Dumating ang panibagong linggo. Ilang araw na simula nang ibigay sa akin ni Clyde Luna ang mga sapatos na peace offering raw niya. Tinitigan ko iyon ng tatlong minuto bago ko napagpasiyahang isuot ito.
Wala naman sigurong mawawala sa akin kung gagamitin ko iyon. Wala na rin naman akong choice dahil bumigay na nang tuluyan ang sapatos ko. Wala akong budget para paigawa iyon sa ngayon. Saka maabala pa ako sa pagdaan sa palengke para ipa-repair ito.
Maaga akong pumasok sa University nang sa ganoon ay maiwasan ang mga bulungan tungkol sa akin. Kahit kasi sinabi na sa akin ni Clyde na naayos na niya, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pagdududa na baka ganoon pa rin.
May ilang tumitingin sa banda ko, pero walang nangahas na pag-usapan iyon nang naririnig ko. It was better. Natapos ang pang-umagang klase ko. Mabilis ang mga galaw ko na nagligpit. Ngayong lunch time kasi may ina-apply-an akong trabaho at may interview ako roon.
Isang strap ng bag ang nasa aking balikat, nagmamadali akong lumabas sa university para tumakbo papunta sa direksyon ng isang malapit na restaurant. Gusto kong makaipon para mas makapag-enroll ng mas maraming subject next semester. Mahal ang tuition sa Gemini University dahil eskuwelahan iyon ng mga mayayaman.
Labing limang minuto pa ay dumating ako sa harapan ng restaurant. Pawis na pawis ako mula sa pagtakbo. Maganda ang restaurant na iyon. Isang al-fresco type na restaurant iyon pero ang pinaka-cashier at opisina ay nasa loob ng isang maala-glass house. Ang dining naman ay napapalibutan ng mga magagandang halaman at damang dama ang preskong hangin doon.
Pumasok ako at pumunta sa cashier.
“Magandang tanghali. Nandito ba ang Owner? Nakausap ko siya kagabi sa telepono. May interview ako ngayon.” sabi ko sa babae.
Tumango ang babaeng nandoon.
“Ikaw 'yong mag-a-apply?" tanong niya na agad kong sinang-ayunan, "Maghintay ka muna sa mesang iyon, Miss. Tatawagin ko lang si Sir.” sagot niya.
Umupo ako at sinunod iyon. Nakita ko ang trabaho na ito mula sa isang part-time posting sa internet. Maganda ang pasahod at maayos lalo dahil malapit sa University. Matagal kasi ang mga vacant ko sa pagitan ng umaga at panghapong klase.
Lumabas ang isang lalaki mula sa maliit na opisina. Ngumiti ito sa akin kaya naman agad akong tumayo para salubungin siya.
“I am Roce Gerardo, the owner of this restaurant. Ikaw si Karisa? ‘Yong nakausap ko sa chat kagabi?” tanong niya.
Tumango ako at tinanggap ang inaalok niyang handshake.
“Ako nga po. Nice to meet you, Sir.” sagot ko.
Ngumiti siya at nilahad niya ang upuan na kanina kong inuupuan.
“Puwede ka nang umupo.” sabi niya.
May dinalang inumin ang isa sa mga barista. Uhaw na uhaw ako pero nahihiya naman akong mauna pang uminom kaya pinigilan ko ang sarili. Binuklat niya ang resume na dala ko.
“Full time ka sa Twist Me Bar?” tanong niya.
Tumango ako.
“If I hire you, paano ang work schedule mo? Is it okay for you to work in the morning? Paano ang schooling mo? I see that you’re from Gemini University?” tanong pa nito.
“Okay lang po. Kaunti lang ang subject na nakuha ko po this semester. Nakita ko po sa job posting na five-hour shift lang ang hinahanap niyo?” tanong ko.
He nodded and closed my resume.
“So, why are you looking for a part-time job?” tanong niya.
Binasa ko ang labi.
“I want to be independent, Sir. Nag-iipon po ako para makuha ko na lahat ng subject na kailangan kong i-take next semester.” sagot ko.
Kinuha niya ang tasa ng kape at uminom doon. Bata pa siya at mukhang nasa edad na hindi kalayuan kay Clyde Luna. Presentable at lahat sa kaniya ay sumisigaw ng kayamanan.
“Can you handle the workload? I am looking for a good employee. Can you promise me na magiging dedicated ka as waitress dito?” tanong niya.
Tumango ako.
“Yes, Sir. I do everything with my hundred percent all the time.” sagot ko.
“If that’s the case, you are hired. Just keep your phone open. May co-contact sa’yo for trainings and salary discussion. Welcome to the team, Karisa.” nakangiting sabi niya.
“Salamat po. You can call me Kari, Sir Roce.” balik ko sa kaniya.
“Kari it is,” sabi niya.
Ngumiti ako at tumango.
We shook hands.
Uminom ako saglit bago ako lumabas. Nakahinga ako nang maluwag. Naglakad na ako papunta sa direksyon ng University para sa klase ko sa hapon. Halata sa mukha ko ang kasiyahan kaya naman ng may bumusina sa tabing kalsada, agad napawi iyon dahil sa gulat.
Nilingon ko iyon.
