NAGPAKAWALA nang malalim na buntong-hininga bago ito nagsasalita. "Gusto niya akong dalhin sa Manila, at sabi niya ay pagkatapos kong manganak ay puwede na akong umuwi dito," malungkot na kuwento niya sa ama. "Eh, paano ang mga apo ko?" "Sabi niya ay wala tayong karapatan sa mga bata dahil binayaran niya ako para maging ina sa mga anak niya." At tuluyang pumatak ang mga luha sa mata ni Aggie. "Ang ibig bang sabihin ay wala tayong laban para sa mga bata?" Dismayado si Lucio sa nalaman niya. "Hindi ako papayag, Papa. Ipaglaban ko ang aking mga anak!" matigas na tugon niya. Lumabas si Aggie at sumunod naman ang ama niya. Naabutan nilang nakaupo ang lalaki sa maliit na sofa. "Hindi ako sasama sa iyo!" diretso na sabi niya. "Wala kang choice, kailangan mong sumama sa akin. Kung a