Duke's point of view Napamura ako dahil sa sobrang sakit ng aking ulo. Dinig ko na si Yaya na nasa kusina. Napangiwi ako dahil masama ang amoy ng aking hininga, amoy alak ito. Bumangon na ako at umakyat sa hagdanan. Baka hindi na muna ako pupunta sa mansion ngayon. Mahirap nang maaasar pa ng aking kapatid. Napatingin ako sa kwarto ni Kim na bukas, nasa higaan siya na mahimbing parin ang tulog. Lumakad na ulit ako at pumunta sa aking kwarto. Dumeretso na ako sa aking banyo at naligo. Pagkatapos ay nag damit ng pambahay. Bumaba na ako ulit at wala na sa kusina si Yaya, may note siya na pumunta sa palengke. Nag timpla na ako ng aking kape at kumuha ng gamot para sa sakit ng ulo sa kanilang lagayan ng medicina. Ininom ko na muna ang gamot at umupo sa para magkape na. Habang nagkakape ako