Kim's point of view
Problemado akong napatingin sa aking kaibigan, paano kami gagawa ng reaction paper. Pareho kaming hindi nakaakyat sa bundok at pareho din kaming nakatulog sa edukasyonal na palabas.
"Anong gagawin natin?" Bulong ko sa aking kaibigan.
"Paanoorin natin ulit ang palabas." Agad na sagot ni Jo.
"Paano?"
"Eh di manuod tayo ulit, on going pa naman sa mga sinehan."
"Ang hirap nun Jo kasi, 4pm dismissal ng klase natin sa hapon. Tas pipila pa tayo sa mall tapos ilang oras yung movie. Super late na nun, paano natin magagawa ang reaction paper natin. You know naman na hindi tayo sanay mag puyat."
"Oo nga ano, wait tatawagan ko si Kuya Rowan kung pwede niya tayo bilhan ng DVD." Bulong ng aking kaibigan
para nakatawag kay Kuya Rowan.
Nagpa-alam ang aking kaibigan para mag cr at ilang saglit ay bumalik siyang nakasimangot.
"Wala pa daw copy." Bulong ng aking kaibigan kaya sabay kaming napahinga ng malalim.
Natapos ang klase naming buong maghapon na hindi namin alam ang aming gagawin. Napagpasyahan namin na kausapin si Sir Duke para bigyan nalang niya kami ng panibagong project. Inabangan namin siya sa paradahan ng tricyle habang ang sundo ng aking kaibigan ay naghihintay sa amin.
"Ayan na si Sir." Bulong ko kay Jo.
"Sir!" Malakas na sigaw ng aking kaibigan kaya natigilan ang aming guro.
Mabilis kaming lumapit sa kanya at ako ang itinulak ng aking kaibigan na makipag-usap kay Sir.
"Sir, may sasabihin sana po kami." Nahihiyang sambit ko dahil kahit pawisan si Sir Duke ay ang bango niyang tignan at parang mas lumalaki ang kanyang mga muscles.
"What?" tanong niya na sobrang seryoso, kinabahan tuloy ako. Bakit parang ang sungit ata ngayon ni Sir.
"Sir, pwede po bang bigyan na lang po ninyo kami ng bagong project ni Jo. Alam namn po ninyo na nakatulog kaming pareho sa movie." Sambit ko na napalunok sa sobrang kaba.
"Okay, your new project. Hmmm! Okay, I want you both to lose weight 2 kilograms in one week. If you can not do it then it means that you both don't have a grade.
Nagkatinginan kami ng aking kaibigan at pareho kami ng iniisip. Madali lang naman dayain ang kilohan kaya pumayag kami pero nagulat nalang kaming dalawa na dahil sinamahan niya kami na bumalik sa school at doon nag pakilo. Pinaalis niya ang aming mga sapatos pati cellphone.
"Kim magpabigat ka." Bulong ng aking kaibigan dahil ako ang unang sumalang. 87 kg ako habang si Jo ay 87.9 kg. Napanguso ako dahil mas ang galing ng kaibigan ko na nagpabigat. Alam ko naman na mas mataba ako sa kanya.
Pagkatapos ay inilista ni Sir Duke ang aming mga timbang at sinamahan na niya kami sa sasakyan ng aking kaibigan.
Pagkasakay namin ay tinanong ko kung anong ginawa niya.
"Nagbabigat ako." Sagot niya.
"How?" Nagtatakang tanong ko.
"Basta hindi ako nag relax at idiin ko ang aking mga paa sa timbangan. Tapos next week ay magpagaan naman tayo." Sagot ng aking kaibigan.
Mabilis na lumipas ang isang linggo at kailangan na I check na ni Sir Duke ang aming mga timbang. Sa nakalipas na isang linggo ay binawasan ko ang aking kanina at matatamis.
Kahit din ang aking kaibigan ay ganun din ang ginawa. Oras na para tignan ang aming timbang. Si Jo ang una at nabawasan ang kanyang timbang ng 2.5 kilos kaya masaya niya akong niyakap.
Kinakabahan akong nag timbang at tumayo ako sa timbangan ay halos sabay-sabay kaming tatlo na napatingin sa timbangan. Nabawasan ang aking timbang ng tatlong kilo kahit hindi ako nagpagaan. Sobrang saya naming magkaibigan na nagyakapan.
"Congratulations, keep it up." Bulaslas ni Sir.
"Sir, birthday namin ng kambal ko at pati si Kimie ay kasama sa aming birthday party please come. Susulit kami mamaya ni Kimie sa pagkain." Masayang sambit ng aking kaibigan at napailing nalang si Sir.
Masaya akong umuwi at mabilis na nagpalit ng damit. Hindi nakasama si Yaya dahil sumakit ang kanyang likod kaya si Sir ang sumundo sa akin.
