Clyde and Janiel eventually fixed their misunderstanding. Sabay na silang pumapasok sa coffee shop. Gaya nang dati, Luis would stop by everyday just to see me. Mailap pa rin si Janiel kahit nag-usap na kami at nalinaw ko na sa kaniya na wala akong balak sabihin kay Clyde ang alam ko. Busy ako sa counter nang bumukas ang pintuan. Nagtama ang mata namin ni Luis Fortalejo. Gusto kong magmura dahil hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako tinatantanan. Ngumiti siya sa akin at agad na lumapit. I could see Clyde’s eyes darted on his cousin. Ito kasi ang pang-apat na pagkakataon na nakikita niya ang pagpunta ni Luis dito. “Good morning, gorgeous.” pagbati ni Luis sa akin. Hindi ako nagsalita. Nanatili ako sa harapan niya para hintayin ang anumang o-order-in niya. “One hot mocha coffee to