Duke's point of view continues
Pagkatapos kong magbababad ay pumunta na ako sa aking kwarto para tulungan ang aking kapatid. Napailing ako dahil nasa kwarto ko na ang napakaraming documento na pipirmahan. Dinner time na ng natapos ko ang lahat, habang inaayos ko na ang aking mga mesa ay may kumatok.
Tumuigil na muna ako pansamantala para buksan ang pinto, si Tetay na tinatawag na akong kumain.
"Next time use the phone para hindi ka na mapagod na umakyat pa."
"Sir, wala nang next time dahil uuwi na ako bukas. Kaya po ako umakyat dahil kukunin ko na ang aking pamasahe para bukas ng maaga ako aalis.
"Okay, how much is your fare?" Tanong ko na inilabas ang aking wallet.
"One thousand five hundred plus, yung babayaran ko sa project namin na two hundred. At sir pwede po bang padagdag ng isang libo?" Tanong niya na ikinatigil ko sa pagbukas ng aking wallet.
"Why?" Tanong ko ang nasa isip ko ay pang allowance niya ang kanyang isasagot.
"Ibibigay ko po sa boyfriend ko yun isang libo Sir para hindi na siya mapagod na magmasahe ng mga mayayaman sa amin. Nag-iipon din yun kasi ng pera para sa Lola niyang maysakit."
"Napaka bata mo pa sugar Mommy ka na." Sambit ko at napa nguso siya.
"Sir, ala mo ba si Buloy ko. Siya ang nag-iigib ng tubig namin at higit sa lahat lagi niyang hinihilot ang aking puson kung darating ang aking buwanang dalaw."
Napamura ako sa aking isipan dahil parang tama nga ata ang sinabi ng aking kapatid na mabububtis ito pag-uwi niya sa kanilanhg probinsiya.
"Tetay, ilang taon na ulit ang boyfriend mo?"
"Sampo Sir." Agad na sagot niya.
"Bakit ang bata at napakabata mo pa para mag boyfriend baka hindi pa nga siya tuli." Sambit ko na hindi ko na ibinalik ang wallet ko sa aking bulsa dahil hindi ko na siya bibigyan ng pamasahe pabalik sa probinsiya. Dito nalang siya sa manila manirahan.
"Paano matutuli si Buloy Sir kung pareho kaming may pepe." Bulaslas niya at napa ubo pa ako.
Napahugot tuloy ako ulit sa aking pitaka at binigyan siya ng sampong libo. Namilog ang kanyang mga mata sa mga ibinigay ko.
"Sir, ang dami naman nito?" Tanong niya na binilang pa ang perang ibinigay ko.
"Okay lang, mabait yata ang boyfriend mo dahil siya ang nag-aalaga sa kanyang lola."
"Opo, sobrang bait po nun at ang gwapo pa. Nakita ko nga nga sa TV na kamukha niya ang general dito."
"Sige, baba na ako. Ingat ka sa pag-uwi bukas at mula ngayon ay skolar ko na kayo ng boyfriend mo. Kada buwan ay magpapadala ako ng allowance ninyo na dalawa basta huwag ninyo pabayaan ang inyong pag-aaral."
"Wow, talaga Sir. Naku hero ka nga talaga. Si Captain america ka nalang Sir dahil ang pangit ni Hulk." Sambit niya at natawa na ako.
"Siya nga pala Sir, paano mo ipapadala ang allowance namin? Tandaan ninyo wala akong cellphone at magkano naman ang ibibigay mo Sir kada buwan?"
"Tig limang libo kayo ng boyfriend mo kada buwan. May bayan naman sabihan ko nalang ang tiyahin mo na siya na ang magpadala sa mga remittance doon sa inyo.
"Wow, talaga Sir! naku tiyak na masisiyahan ang Buloy ko. Huwag ninyong kalimutan na magpadala Sir dahil aasa kaming dalawa." Sabi nito at napangiti ako na may patango.
