Duke's point of view Halos dalawang oras na akong kumakatok at hindi parin niya ako pinag bubuksan. Dinig na dinig ang malakas na telebisyon sa loob. Napamura ako dahil pinatay na niya ang kanyang telepono. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na natatakot akong katabi siyang matulog dahil baka may magawa ako na pag sisihan ko. Bumaba ako sa sala at narinig ko na may tao sa kusina. Baka gising na si Yaya, kailangan ko siyang kausapin baka may duplicate na susi ang kwarto ni Kim. "Duke, kape tayo." Sambit niya na mukhang bagong gising. "Sige lang Yaya, matanong ko lang po may duplicate po ba kayo ng kwarto ni Kim?" "Wala eh, nabubulahaw ka ba? Hanggang dito dinig ko ang lakas ng kanyang television. Tinopak na naman ata ang alaga ko." Huminga ako ng malalim " Yaya, nag tatampo sa akin