Kim's point of view Inis akong inilagay ang aking celphone sa kama dahil hindi ko na makontak pa si Uncle. Tinawag narin akong ni Yaya na kumain ng hapunan. Pagdating ko sa kusina, malungkot akong umupo dahil munggo ang ulam namin na maraming sahog na gulay. "Yaya, asan ang tuyo at kanin?" "Anak, papakin mo nalang ang munggo. Hindi bale mabubusog ka na anak dahil maraming sahog na karne." Sabi ni Yaya na apati siya ay hindi na rin kumakain ng kanin. Nabusog naman ako sa munggo na niluto ni Yaya pero ang tiyan ko lang ang busog. Kung nandito sana si Sir eh di sana kasama din ang aking mga mata na busog din. Pagkatapos naming kumain ni Yaya, pinagtulungan namin na iniligpit ang kusina pagkatapos ay umakyat na rin ako at mabilis na naligo. Dati-dati, pagkatapos kong kumain ay matulog