Masaya siyang bumaba at bumalik na rin ako sa aking mesa para ipagpatuloy ang na ayusin ang mga dukumentong napirmahan ko. Malaki sana ang ibibigay ko kay Tetay pero naisip ko na bata pa siya at baka masilaw siya sa pera. Mas maganda na sakto na lang muna ang ibibigay ko na alllowance nila ang kanyang boyfriend.
Kinabukasan ay umalis na nga si Tetay at nag iwan pa ng sulat. Sana daw ay hindi ko kakalimutan ang aking pangako dahil napakalaking tulong sa kanila ang limang libong allowance kada buwan. Napangiti nalang akong inilagay ito sa aking mesa at pumasok na rin sa paaralan na pinapasukan ko.
Nagtaxi na lang ako at nagpahatid sa pilahan tricycle. Lagi ko itong ginagawa kung Lunes dahil galing ako sa mansion. Kapag martes hanggang sa huwebes ay nasa inuupahan ko naman na bahay kaya puro tricycle ang aking sinasakyan.
Pagdating ko ay napahugot ako ng malalim dahil nag-aabang na naman ang isang guro na may gusto sa akin.
"Duke hi good morning!" Nakangiting bati niya at tinignan ko lang siya.
"Alam mo Duke, kung tayo ay hindi ka na masisikipan sa tricycle. Alam mo naman na may sarili akong kotse pwede pa kitang turua para ikaw ang mag drive sa car ko." Sabi niya na humabol sa akin.
Ilang buwan palang ang guro na ito, gaya din siya ng ibang guro na mapapagod din. Apat na taon narin akong mahigit na nagtuturo dito at hindi na mabilang sa kamay ko ang sumubok na tuksuhin ako. Nagpipigil lang ako na hindi sila barahin na hindi ko sila type. Binilisan ko ang aking paglakad at hindi na siya nakahabol pa sa taas ng kanyang takong.
Pagdating ko sa room ay agad na hinanap ng aking mga mata si Kim. Gaya ng dati ay nag-uusap sila ni Joanna. Natutuwa ako sa bata na ito dahil kahit sobrang yaman niya ay mas pinili niyang mag-aral diton kaysa sa sarili nilang paaralan na pinakasikat dito sa Pilipinas.
Kinuha ko ang kanilang attensiyon at lahat ay nakatingin na sa akin.
"Malapit na ang inyong graduation, ang huling ipapasa nalang ninyo ay ang reaction paper tungkol sa ating cummunity service. Ang sino man na hindi maka pagbigay ay maapektuhan ang kanilang grado." Seryosong sambit ko na napatingin sa dalawa na tulog sa sinehan na nagbubulungan.
"Sir, kailang ipapasa?" Tanong ni Joanna.
"Bukas." Sagot ko at nag-asim ang mukha nilang dalawa. Dumating na ang mag tuturo sa kanila ng unang subject nila kaya pumunta na ako sa faculty room.
Pagpasok ko ay biglang nagsara ang pinto at nagulat ako dahil ang bagong guro ay huba't hubad. Dalawa lang kami sa faculty room at ang CCTV at natakpan ng panyo.
"Duke!" Sambit niya na papalapit sa akin kaya mabilis kong binuksan ulit ang pinto pero humarang siya sa aking harapan.
"Get out of way or mapapatay kita!" Galit ko na sambit at nakita ko ang takot sa kanyang mukha kaya umalis na siya sa aking harapan at nabuksan ko ang pinto.
Gusto ko sanang alisin ang guro na ito pero binabayaran niya ang kanyang sasakyan na hulugan at may loan pa. Kung hindi lang siya babae ay sinapok ko na ang kanyang mukha.
Pumunta nalang ako sa canteen para magpalipas ng oras. Umigting ang aking mg panga dahil kahit ang may ari din ng canteen ay nagpaphiwatig na rin. Umalis nalang ako at pumunta sa harapan ng room at hintayin nalang ang guro na matapos kaysa makasuntok ako ng mga babae.