here!” sabi niya. I swallowed. Tumawa si Clyde at tumingin sa akin. Humakbang siya papalapit sa akin. “What do you think, Kari?” tanong niya. Nagulat ako roon. Hindi ko alam kung