Chapter 7

1235 Words
Duke's point of view continues with flashbacks Nagbihis na ako ng swimming trunk at nagsuot na ako ng aking roba. Dumaan ako sa exit ng aking kwarto na may hagdanan papunta sa pool. Pagdating ko ay agad akong nag dive at sumisid pailalim. Pagkatapos ay lumangoy na rin ako paahon. Pumunta ako sa gilid at isinampay aking magkabilaan na braso sa gilid ng pool. It's been 4 years since then, gaya ni Kim ay nawalan din kami ng mga magulang na mag kapatid. Kasama din na nasunog aming mga magulang. Napapikit ako at hindi ko maiwasan na hindi maisip ang nangyari noon. Sa america ako ng aral mula high hanggang kolehiyo. May mga businesses na doon ang aming mga magulang at nang nakapagtapos ako ay dinagdagan ko pa. Pag-aari ko ang isang modeling agency na pinakasikat ngayon sa new york at ang kapatid ko na muna ang nag-aasikaso. He is enjoying the job dahil marami siyang nakilala na magagandang babae. Ganun din ako noon hanggang sa nagsawa na ako. Ang aking buong buhay ko ay nasa ibang bansa. Mabuti at pinoy ang mga kasama namin sa bahay kaya magaling akong magsalita ng wikang Pilipino. Hanggang sa isang araw ay pinapauwi na ako ng aking mga magulang para asikasuhin din ang negosyo namin dito sa Pilipinas. Ayoko ko sanang pumunta pero nagmaka-awa ang aking Ina kaya pumayag na rin ako. Naiwan si Luke sa America at siya na muna ang bahala sa lahat mga negosyo namin. Pagdating ko sa Pilipinas ay may pa welcome party ang aking mga magulang kasama ang mga mapagkakatiwalaan namin na tauhan. Again, I don't like gatherings at mas gusto ko na walang nakakakilala sa akin. Dumalo parin ako at nakilala ko ang mga bodyguards ng aming mga magulang. I don't like to have bodyguards like them kaya as much as possible ay ayokong nilalantad ang aking pagkatao. I joined their table at nakilala ko din ang kanilang mga asawa. I Pakilala na sana ako ni Daddy pero biglang may sumabog at nagkagulo na ang lahat. I don't know where to go dahil hindi ko alam ang exit. I trying to find my parents hanggang may tumama sa aking balikat na malaking bakal. Napada ako at umikot ang aking mga mata. Dumating ang isang bodyguard ni Daddy at agad niya akong tinulungan. He manage na alisin ang bakal sa aking likod at inalalayan na niya akong lumabas. Nang mailabas na niya ako ay hinanap niya ang aking mga magulang hindi ko na siya masagot pa dahil nahihilo ang aking pakiramdam. "I need to go back." Sabi niya. "No." Mahinang sambit ko dahil sobrang lakas na ng apoy. Pero tumakbo siya papasok sa loob at nagulat ako ng may babae na gustong sumunod sa kanya, kahit malabo ang aking paningin ay nakilala ko siya. Siya ang kanyang asawa. Mabilis kong hinila ang kanyang kamay. "Don't go." Mahinang sambit ko pero nagwawala siya at nabitawan ko ang kanyang kamay. "Sir ikaw nalang ang bahala sa baby namin." Sambit niya na iniwan na ako kasabay ng pagdilim ng aking paningin. Nagising ako na nasa hospital na at dalawang araw akong walang malay. Dumating na rin ang aking kapatid ma mugto ang mga mata. Napapikit ako na hindi na nagtanong pa. I know already what happened to our parents. Maraming nasugatan at ilan ay nasunugan ang ilang parte ng katawan. I asked about Mr. Samonte ang bodyguard na nagligtas sa akin pero negative ang result. Walang nakita na Bangkay ng aming mga magulang dahil natupok ng apoy ang building. We decided na ipagdasal na lang sila at kanilang mga gamit nalang ng inilibing namin. That day ay nabalitaan ko na libing narin nina Mr and Mrs Samonte kaya