Isang puting SUV ang tumigil. Bumaba ang bintana noon at nakita ko ang nakangiting si Clyde sa akin. Dumapo ang mga mata niya sa sapatos na suot ko.
“Saan ka galing?” tanong niya sa akin.
Kumunot ang noo ko.
“Diyan lang. Ikaw? Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko.
Ngumisi siya sa akin.
“I will pick up my mom. Nasa University siya ngayon for a board meeting. Doon ka rin ba?” tanong niya.
Kinagat ko ang labi ko at tumango. He pushed a button and I heard the lock clicked.
“Great. Sakay ka na para hindi ka na maglakad.” he offered.
Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag.
Nakakaakit ang offer niya. Mainit na rin kasi ang araw dahil tanghaling tapat na. Isa pa, kung lalakadin ko ang school, mga halos sampung minuto rin iyon.
Pinapanood niya ako mula sa loob.
“Hindi na. Maglalakad na lang ako. Malapit naman ang—”
“Kaya nga. You can ride with me para mas mabilis. Come on, Kari. Mainit sa labas.” pagputol niya sa aking sasabihin.
Lumunok ako.
“Kung hindi ka sasakay sa sasakyan ko, pakiramdam ko may galit ka pa rin dahil sa nangyari noong— ”
Bago niya matapos ang kaniyang sasabihin, lumapit na ako. Para namang nabunutan siya ng tinik at hinayaan akong sumakay sa front seat. He locked the doors while I am wearing my seat belt.
Tumikhim ako at tumingin na sa unahan.
Naninimbang ako sa hangin sa pagitan namin. He immediately drives. Ang amoy mint niyang sasakyan, ang umaatake sa aking ilong. Samahan pa ng medyo may kahinaang boyband music.
“Nag-lunch ka kaya ka nasa labas?” he asked again.
Tumingin ako sa kaniya saglit at umiling.
“Hindi. Nag-apply ako ng trabaho.” pagsagot ko.
Wala naman akong nakikitang mali kung sasabihin ko ang totoo. Mas mahalaga ang pera kaysa pagkain ko sa tamang oras sa panahong ito. Hindi rin ako kumakain ng lunch dahil may kamahalan iyon sa cafeteria. Sosyal at may mga pangalan kasi ang tinitinda roon dahil lahat namang estudiyante rito, kayang kaya ang presyo noon.
“Oh, really? But you have a job at the bar, ‘di ba?” tanong niya.
Natatanaw ko na ang gate ng University.
“Oo. Pero trabaho tuwing vacant ko ‘yong in-apply-an ko.” saad ko at nag-iwas ng tingin.
Namamangha siyang tumango sa akin.
“And you’re still running for latin honors? You are awesome, Kari. How did your application go?” tanong niya ulit.
I sighed. Hindi ko alam kung totoo bang may pakialam siya sa bagay na ito o nililibang lang niya ang sarili sa biyahe. We stopped at the gate. Mabilis na binuksan ng guard ang gate at nagawa pang sumaludo sa kaniya.
“Natanggap naman ako.” sagot ko.
Tumango siya at ngumiti.
“Good. If you need some help, you can ask me. My girlfriend owns a coffee shop near here. I can always refer you but you’re hired now so you might don’t consider it right now.” he kindly said.
Umiling ako.
“Salamat na lang, pero okay na ako roon.” sagot ko.
As much as possible, ayaw ko na masiyado kaming maging malapit. Mabait si Clyde Luna. Pero hindi ako kumportable sa pinapakita niyang iyon. Masiyadong weird ito. Parang noong isang araw lang, galit ako sa kaniya dahil sa gulong ginawa niya at ng pinsan niya. Tapos ngayon, gusto niya akong tulungan?
Tumigil siya sa isang parking slot na reserved para sa mga opisyales ng eskuwelashan. Sabagay, major stockholder ng Gemini University ang mga Luna.
Pinatay niya ang makina ng sasakyan at tumingin sa akin. Nagkukumahog ko namang sinapo ang mga librong dala ko.
“Salamat sa libreng sakay,” sabi ko at akmang bubuksan ang pintuan.
Natigilan ako sa pagbaba dahil bigla siyang nagsalita.
“I see that you’re wearing the shoes I gave you. It’s good to know na kasya sa’yo.” he said.
Pumula ang pisngi ko. Sa araw pa talaga na napagpasiyahan kong isuot, saka ko naman siya makikita?
“A-Ah… Salamat nga rin pala rito. Hindi naman kailangan nito. Babayaran ko na lang kapag naka-bonus ako o ‘di kaya tip.” saad ko.
Tumaas ang kilay niya at umiling.
“No. I don’t mean it like that. Hindi naman kita sinisingil. You keep that, Kari.” aniya.
Tumango na lang ako at bumaba na.
“S-Sige. Salamat ulit.” sinabi ko iyon ng hindi man lang tumitingin sa kaniya.
Diretso na ang lakad ko papalayo roon. Hindi ko siya nagawa man lang na lingunin. Hindi ko alam kung bumaba na rin ba siya o pinapanood niya ako. Saka lang ako nakahinga, noong lumiko na ako sa hallway papunta sa building.
Bakit ba ang liit ng mundo naming dalawa?