Ibinigay niya kasi ang kanyang numero kanina kaya Chatmate ko na si Sir.
Pagdating namin doon ay napahawak ako sa malaking braso ni Sir dahil ang gaganda at sexy ng mga bisita nila na parang ang yayaman.
Lahat ng kaibigan ng Daddy at Mommy ni Jo ay dumalo kaya hiyang-hiya ako.
"Sir, dito nalang tayo." Nahihiyang sambit ko at hinila si Sir Duke sa pinakagilid na mesa.
Ilang saglit ay nagsalita ang announcer.
"Miss Samonte pinatatawag ka ni Joanna Di na pumasok ka daw sa kwarto niya." Sabi ng announcer kaya nagpa-alam ako kay Sir Duke.
Ilang beses na akong nakapasok sa malaki nilang bahay kaya alam ko ang kanyang kwarto.
Hingal akong kumatok dahil may hagdanan din sila. Pagkatok ko ay nagbukas ang pinto at naka bihis na ito, ang ganda ng aking kaibigan.
"Happy birthday Jo." Masayang bati ko at nagyakapan kami ng mahigpit.
"Halika bilis magpalit ka." Excited na utos ng aking kaibigan at naluluha ako dahil ang ganda ng damit na isusuot ko.
Tinulungan niya akong maghubad at isuot ang magandang dress. Tago ang akong bilbil at parehong ang maganda naming mukha ang lutang na lutang. Sobrang nagpasalamat ako sa aking kaibigan at may kumatok din sa pinto. Pagbukas ay ang Daddy ni Jo.
"Ang gaganda naman ng dalawang dalaga ko." Bulaslas ni Tito Josh na unang niyakap si Jo at sumunod ako. Hiyang-hiya akong yumakap din sa kanya.
"Ready na ba kayo, naiinip na si Jansen kahihintay sa inyong dalawa." Natatawang sambit ni Tito.
"Hayaan mo siya Daddy." Sagot naman ng aking kaibigan.
"Jo, nahihiya ako." Bulong ko sa aking kaibigan nang papalabas na kami sa kanyang kwarto.
"No, Kim. Hindi ka man nagpa adopt sa amin ay anak din ang turing ko saiyo. You just don't know how thankful I am sa Daddy mo. Alam mo ba na isa ang Daddy mo sa mga nagbantay noon kay Tita Danna mo sa isang Isla habang pinagbubuntis niya sina Danna at Jansen dahil nanganganib ang kanyang buhay. Ewan ko ba kasi sa Daddy mo, pinilit kong mag stay sa amin pero pinili niya ang mga Mondragon eh mas mayaman naman ako sa mga iyon." Pabirong sambit ni Tito at natawa tuloy ako na naiiyak.
Magkabilaan na nakahawak kami sa braso ni Tito Josh. Nakayuko ako dahil hiyang-hiya talaga ako. Nang magsalita si Tito Josh ay pinakilala din niya ako bilang anak nila ni Tita Danna na yumakap din sa akin. Sabay-sabay nila kaming tatlong kinantahan ng birthday song at hindi maiwasan ang hindi mapaluha dahil ang laki ng cake. Nagkatinginan kami ng aking kaibigan at alam na this.
Nagkaroon din ako ng 18 flowers at si Sir Duke ang huling nagbigay sa akin ng bulaklak habang ang bestfriend ko ay si Kuya Rowan. Si Jansen ay mas pinili na isayaw si Tita Danna.
"Happy birthday." Bulong sa akin ni Sir habang kami ay sumasayaw.
"Thank you, Sir." Sagot na pinipigilan ang aking sarili na makilig dahil nakakahiya kay Sir.
Ilang saglit ay lumapit si Rafael ay gusto niya din akong isayaw. Ibinigay ako ni Sir kay Rafael at napa simangot ako.
"Type mo yun? Kim matanda na iyon?" Bulong niya.
"Macho at gwapo naman." Sagot ko.
"Kulubot na ang itlog at tt nun." Bulaslas niya sabay tumawa.
"Ang bastos mo talaga." Inis nang sagot ko.
"I am just stating the fact, Kim."
"Ewan ko saiyo, halika na kanina pa ako natatakam sa cake." Sabi ko na iniwan siya pero sumunod siya sa akin.
"Kim, kiss tayo para ako ang first mo." Bulong niya habang kumuha na ako aking cake.
"Ayoko nga, ang gusto kong maging first kiss ko ay yung mapapangasawa ko." Sagot ko na lumingon sa kanya at napa kagat labi ako dahil nasa likuran niya si Sir Duke.
Hiyang-hiya tuloy akong yumuko at pumunta na sa aming mesa dala ang aking malaking hiwa ng cake. Ito kasing si Rafael pahamak.