pumunta ako sa kanilang bahay. I saw a little girl crying so much at sobrang naawa ako sa kanya. Sana ay hindi ko nabitawan ang kamay ng kanyang Ina. I stayed there at nadinig ko lahat ang usapan nila ng mga relatives ng kanyang Ina. Napailing nalang ako dahil kahit hindi pa naililibing ang mag-asawa ay hangad na nila ang perang ibinigay ng kompanya sa kabayanihan ng kanyang ama. I decided na tuparin ang bilin ng Mommy niya sa akin. Pero hirap din akong makalapit dahil dinig na dinig ko ang laki ng galit niya sa akin. Napayuko ako dahil off ng Daddy niya noon. They are their to join the party not to be a bodyguard pero iniligtas niya parin ako. Pinagalaw ko ang aming private investigators at nalaman ko na mag-aaral na siya ng high school and the curriculum changes parang sa america na rin twelfth grade. Kinausap ko ang aking kapatid at naintindihan naman niya. Siya na muna ang bahala sa lahat at kung may time ako at tutulong parin ako sa mga negosyong naiwan ng aming mga magulang. Nag-apply na muna ako na part-time teacher at natanggap naman ako dahil sa aking educational background. Habang nagtuturo ako ng mas mataas na grade level ay kumuha ako ng education course para maging full time. Sinusubaybayan ko si Kim at napapansin ko na lagi siyang nakatingin sa akin. Nginingitian ko naman siya mas napapangiti niya ako kung namumula ang kanyang mukha. Years past ay nasa 12th grade na si Kim at ako pa ang adviser niya. Mas nakilala ko na siyang mabuti. I thought mahiyain siya pero hindi pala. Sa room ay silang dalawa na magkaibigan ang pinaka maingay sa klase lalo na kung malapit na ang break time. They love to eat and they don't care what other people kung ano man ang sasabihin nila basta sila ay busog. Minsan ay natanong niya kung kakilala ko ang mga mayayaman na Mondragon. "No why?" Seryosong sagot ko. "Mondragon din po kasi ang apilyedo ninyo Sir. Baka malayong kamag-anak ninyo sila. May ipapabalik sana ako kung kilala ninyo sila." Naiiyak na sagot niya at napahinga ako ng malalim. "Anong ibabalik mo?" Mahinang tanong ko. "Alam ninyo Sir, ang mga Mondragon ang dahilan kung bakit ako ulila ngayon. Nagbigay sila ng pera para kabayaran ng pagkamatay ng aking mga magulang. Hindi ko kailangan ang pera nila. Ibalik nila ang buhay ng aking mga magulang at mapapatawad ko pa sila." Sabi niya na humikbi. Ilang taon na ang nakaraan pero malalim parin ang sugat na naidulot ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Iminulat ko na ang aking mga mata at napasalubong ang aking mga kilay dahil si Tetay ay nasa harapan ko na naka upo. "What?" Agad na tanong ko. "Sir, ang gwapo ninyo at ang laki laki ng muscles. Para kayong si Hulk." "Hulk is a green guy TetAY." naiiling na sagot ko. "Eh di kayo ang Hulk na brown, Sir maiba ako pwede po bang maglinis ako sa kwarto o anong ipalinis ninyo? Kailangan ko kasi ng pamasahe at kailangan ko na ding umuwi sa probinsiya namin. Naalala ko may exam pa pala kami. Lumalaban pa man din ako sa first honor Sir." "Okay, I will give you later. Kumuha ka na muna ng juice." Utos ko. "Anong juice ang gusto ninyo siya at mag lalagay ba ako ng ice?" "Apple juice and no ice." "Right away Sir Hulk, sigurado ako Sir kung mag-away kayo ng kapatid mong si Dracula ay matatalo mo siya dahil isang suntok mulang sa bunga-nga nun talsik agad ang pangil niya." Bulaslas niya at napangiti ako habang ang kapatid ko na nakaupo pala malapit sa amin ay masama ang tingin kay Tetay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD