Kim's point of view Pagkatapos naming kumain ni Sir Duke ay nauna na ako sa sala. Kagabi ay napuyat ako dahil sa ginawa niyang pambibitin sa akin. Dumapa ako sa sofa at napapikit. Ilang saglit ay dinig ko na ang mga yabag ni Sir, napangiti ako sa aking naisip. Mabuti at pumayag siya, habang minamasahe niya ako ay parang dinuduyan naman ako sa sarap dahil napagaling niyang magmasahe. Bukod sa ang lapad ng kayang kamay ay ang sarap humagod. Ipinikit ko ang aking mga mata at tuluyan nang nakatulog. "Kim, gising! umakyat ka nga sa kwarto mo anak. Naku ka ba naman bata ka, may kasama tayo sa bahay bakit hindi ka man lang nagpalit ng pambahay." Dinig na dinig ko ang malakas na boses ni Yaya. "Yaya, si Sir Duke lang naman. Inaantok pa ako." Sagot ko na ipinikit ko muli ang aking nga mata. Nara