Chapter 10

1007 Words
Kim's point of view continues "Kim, enough nakailang piraso ka na ng cake." Saway sa akin ni Sir Duke. "Sir, hindi pa nga nakalahati ang cake." Sagot ko naman na napatingin sa kaibigan ko na sinusubuan ni Kuya Rowan. Mapapa sana all ka na lang. Nagulat ako ng sa plate ko na kumuha si Sir ng cake. Parang uubusin pa niya ata kaya mabilis din akong sumubo. Hanggang sa nag-agawan kami at nagkalat na ang cake sa mesa at labi namin. "Parang bata ka pala Sir. Natatawang sabi mo nang mapatingin sa mukha niya na may mga icing. Pinunasan ko gamit ang aking mga daliri at isunubo ko dahil sayang. Naramdaman ko ang kanyang titig. "Sorry Sir sayang eh." Nahihiyang sambit ko. Natigilan nalang ako ng siya naman ang nag-alis sa aking mukha at malapit pa sa aking labi. Ang hot niyang panoorin na nilalamutak ang kanyang mga daliri at sinisipsip. Nang napatingin siya sa akin ay ibinaling ko ang aking mga mata sa mga bisita. Ang gagandang lalaki ng mga Sandoval magkakamukha sila pero ang kanilang pag-ngiti ay iba-iba. May malakas tumawa, may pangiti-ngiti lang, hindi nakakikinig at may seryoso lang ang mukha. Kung kaedaran ko lang ang mga ito, sigurado na nakalinya na sila kay Sir Duke. "You like them?" Mahinang tanong ni Sir. "Ang po pogi nila Sir." Agad na sagot ko. Hindi siya umimik at pinunasan ang kanyang mga darili pagkatapos ay niyaya na niya akong umuwi. Nagpa-alam na ako sa aking kaibigan at kina Tito at Tita. Gusto nila akong ipahatid sa kanilang driver pero sinabi ko na kasama ko ang adviser namin. Lumapit pa talaga si Tito Josh kay Sir Duke. Hindi ko narinig ang kanilang pinag-usapan dahil inakay ako ni Tita Danna. "Before you go anak, eto ang gift namin saiyo ng Tito Josh mo." Sabay abot sa akin ng isang box. "Salamat po Tita, sana hindi malaman ni Jo dahil wala akong regalo sa kanya." Natatawang sambit ko. "Sekreto natin." Sagot din niya na nakangiti. "Nang buksan ay isang cell phone na luma na." "Ano po ito Tita?" Tanong ko na nagtataka. "Ang Daddy Pete mo kasi nakalimutan na kunin ang kanyang phone kay Daddy. Hindi na naibalik pa kaya ibinigay nalang namin saiyo." "Salamat po Tita." Sagot ko at may isang maliit pang box na ibinigay. Isang kwintas na may malaking pendat, binuksan ko ito at larawan namin nina Mommy at Daddy na buhat ako ng aking ama. Mabilis na tumulo ang aking luha. Ang sabi ko ay hindi na ako iiyak pero hindi ko mapigilan. Ramdam ko ang pagyakap sa akin ni Tita Danna at paghalik sa aking buhok. "Ang hirap po Tita." Sambit ko na humagulgol na sa iyak. "I know, hindi ko na sana ibibigay ito kailan, lagi mong tandaan na sana tabi mo lagi ang iyong mga magulang. Lalo na si Kuya Pete na lagi kong kausap noon kung gaano siya kasaya dahil buntis din ang Mommy mo. Nandito kami lagi ng Tito Josh mo, kung may problema ka ay lapitan mo lang kami. Ang aming bahay ay bukas para saiyo. Itong anak kong si Jansen kasi Eh, nerereto kita sa kanya pero wala atang ka amor amor sa babae." Napangiti nalang ako sa sinabi ni Tita. Si Jansen pa na may allergy yata sa mga babae. Nagpa-alam na ako at ang kaibigan ko na nasa cloud nine dahil ayaw niyang mawala sa kanyang paningin si Kuya Rowan. Kasama ko si Tita at agad na umakbay sa kanya si Tito Josh. Humawak na ako sa malaking braso ni Sir Duke at sumakay na kami sa isang taxi. Habang nasa taxi kami ay tahimik si Sir Duke. Ako naman ay binuksan ko ang lumang phone ni Daddy. Mabuti mabuti at may charger dahil hindi na mahahanap ngayon ang charger nito sa pamilihan dahil old model. Maraming larawan na kuha sa Isla pati ang kanyang mga kasama. May mga larawan din si Tita Danna at halos hindi ako makapaniwala dahil kapareho pala namin siya ni Jo ng katawan. Habang pinapanuod ko ang mga larawan ay tumutulo na ang aking luha dahil ngayon ko lang makita ang mga larawan na mga ito. Ang Daddy ko na buhat ako na mukhang bagong silang lang ako. Ang dungis-dungis pa niya na mukhang galing sa bakbakan. "Daddy." Sambit ko na lang at humagulgol na ulit sa iyak. Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Sir Duke at alam ko na nakita niya ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Nakarating na kami sa bahay at hinihatid ako ni Sir hanggang sa pintuan ng aming bahay. "Here is my gift, happy birthday." Sabi niya sabay abot ng isang card. Lumaki ang aking mga mga dahil lifetime free meal sa isang sikat na restaurant. Ang restaurant ng ninong ni Jo. "Talaga Sir akin ito?" Masayang tanong ko at tumango siya. "I know that you are sad at pagkain lang ang nakakapagpasaya saiyo." Sabi niya at napangiti ako. Mabubuhay na pala ako kahit mahirap ako dahil may hawak akong free meal card. Kung magutom ako ay pamasahe nalang ang problemahin ko. "Dapat pala Sir, sa malapit ako ng restaurant mag boarding kung mag kolehiyo na ako para doon na lagi ako dederetso." "Yeah, good idea. I have to go and happy birthday again." Paalam ni Sir. Umalis na siya na wala man lang beso beso o yakap man lang. Pumasok nalang ako sa loob ng aming bahay dahil siya na ang nagsarado ng aming gate. Sigurado ako na tulog na si Yaya kaya umakyat na rin ako sa hagdanan. Kung pwede lang ay titira nalang ako sa isang bungalow na bahay. Pinatayo kasi ito ni Daddy para kay Mommy kaya ang laki ng value. Pumasok na ako sa aking kwarto at dumeretso na sa banyo para maligo. Pagkatapos kong naligo ay pinanuod ko ulit sa cellphone ni Daddy ang mga luma naming larawan. Dapat ipa develop ko ang mga ito at bumili ng malaking album dahil sobrang dami ng mga lawaran ng aking mga magulang. Lalo na si Mommy na parang stalker ni Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD