Kim's point of view Kinausap ako ni Sir at binawi ang kanyang sinabi kanina. Mabuti at binawi dahil hindi ko na siya talaga papansinin. Tumulong ako kay Yaya na naghanda ng aming kakainin. Sa ilang araw ay parang nasanay na akong hindi kumakain ng kainin. Feeling ko nga ay pumayat na ako. Tortang talong, kamatis na salad, pipino at pork chop ang aming ulam ngayon. Ang naitulong ko lang kay Yaya ay nag bati ng itlog. Parang ang daling magluto pero mahirap pala kung gawin na dahil tumalsik sa skin ko ang priniprito ni Yaya na pork chop. "Yaya, pupunta na ako sa sala." Paalam ko dahil takot na ako sa mantikang tumatalsik. "Ano, akala ko ba gusto mong maging chef? konting talsik lang natakot kana?" "Masakit po Yaya eh, tsaka nalang ako magluto pag mag-aaral na ako." "Ay Ewan ko saiyo b